ELONA'S POV “Oh, my! Sabi ko nga ba’y buntis ka,” natutuwang sambit ni Lorenzo nang umalis ang pinoy nurse. At nagsalubong naman ang kilay ko. “Ba’t natutuwa ka, Lorenzo? Hindi ka ba galit sa akin dahil nabuntis na naman ako ng Daddy Rowan na ‘yon, ha?” gagad ko dahilan upang umiling ito. “Ba’t ako magagalit sa ‘yo? Walang kasalanan ang anak mo, Elona at anong alam ng Rowan na ‘yon na mabubuntis ka. Ang mahalaga naman sa lalaking ‘yon ay ang sarili niyang kaligayahan. At saka alam ko namang hindi mo siya matitiis, dahil kung ayaw mo naman talagang magpagamit sa kanya’y aayaw ka, ‘di ba? Pero dahil gusto mo at mahal mo siya’y pumayag ka,” mahabang sambit ni Lorenzo at halata ang inis sa boses nito. “Tumigil na kayong dalawa. At blessings ang baby kaya huwag na kayong magtalo,” wika

