bc

"Ang babae sa salamin sa bahay ng mga kaluluwa"

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
adventure
revenge
dark
reincarnation/transmigration
mystery
vampire
like
intro-logo
Blurb

Sa isang maliit na bayan sa Samar na napapalibutan ng mga malalaking puno at mga abandonadong bukid, may isang lumang bahay na tinatawag na "Bahay ng mga ligaw na kaluluwa". Ayon sa mga kwento ng mga matatanda sa bayan, ang bahay na ito ay pinagmumulan ng mga kakaibang pangyayari at mga hindi maipaliwanag na mga nag iilaw na kapaligiran at ingay sa gabi.Isang grupo ng mga kabataan na sina Arnold, Mark, Joseph, at Eman ay nagpasya na galugarin ang Bahay ng mga ligaw na kaluluwa sa isang madilim na gabi. Gusto nilang malaman kung totoo ang mga kwento tungkol sa bahay na puno ng mga matakot takot na kwento . Pumasok sila sa bahay na may mga sira-sirang pinto at mga bintana na naglalabas ng mga nakakatakot na ingay at malamig na hangin an kumakaloskos na tunog na parang may tunog na nakakatakot na sumisipol.Habang naglalakad sila sa loob ng bahay, nakaramdam sila ng mga kakaibang presensya sa paligid nila. Biglang may mga pintuan na nagsasara ng kusa at may mga yapak na naririnig mula sa itaas ng bahay. Sinabi ni Mark na dapat na silang umalis na dahil parang hindi ligtas sa bahay. Pero si Arnold ay gustong magpatuloy na mag-explore. Sabi pa nga nito di daw siya natatakot dito dahil may anting2 daw siya na bigay ng kanyang kaibigan na mang gagamot.Sa itaas ng bahay, nakita nila ang isang kwarto na may mga lumang larawan sa dingding. Ang mga larawan ay may mga mukha ng mga tao na parang nakatingin sa kanila. Biglang, nagsimulang magbago ang mga mukha sa mga larawan - nagiging mas nakakatakot at parang buhay ang mga ito.Nagsimulang tumakbo ang grupo palabas ng bahay pero nakita nila na nagsasara ang mga pinto sa harapan nila. Hindi sila makalabas. Nagsimula nang magpanic ang grupo at nagtangka silang hanapin ang ibang daanan palabas. Pero sa bawat daanan na tinatahak nila, may mga anino na sumusunod sa kanila at may naririnig silang yapak na sumusunod sa kanila.Sa isang madilim na sulok ng bahay, nakita nila ang isang lumang salamin. Sa salamin, may isang mukha na lumitaw - mukha ng isang babae na may mga mata na puro itim. Ang babae sa salamin ay nagsalita sa isang nakakatakot na boses, "Hindi kayo dapat nandito umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay" . Biglang, nawalan ng ilaw sa bahay at naging sobrang dilim. Nakarinig sila ng mga yapak na papalapit sa kanila. Hindi nila alam kung saan sila tatakbo. At biglang, tumigil ang lahat.Nang bumalik ang ilaw sa bahay, nakita nila na sila'y nakatayo sa labas ng bahay. Hindi nila alam kung paano sila nakalabas. Pero ang mga alaala ng nangyari sa loob ng bahay ay nananatili sa kanila. At mula noon, hindi na sila bumalik sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa.Matapos ang nangyari sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa, naging paranoid ang grupo nina Arnold, Mark, Joseph, at Eman. Hindi nila maiwasan na mag-usap tungkol sa mga kakaibang pangyayari sa bahay na iyon. Natakot sila sa mga nangyari at nagpasya na wag nang bumalik sa bahay na iyon.Pero sa mga sumunod na araw, nagsimulang mangyari ang mga kakaibang bagay sa mga bahay nila. May mga ingay sa gabi na parang may mga yapak sa itaas ng bahay. May mga bagay na nawawala sa mga kwarto nila at may mga anino na nakikita sa mga sulok ng mga kwarto kapag gabi.Si Eman ang unang nakaranas ng isang napakakakaibang pangyayari. Isang gabi, habang natutulog siya, nakakita siya ng isang babae sa kwarto niya na may mga mata na puro itim. Ang babae ay lumapit sa kama niya at bumulong ng isang salita, "Tawagin mo sila."Nagising si Eman sa takot at sinabi niya sa mga kaibigan niya ang nangyari. Naging mas natakot ang grupo at nagpasya sila na magsagawa ng isang ritwal para protektahan ang mga sarili nila mula sa mga kaluluwa sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Nag-research sila ng mga paraan para mag-protekta sa sarili mula sa mga entidad ng bahay na iyon. Nakita nila ang isang lumang libro tungkol sa exorcismo at mga ritwal para paalisin ang mga masasamang espiritu. Nagpasya sila na gawin ang isang ritwal sa isang simbahan malapit sa bayan para protektahan ang mga sarili nila.Sa gabi ng ritwal, nagtipon sila sa simbahan kasama ang isang pari na pumayag tulungan sila. Ginawa nila ang ritwal na may mga dasal at mga simbolo para protektahan sila mula sa mga ligaw na kaluluwa. Matapos ang ritwal, naramdaman nila na medyo bumawas ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila.Pero isang gabi, habang natutulog si Arnold, nakita niya ang babae na may mga mata na puro itim sa panaginip niya. Ang babae ay nagsabi, "Hindi kayo makakatakas." Nagising si Arnold sa takot at sinabi niya sa mga kaibigan niya ang panaginip.Ngayon, hindi alam ng grupo kung ano ang mangyayari sa kanila. Patuloy pa rin ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila at hindi sila sigurado kung makakatakas sila sa mga espirito ng Bahay ng mga ligaw na kaluluwa.Matapos ang panaginip ni Arnold, naging mas intense ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila. May mga bagay na nawawala sa mga kwarto nila at may mga ingay sa gabi at may ingay sa gabi na parang kakaibang tunog

chap-preview
Free preview
Ang babae sa salamin sa loob ng bahay ng mga ligaw na kaluluwa
Sa isang maliit na bayan sa Samar na napapalibutan ng mga malalaking puno at mga abandonadong bukid, may isang lumang bahay na tinatawag na "Bahay ng mga ligaw na kaluluwa". Ayon sa mga kwento ng mga matatanda sa bayan, ang bahay na ito ay pinagmumulan ng mga kakaibang pangyayari at mga hindi maipaliwanag na mga nag iilaw na kapaligiran at ingay sa gabi. Isang grupo ng mga kabataan na sina Arnold, Mark, Joseph, at Eman ay nagpasya na galugarin ang Bahay ng mga ligaw na kaluluwa sa isang madilim na gabi. Gusto nilang malaman kung totoo ang mga kwento tungkol sa bahay na puno ng mga matakot takot na kwento . Pumasok sila sa bahay na may mga sira-sirang pinto at mga bintana na naglalabas ng mga nakakatakot na ingay at malamig na hangin an kumakaloskos na tunog na parang may tunog na nakakatakot na sumisipol. Habang naglalakad sila sa loob ng bahay, nakaramdam sila ng mga kakaibang presensya sa paligid nila. Biglang may mga pintuan na nagsasara ng kusa at may mga yapak na naririnig mula sa itaas ng bahay. Sinabi ni Mark na dapat na silang umalis na dahil parang hindi ligtas sa bahay. Pero si Arnold ay gustong magpatuloy na mag-explore. Sabi pa nga nito di daw siya natatakot dito dahil may anting2 daw siya na bigay ng kanyang kaibigan na mang gagamot. Sa itaas ng bahay, nakita nila ang isang kwarto na may mga lumang larawan sa dingding. Ang mga larawan ay may mga mukha ng mga tao na parang nakatingin sa kanila. Biglang, nagsimulang magbago ang mga mukha sa mga larawan - nagiging mas nakakatakot at parang buhay ang mga ito. Nagsimulang tumakbo ang grupo palabas ng bahay pero nakita nila na nagsasara ang mga pinto sa harapan nila. Hindi sila makalabas. Nagsimula nang magpanic ang grupo at nagtangka silang hanapin ang ibang daanan palabas. Pero sa bawat daanan na tinatahak nila, may mga anino na sumusunod sa kanila at may naririnig silang yapak na sumusunod sa kanila. Sa isang madilim na sulok ng bahay, nakita nila ang isang lumang salamin. Sa salamin, may isang mukha na lumitaw - mukha ng isang babae na may mga mata na puro itim. Ang babae sa salamin ay nagsalita sa isang nakakatakot na boses, "Hindi kayo dapat nandito umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay" . Biglang, nawalan ng ilaw sa bahay at naging sobrang dilim. Nakarinig sila ng mga yapak na papalapit sa kanila. Hindi nila alam kung saan sila tatakbo. At biglang, tumigil ang lahat. Nang bumalik ang ilaw sa bahay, nakita nila na sila'y nakatayo sa labas ng bahay. Hindi nila alam kung paano sila nakalabas. Pero ang mga alaala ng nangyari sa loob ng bahay ay nananatili sa kanila. At mula noon, hindi na sila bumalik sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Matapos ang nangyari sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa, naging paranoid ang grupo nina Arnold, Mark, Joseph, at Eman. Hindi nila maiwasan na mag-usap tungkol sa mga kakaibang pangyayari sa bahay na iyon. Natakot sila sa mga nangyari at nagpasya na wag nang bumalik sa bahay na iyon. Pero sa mga sumunod na araw, nagsimulang mangyari ang mga kakaibang bagay sa mga bahay nila. May mga ingay sa gabi na parang may mga yapak sa itaas ng bahay. May mga bagay na nawawala sa mga kwarto nila at may mga anino na nakikita sa mga sulok ng mga kwarto kapag gabi. Si Eman ang unang nakaranas ng isang napakakakaibang pangyayari. Isang gabi, habang natutulog siya, nakakita siya ng isang babae sa kwarto niya na may mga mata na puro itim. Ang babae ay lumapit sa kama niya at bumulong ng isang salita, "Tawagin mo sila." Nagising si Eman sa takot at sinabi niya sa mga kaibigan niya ang nangyari. Naging mas natakot ang grupo at nagpasya sila na magsagawa ng isang ritwal para protektahan ang mga sarili nila mula sa mga kaluluwa sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Nag-research sila ng mga paraan para mag-protekta sa sarili mula sa mga entidad ng bahay na iyon. Nakita nila ang isang lumang libro tungkol sa exorcismo at mga ritwal para paalisin ang mga masasamang espiritu. Nagpasya sila na gawin ang isang ritwal sa isang simbahan malapit sa bayan para protektahan ang mga sarili nila. Sa gabi ng ritwal, nagtipon sila sa simbahan kasama ang isang pari na pumayag tulungan sila. Ginawa nila ang ritwal na may mga dasal at mga simbolo para protektahan sila mula sa mga ligaw na kaluluwa. Matapos ang ritwal, naramdaman nila na medyo bumawas ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila. Pero isang gabi, habang natutulog si Arnold, nakita niya ang babae na may mga mata na puro itim sa panaginip niya. Ang babae ay nagsabi, "Hindi kayo makakatakas." Nagising si Arnold sa takot at sinabi niya sa mga kaibigan niya ang panaginip. Ngayon, hindi alam ng grupo kung ano ang mangyayari sa kanila. Patuloy pa rin ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila at hindi sila sigurado kung makakatakas sila sa mga espirito ng Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Matapos ang panaginip ni Arnold, naging mas intense ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila. May mga bagay na nawawala sa mga kwarto nila at may mga ingay sa gabi na parang may mga tao na naglalakad sa itaas ng bahay. Naging mas natakot ang grupo nina Arnold, Mark, Joseph, at Eman. Isang gabi, habang nag-uusap sila tungkol sa mga nangyayari, biglang tumunog ang doorbell ng bahay ni Mark. Pumunta si Mark sa pinto at binuksan niya ito, pero walang nakita sa labas. Pero may isang sobre na nakapatong sa doorstep. Binuksan ni Mark ang sobre at nakita niya ang isang lumang litrato ng grupo nila sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Sa likod ng litrato, may nakasulat na "Huling pagkakataon." Naging mas kinakabahan ang grupo at nagpasya sila na magtipon-tipon sa bahay ni Joseph para pag-usapan ang mga nangyayari. Habang nag-uusap sila, biglang nag-start ang mga ilaw sa bahay na kumikislap at may mga aninong nakikita sa mga sulok ng kwarto. Si Joseph ang unang nakaramdam ng isang presensya sa likod niya. Nang lingunin niya, nakita niya ang babae na may mga mata na puro itim. Ang babae ay lumapit sa grupo at nagsalita sa isang nakakatakot na boses, "Kailangan ninyo bumalik sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Huling pagkakataon." Naging sobrang takot ang grupo at nagpasya sila na wag nang bumalik sa bahay na iyon. Pero biglang, nagsimulang magbago ang mga bagay sa paligid nila. Ang mga pinto sa bahay ay nagsasara ng kusa at ang mga bintana ay nagbubukas ng bigla. Parang may isang puwersa na pinipilit sila na bumalik sa Bahay ng mga mga ligaw na kaluluwa. Sa gitna ng gabi, nakita nila na ang mga kotse nila ay nawawala sa labas ng bahay. Wala silang paraan para makalayo sa lugar na iyon. Ang babae na may mga mata na puro itim ay muling lumitaw sa harap nila at nagsabi, "Tara na. Huling pagkakataon." Biglang, naramdaman nila na parang sila'y hinahatak papunta sa isang direksyon. Hindi nila alam kung saan sila pupunta pero parang may isang puwersa na kumokontrol sa kanila. At biglang, nawalan sila ng malay. Nang magising sila, nakita nila na sila'y nasa loob ng Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Hindi nila alam kung paano sila nakarating doon. Ang bahay ay mas madilim at mas nakakatakot kaysa dati. At ang babae na may mga mata na puro itim ay nakatayo sa harap nila,at sabay sabi ng babae " welcome sa bahay ng mga ligaw na kaluluwa simula ngayonSa isang maliit na bayan sa Samar na napapalibutan ng mga malalaking puno at mga abandonadong bukid, may isang lumang bahay na tinatawag na "Bahay ng mga ligaw na kaluluwa". Ayon sa mga kwento ng mga matatanda sa bayan, ang bahay na ito ay pinagmumulan ng mga kakaibang pangyayari at mga hindi maipaliwanag na mga nag iilaw na kapaligiran at ingay sa gabi. Isang grupo ng mga kabataan na sina Arnold, Mark, Joseph, at Eman ay nagpasya na galugarin ang Bahay ng mga ligaw na kaluluwa sa isang madilim na gabi. Gusto nilang malaman kung totoo ang mga kwento tungkol sa bahay na puno ng mga matakot takot na kwento . Pumasok sila sa bahay na may mga sira-sirang pinto at mga bintana na naglalabas ng mga nakakatakot na ingay at malamig na hangin an kumakaloskos na tunog na parang may tunog na nakakatakot na sumisipol. Habang naglalakad sila sa loob ng bahay, nakaramdam sila ng mga kakaibang presensya sa paligid nila. Biglang may mga pintuan na nagsasara ng kusa at may mga yapak na naririnig mula sa itaas ng bahay. Sinabi ni Mark na dapat na silang umalis na dahil parang hindi ligtas sa bahay. Pero si Arnold ay gustong magpatuloy na mag-explore. Sabi pa nga nito di daw siya natatakot dito dahil may anting2 daw siya na bigay ng kanyang kaibigan na mang gagamot. Sa itaas ng bahay, nakita nila ang isang kwarto na may mga lumang larawan sa dingding. Ang mga larawan ay may mga mukha ng mga tao na parang nakatingin sa kanila. Biglang, nagsimulang magbago ang mga mukha sa mga larawan - nagiging mas nakakatakot at parang buhay ang mga ito. Nagsimulang tumakbo ang grupo palabas ng bahay pero nakita nila na nagsasara ang mga pinto sa harapan nila. Hindi sila makalabas. Nagsimula nang magpanic ang grupo at nagtangka silang hanapin ang ibang daanan palabas. Pero sa bawat daanan na tinatahak nila, may mga anino na sumusunod sa kanila at may naririnig silang yapak na sumusunod sa kanila. Sa isang madilim na sulok ng bahay, nakita nila ang isang lumang salamin. Sa salamin, may isang mukha na lumitaw - mukha ng isang babae na may mga mata na puro itim. Ang babae sa salamin ay nagsalita sa isang nakakatakot na boses, "Hindi kayo dapat nandito umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay" . Biglang, nawalan ng ilaw sa bahay at naging sobrang dilim. Nakarinig sila ng mga yapak na papalapit sa kanila. Hindi nila alam kung saan sila tatakbo. At biglang, tumigil ang lahat. Nang bumalik ang ilaw sa bahay, nakita nila na sila'y nakatayo sa labas ng bahay. Hindi nila alam kung paano sila nakalabas. Pero ang mga alaala ng nangyari sa loob ng bahay ay nananatili sa kanila. At mula noon, hindi na sila bumalik sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Matapos ang nangyari sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa, naging paranoid ang grupo nina Arnold, Mark, Joseph, at Eman. Hindi nila maiwasan na mag-usap tungkol sa mga kakaibang pangyayari sa bahay na iyon. Natakot sila sa mga nangyari at nagpasya na wag nang bumalik sa bahay na iyon. Pero sa mga sumunod na araw, nagsimulang mangyari ang mga kakaibang bagay sa mga bahay nila. May mga ingay sa gabi na parang may mga yapak sa itaas ng bahay. May mga bagay na nawawala sa mga kwarto nila at may mga anino na nakikita sa mga sulok ng mga kwarto kapag gabi. Si Eman ang unang nakaranas ng isang napakakakaibang pangyayari. Isang gabi, habang natutulog siya, nakakita siya ng isang babae sa kwarto niya na may mga mata na puro itim. Ang babae ay lumapit sa kama niya at bumulong ng isang salita, "Tawagin mo sila." Nagising si Eman sa takot at sinabi niya sa mga kaibigan niya ang nangyari. Naging mas natakot ang grupo at nagpasya sila na magsagawa ng isang ritwal para protektahan ang mga sarili nila mula sa mga kaluluwa sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Nag-research sila ng mga paraan para mag-protekta sa sarili mula sa mga entidad ng bahay na iyon. Nakita nila ang isang lumang libro tungkol sa exorcismo at mga ritwal para paalisin ang mga masasamang espiritu. Nagpasya sila na gawin ang isang ritwal sa isang simbahan malapit sa bayan para protektahan ang mga sarili nila. Sa gabi ng ritwal, nagtipon sila sa simbahan kasama ang isang pari na pumayag tulungan sila. Ginawa nila ang ritwal na may mga dasal at mga simbolo para protektahan sila mula sa mga ligaw na kaluluwa. Matapos ang ritwal, naramdaman nila na medyo bumawas ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila. Pero isang gabi, habang natutulog si Arnold, nakita niya ang babae na may mga mata na puro itim sa panaginip niya. Ang babae ay nagsabi, "Hindi kayo makakatakas." Nagising si Arnold sa takot at sinabi niya sa mga kaibigan niya ang panaginip. Ngayon, hindi alam ng grupo kung ano ang mangyayari sa kanila. Patuloy pa rin ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila at hindi sila sigurado kung makakatakas sila sa mga espirito ng Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Matapos ang panaginip ni Arnold, naging mas intense ang mga kakaibang pangyayari sa mga bahay nila. May mga bagay na nawawala sa mga kwarto nila at may mga ingay sa gabi na parang may mga tao na naglalakad sa itaas ng bahay. Naging mas natakot ang grupo nina Arnold, Mark, Joseph, at Eman. Isang gabi, habang nag-uusap sila tungkol sa mga nangyayari, biglang tumunog ang doorbell ng bahay ni Mark. Pumunta si Mark sa pinto at binuksan niya ito, pero walang nakita sa labas. Pero may isang sobre na nakapatong sa doorstep. Binuksan ni Mark ang sobre at nakita niya ang isang lumang litrato ng grupo nila sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Sa likod ng litrato, may nakasulat na "Huling pagkakataon." Naging mas kinakabahan ang grupo at nagpasya sila na magtipon-tipon sa bahay ni Joseph para pag-usapan ang mga nangyayari. Habang nag-uusap sila, biglang nag-start ang mga ilaw sa bahay na kumikislap at may mga aninong nakikita sa mga sulok ng kwarto. Si Joseph ang unang nakaramdam ng isang presensya sa likod niya. Nang lingunin niya, nakita niya ang babae na may mga mata na puro itim. Ang babae ay lumapit sa grupo at nagsalita sa isang nakakatakot na boses, "Kailangan ninyo bumalik sa Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Huling pagkakataon." Naging sobrang takot ang grupo at nagpasya sila na wag nang bumalik sa bahay na iyon. Pero biglang, nagsimulang magbago ang mga bagay sa paligid nila. Ang mga pinto sa bahay ay nagsasara ng kusa at ang mga bintana ay nagbubukas ng bigla. Parang may isang puwersa na pinipilit sila na bumalik sa Bahay ng mga mga ligaw na kaluluwa. Sa gitna ng gabi, nakita nila na ang mga kotse nila ay nawawala sa labas ng bahay. Wala silang paraan para makalayo sa lugar na iyon. Ang babae na may mga mata na puro itim ay muling lumitaw sa harap nila at nagsabi, "Tara na. Huling pagkakataon." Biglang, naramdaman nila na parang sila'y hinahatak papunta sa isang direksyon. Hindi nila alam kung saan sila pupunta pero parang may isang puwersa na kumokontrol sa kanila. At biglang, nawalan sila ng malay. Nang magising sila, nakita nila na sila'y nasa loob ng Bahay ng mga ligaw na kaluluwa. Hindi nila alam kung paano sila nakarating doon. Ang bahay ay mas madilim at mas nakakatakot kaysa dati. At ang babae na may mga mata na puro itim ay nakatayo sa harap nila,at sabay sabi ng babae " welcome sa bahay ng mga ligaw na kaluluwa simula ngayon ito na ang magiging tahanan niyo". Biglang natakot ang apat na kabataan na dahil sa we welcome na sila ng babaeng may maitim na mata. Akala ng mga kabataan na buhay pa sila at gusto nilang maghawakan sa isat isa dahil sa sobrang takot. Pero ang di nila alam na kaluluwa na lang din pala sila. Nang sabihin ng babae na kayo ay di na makakabalik sa mga katawan niyo. Hindi kayo nakikinig sa mga sinasabi sa inyo ng mga matatanda kaya kayo ngayon nandito. At agad nag si iyakan silang apat dahil sa sinabi ng babae na di na sila makakabalik sa knilang mga katawan. Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang nawala sa harapan nila yung babae. Sa sobrang takot ay nagsisigawan sa kaiiyak ang mga kabataan na lubos na nagmamakaawa na sila ay pabalikin na sa knilang katawan tao. Labis na daw na pinagsisihan nila ang mga nagawa nilang pag labag sa pag pasok sa bahay ng mga kaluluwa. Agad nman sila nakarinig ng malakas na kaluskos ng hangin na parang may malaking ibon na humahampas sa labas ng bahay ng mga kaluluwa. Labis na natakot ang mga Batang ito ng marinig nila ang alingawngaw na tahol na parang asong ulol na lubos kinatakot nila.biglang dumating ang babaeng may itim na mata at sinabihan sila na kahit anong iyak niyo pa di kayo maririnig ng mga tao dahil sa kayo ay kaluluwa na at nandito pa kayo sa loob ng bahay ng mga kaluluwa. Biglang na tahimik ang mga kabataan dahil sa naubos na mga boses nila sa kasisigaw. Nakakulong mga kaluluwa nila sa bahay ng mag kaluluwa kaya wala silang magagawa kundi sumunod sa mga sinasabi ng babaeng maitim ang mata. Mga ilang minuto ang nakalipas si Arnold ay may naalala na itinuro ng kanyang kaibigang albularyo na isang Latin na salita na kailangan niya mamemorya para may pan laban siya sa mga masasamang espirito. At ito ay Inalala niya ang lahat ng mga turog sa kanya ng kanyang kaibigang albularyo. Agad pumasok sa isipan ni Arnold ang lahat ng turo ng kanyang kaibigan. Una ay tumingala sa langit kilalanin tawagin ang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat at taimtim na manalangin. Humingi ng basbas na magkabisa ang orasyon na itinuro sa kanya at agad ito sambitin ng tatlong beses. Tapos sinundan niya ito ng ama namin na panalangin habang nakapikit. Nagtaka mga kasamahan ni Arnold dahil sa nakakita sila ng liwanag na galing sa taas pumasok sa bintana ng bahay. Nagkaroon sila ng pag asa at sabay sabay silang tumingala sa langit at nanalangin ng isang ama namin at I believe in God. Agad sinambit nilang sabay sabay ang orasyon ng pang laban sa masamang espirito. Ilang minuto ang nakalipas nagising ulit ang apat na kabataan sa knilang pamamahay na at nakabalik na sa kanilang mga katawang tao. Mula noon mas pinatibay ng mga kabataan ang panalangin sa may kapal lagi na silang nagsisimba tuwing linggo. At naging aral din sa kanila na wag matigas ang ulo dapat makinig sa mga matatanda, matutong rumespito at Wag pumasok sa mga pinagbabawal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mated To My Obsessive Step-brother

read
31.9K
bc

The Last of Her Pack

read
5.8K
bc

Shifted Fate

read
1.1M
bc

Three Alpha Bikers Wants An Open Marriage(An Erotic Paranormal Reverse Harem)

read
107.2K
bc

Cheating Mate & Her Revenge

read
9.3K
bc

Our Aurora Borealis (Blue Lake Series Book 3)

read
96.0K
bc

Cora Queen of All Werewolves

read
75.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook