Kabanata 8.1 Nasa balkonahe ako sa mansion ni Zao sa ngayon. Hindi ako makatulog sapagkat pabalik-balik sa aking isipan ang sinabi ni Zao sa akin kanina. 'But sorry, you're just a toy for me' Haist! Bakit hindi mawala-wala sa isipan ko ang kanyang sinabi. Gusto kong makatulog para pansamantalang makalimutan ko ang kanyang sinasabi pero hindi naman ako dinadalaw ng antok. Kaya naman nandito andito. Nagbabakasakaling dalawin ako ng antok. Humahaplos lang sa aking balat ang sariwang hangin mula sa labas habang pinagmasdan ko lang ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda. Madami akong nakikita sa kalangitan na mga bituin. Haist. "Zao." nasabi ko nalang sa kawalan. "Hindi ka ba makakatulog?" "Ay b*lat sa iring!" gulat kong sabi kay Heat sa aking tabi. Hindi ko naman inaasahan na kusang

