bc

The Price Of Lust (Tagalog/Filipino-Completed)

book_age18+
21.9K
FOLLOW
114.5K
READ
possessive
one-night stand
body exchange
playboy
goodgirl
like
intro-logo
Blurb

"Pumunta ako sa Manila para sa matinong trabaho, hindi para ibenta ang pagka-birhen ko...."

Si Verity ay laking probinsiya. Lumapit si Andeng sa kanya at binigyan ng isang offer para magtrabaho sa Manila. Dahil sa kahirapan na kanyang dinanas, agad siyang sumang-ayon at sumama kay Andeng, na kung tawagin ding 'Tita Andeng'. Masaya na sana siya ngunit ibang trabaho ang nadatnan niya doon. Hindi isang matinong trabaho ngunit iyon pala ay ibebenta ang kanyang pagka-birhen sa isang auction.

Ang naging offer sa kanya ay ang sino mang makabigay ng pinakamalaking halaga para kay Verity, siya ang makakaangkin sa kanya.

Mayroong isang lalaki ang nag-offer ng malaking price sa kanya. Hindi niya inaasahan na ang lalaking iyon ay isang ruthless man, hindi kayang magmahal ng mga babae, at gusto lamang niyang paglaruan sila. Kahit anong gawin niya, hindi na magbabago pa ang takbo ng kanyang buhay.

"You are mine now, Verity. I offers the highest amount of money just to have you......"

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ANG SIMULA. Napatingin ako sa paligid. Normal lamang ang aking nakikita. Walang iregularidad. "Finally. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatapak sa Manila!" Iyon ang naging sigaw ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwalang nasa Manila na ako. Ibang-iba ito sa probinsiya na pinanggalingan ko. Napilitan lang naman akong naparito sapagkat kailangan kong tulungan ang pamilyang makaahon sa kahirapan. Nagsasaka lang naman sa bukid at hindi sapat ang kinikita nila doon para may pantustos sa akin at iba ko pang kapatid. Hindi sana nila ako papayagan pero nagpumilit na ako para lang ma-i-ahon sila sa hirap at para na rin sa mga kapatid ko. Para sa kanila itong ginagawa ko. Sabi ni Andeng, katulong raw ang papasukan ko rito. Naghahanap raw ang kanyang amo ng bagong katulong sapagkat huminto ang dati nilang katulong dahil may sakit ito at dapat magpahinga. Kaya narito ako ngayon, may dalang isang bag na laman nito'y damit at mga importanteng bagay na kinakailangan ko sa pang-araw-araw. "Maraming bagay ang magbabago ngayong nandito ka na sa Maynila," panimulang sabi ni Andeng ng makarating kami sa kanyang sinasabing apartment niya dito sa Manila. Malaki, air-conditioned at malayong-malayo sa kubong kanilang tinitirhan sa probinsiya. "Kailangan mo na akong tawaging Tita. Hindi mo na ako tatawaging Andeng," dugtong niya. Napatango lang ako sa kanyang sinabi. "At bago ko makalimutan sabihin sa'yo, hindi na matutuloy ang pagiging katulong mo dito." aniya. Gulat ang naging reaksiyon ko sa sinabi niya. "Sayang ang ganda at hugis ng 'yong katawan kong magiging katulong ka lang dito." "Pero, paano na 'yan Ande—Tita? Uuwi nalang ba ako pabalik sa probinsiya?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Gusto kong maiahon ang pamilya ko sa hirap. Hindi ko matanggap na wala lang akong mapapala sa Manila. Oportunidad ko na ito. Napangiti lang siya at napailing sa akin sabay hithit ng sigarilyong dala niya. Ibinuga niya ito sa aking harapan kaya napatakip ako ng ilong. Hindi man lang niya naisip na may tao sa kanyang harapan. God. "Hindi ka na babalik sa probinsiya. Maganda ka Verity. Hindi halatang galing ka ng probinsiya dahil sa ganda mo." paliwanag niya. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "You're perfect," sambit niya. "Hindi bagay sayo maging katulong." dugtong niya. Wala naman akong pakialam kung maka-tulong man 'yan o ma-janitor basta may trabaho lang ako dito sa Manila. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Akala ko kasi may madadatnan akong trabaho dito. Pinangako niya sa akin na may trabahong naghihintay sa akin dito pero mauuwi lang pala sa wala. "Ngayong gabi pupunta tayo ng club," aniya. "Doon ka magtatrabaho." Nabuhayan ako sa kanyang sinabi. "Anong gagawin ko sa club Tita?" Alam ko kung ano ang club. Sinabi sa akin ng bestfriend ko noon na isa 'yan sa mga lugar kung saan pumupunta ang mga mayayamang tao para uminom ng alak. Hindi lang siguro mayayaman ang pumupunta diyan. Sinabi niya ring maraming bayarang babae sa club. Kinakabahan tuloy ako. "Malalaman mo rin 'yan mamaya," aniya sabay buga ulit ng usok ng sigarilyo sa kanyang bibig. "Sa ngayon magpahinga ka muna." Sinabi niya rin sa akin kung saan ang kwarto ko dito kaya agad akong pumasok. Inilapag ko agad sa aparador ang lahat ng gamit ko at agad na humiga sa kama. Ilang oras din ang biyahe namin papunta rito sa Manila kaya hindi ko maiwasang mapagod. Napahinga nalang ako ng malalim habang napatingin sa kawalan. Kumusta na kaya sila sa bukid ngayon? Sila Mama at Papa at ang dalawa kong kapatid? Di bale, pag nagkaroon na ako ng sweldo, ipapadala ko agad ito sa kanila. ++ "Ano ba yang suot mo?!" galit na sabi ni Tita habang pinagmasdan niya lang ang suot kong jeans at isang t-shirt. Hindi ko alam kung bakit siya namomoblema sa suot ko. Ito na ang pinakamagandang damit at jeans na isinusuot ko lang kung may magandang okasyon. "At tignan mo ang mukha mo! My God!" sabi niya at pinaharap niya ako sa salamin. "Magbihis ka!" May pinakita siya sa aking isang dress. "Ito ang dapat mong suotin. Kailangan kang maganda tignan. For sure, maraming kalalakihan ang mabibighani mo dito." dugtong niya. "Tita, kailangan ko ba talagang isuot pa 'yan?" tanong ko pa. "Huwag na maraming tanong at isuot mo na kaagad ito!" Wala akong nagawa kundi ang magpalit ng damit at isuot ang binigay niya sa aking dress. Nilagyan niya rin ako ng kaunting make-up sa aking mukha. Naguguluhan tuloy ako. A-attend ba kami ng prom at kailangan ko pang magsuot ng dress at mag make-up? "Bilisan mo na diyan!" Napabalik ako sa realidad dahil sa naturang sigaw ni Tita. * "New recruit?" tanong ng beki kay Tita. Napatango lang si Tita at marahan akong pinagmasdan ng beki mula ulo hanggang paa. "Another pure woman." tanong niya kaagad sa akin. Pinagmasdan lang ako ng beki. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero napangiti nalang ako sa kanya. Napangiti din ito sa akin. Para bang close na kaagad kami kahit hindi pa. "She's innocent and pure," sabi ni Tita. "Siya na ang hinahanap natin. Maraming mabibighani sa kanyang ganda. Also, she wants to earn money today. Mahirap lang sila sa probinsiya." naguguluhan ako sa kanilang pinag-uusapan. Tama naman ang sinabi ni Tita. Mahirap lang naman talaga kami sa aming probinsiya. Kaya nga ako nandito para kumita ng pera at sabi ni Tita, dito sa bar kikita ako ng malaki. "Definitely. Bihira nalang sa panahon ngayon ang gaya niya." ani ng beki at muling napatingin sa akin. "What's your name?" tanong niya sa akin. I-I'm Verity," tipid kong sambit at agad lang itong napatango. "Uhm, hindi ko alam kung bakit niyo pinag-usapan ako sa ngayon. Ano bang trabaho ko dito sir. I mean, Ma'am?" Napatawa lang siya sa akin. "No wonder she's innocent." napatawa na rin si Tita. "Ganito kasi 'yan Verity. We're talking about you. Gagamitin natin ang ganda mo para kumita ka ng pera dahil nasa mukha natin ang puhunan." dugtong nito. What? Nasa diskarte kaya 'yon. Paano naman 'yang ganda mo kung hindi ka marunong dumiskarte, edi wala pa rin. Hindi ko pa rin maintindihan ang kanyang sinabi sa akin. "Hindi ko po talaga maintindihan ang sinabi niyo. Ano ba ang trabaho na gagawin ko dito?" tanong ko. "Your job is to make the costumer's happy. You will give them the contentment they want," taray may english pang nalalaman. Pwede namang tagalog nalang e. "Because you are innocent and you are important on this club." "You can earn half a million just one night. Pwede kang maging mayaman in just one tick of your hand." kinabahan ako sa kanyang sinabi. Nagsimula na akong nangamba. "Kailangan mo lang gawin ay sasama ka sa lalaking makapagbibigay sayo ng malakin pera. Idadaan natin ito sa isang auction. And then, the one that can made it can own you and do the thing they want for you in just one month." paliwanag nila sa akin. Wala akong balak na pasukin ang ganitong trabaho. Ngunit dinala ako dito ni Tita. Gusto ko sanang umatras pa ngunit sinabi ni Titang hindi na ako pwedeng umatras pa. Sana nakinig nalang talaga ako sa pamilya kong hindi sumama dito. "Hindi ko magagawa 'yon." nasabi ko. "Isipin mo ang pamilya mo sa probinsiya niyo. Gusto mo ba silang maiahon sa kahirapan o gusto mo lang na palagi silang gumagapang sa kahirapan?" ani ni Tita. Napangiti lang siya sa akin. "Hindi ka na babalik sa probinsiya. At mas lalong wala na itong atrasan Verity. Kung ako sayo, wag ka nalang mag inarte at para sa ikakaunlad din naman ng buhay ang ginagawa namin!" Ikakaunlad ko nga ito ngunit wala akong balak na pasukin ito. Inisip ko din ang pamilya ko at naiiyak nalang ako. "Smile Verity. Ang magagandang tulad mo ay hindi dapat umiiyak. Your future is in your body," ani Tita. Napailing lang ako sa kanya. "Wala sa katawan ko ang kinabukasan ko Tita." pagtatama ko sa kanya. "Nasa tao lang ito kung anong diskarte ang kanyang gagawin para mabuhay at magkaroon ng magandang kinabukasan. Wala sa katawan." dugtong ko. Wala naman talaga. Sinamaan niya lang ako nang tingin. "Basta. Nasa iyo ang kinabukasan ng 'yong pamilya. Isipin mo 'yan at ipasok mo 'yan sa kokote mo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
426.9K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

An Innocent Angel

read
178.0K
bc

Addicted To You (TAGALOG)

read
386.8K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
578.0K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
486.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook