Kabanata 2

1249 Words
Kabanata 2 Malakas ang tugtog ng musika ang aking narinig mula sa dressing room na pinaglagyan sa akin ni Tita. Nakaayos na rin ako kasama ang ibang mga babaeng may makapal na make-up sa kanilang mukha gaya ko. Kita ko sa kanilang mga mukha ang saya. Ako lang ata ang hindi masaya na nandirito. Excited pa nga ang iba sa auction na gagawin. Kung hindi lang sana ako mahirap, hindi na ako pumunta pa dito sa Manila pero walang-wala kami. Wala na itong atrasan pa. Nandito na ako. "Get ready girls, halos mapuno na lahat ng vacant seat," panimula ni Leng, ang beking nakausap ko kahapon. "Lumubas na kayo at marami nang naghihintay sa inyo sa labas." narinig kong sabi niya. Kinakabahan ako. Ngunit kailangan kong wala-in ang kabang nararamdaman ko para sa pamilya ko. "Sana may malaki ang kikitain ko dito kasi narinig kong milyonaryo't bilyonaryo ang nandito. Kahit hindi gwapo, basta maraming pera." narinig kong sabi ng isa. "Okay lang din sa akin kahit matanda. Basta much money." natutuwa pa nilang sambit. Kaya pala sila pumapasok dito dahil walang-wala din sila tulad ko. Kailan ma'y hindi ko pinangarap na maging isang bayarang babae. Wala e, mahirap lang ako. Wala akong magagawa, baka maging palaboy ako sa Maynila at kung may masamang mangyayari pa sa akin. I have no choice, but to be one of them. Marami akong pangarap para sa aking pamilya at para sa aking sarili, ngunit sa tingin ko hindi ko na ito magagawa dahil kay Tita. "Ikaw anong ginagawa mo diyan," sabi niya sa akin at bahagyang lumapit sa aking kinatayuan. "Tumayo ka na diyan at lumabas na." dugtong niya at napatango nalang ako. Napatayo ako sa aking kinaupuan. Bahagya akong lumabas saka dumiretso na sa likurang bahagi ng mini-stage kung saan magaganap ang kinatatakutan ko. Nakatayo na rin dito ang ibang mga kababaihan. Naririnig ko na ang sigaw ng Emcee sa mini stage. Isa-isa na ring nag-akyatan sa stage ibang mga babae. "Bakit ang tagal mo babae, huwag mo sabihin sa aking umiyak ka na naman?" bungad na tanong sa akin ni Tita. "Ang oa mo talaga. Isipin mo ang kapalaran mo dito kaysa kapalaran mo sa bukid." muli niyang sambit. Wala akong masasandalan kung hindi ang umiyak kagabi. Ang saya-saya kong pumunta dito sa Manila. Masaya akong matutulungan ko na ang aking pamilya. Siguro matutulungan ko sila gamit itong trabahong pinasok ko. Napahinga nalang ako ng malalim sa kanyang sinabi. "Ayusin mo 'yang sarili mo. Naku. Naku. Ikaw ang panghuling tatapak diyan sa stage. Huwag mong kalimutang ngumiti, be confident. Understand?" aniya. Napatango nalang ako sa kanya. Ilang ulit na niya 'yang sinabi sa akin. "Yes Tita." tanging sagot ko nalang sa kanya. Wala akong kilala dito sa Manila. Tanging si Tita lang ang kilala ko at ang masasandalan ko dito. Ngunit ang sinasandalan ko ay siyang nagtulak para pasukin ko ito. "Next would be Ms. Eezie!" muling sabi ng emcee at agad na umakyat sa stage si Eezie. "The sexiest of them all." dugtong nito. Sinubukan ko pang mapabaling ng tingin sa stage kung saan umakyat na si Eezie. She walks confidently as if she already accept that her body can change the future. Shit. "Malapit ka na." sabi niya. "Basta yung bilin ko sayo 'wag mong kalimutan." dugtong ni Tita. "Next," aniya. "It would be Ms. Verity." maraming naghiyawan kahit hindi pa man ako tuluyang lumabas. Matinding kaba ang aking nadarama sa ngayon. Maikli lang ang suot kong short at damit. Nahihiya akong lumabas at nanginginig na rin ang tuhod ko. Nasa Manila ako nagnanais maghanap ng matinong trabaho pero bakit napunta pa ako dito? "Again, Ms. Verity. Beautifully made by heaven just for you all." narinig kong sabi muli ng emcee. "Ano pang ginagawa mo, umakyat kana doon." ani Tita sabay tulak sa akin paakyat. "Kaya mo 'yan Verity. Smile, it can change your life." aniya pa. Tumapak na ako sa stage at bumungad kaagad sa akin ang mga mata ng kalalakihang tinitignan lang ako. Mabilis ang t***k ng aking puso kasabay ng panginginig ng aking tuhod. This is it. Bahagya akong lumapit sa emcee habang inilibot ko lang ang tingin sa mga nanonood. Almost all of them are in their corporate attire. I could tell that they are all rich, billionaires and they are just spending their money for woman. "Anong ginagawa mo diyan, ngumiti ka. Wala man lang kabuhay-buhay 'yang mukha mo." pabulong na sabi sa akin ng emcee. "Ano pang hinihintay mo diyan, ngumiti ka na." muli niya pang sabi. Gumuhit ang ngiti sa aking mukha. Ito na siguro ang pinaka-masakit na ngiting aking ginawa. Isang ngiting pilit. Isang ngiting plastik. Gustuhin ko mang umiyak sa pagkakataong ito, hindi ko magawa sapagkat maraming mga mata ang nakatingin sa akin. Inilibot ko ang aking tingin sa mga nakaupo. May mga matanda na at meron din namang ka-edad ko lang. And there's a guy caught my attention. I don't know him. Napatingin lang ito sa akin. Who's he? "The price runs from 100k!" sabi ng emcee. Nagkatinginan ang mga kalalakihan sa kanyang sinabi. Ito na 'yun. Unti-unti ko nang nararamdaman ang impyernong aking makakasalamuha sa mundong ito. "Because she's innocent. Pure and beautifully made just for you" May nagtaas ng kanyang game card na may nakalagay na 'SOLD' "Sold by 100k," sabi ng emcee. "Sinong gustong humabol at pataasin ang presyo sa 150k?" Marami pang humabol hanggang sa umabot na ito ng four hundred thousand. Ang laking pera n'on pero wala naman akong ibang ginawa kun'di ang mapatayo lang dito. Hindi na ako nakinig pa sa pinag-usapan ng emcee. Hinintay ko nalang na may tumayong lalaki at sign na 'yon na siya ang nakapagbigay ng highest price. Inilibot ko pa rin ang tingin sa mga taong nakaupo. Humingi ako ng senyales sa Diyos na sana ay taong makakatulong sa akin na palabasin ako dito nang hindi ako sasakyan. Una kong nakita ang lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Kanina pa siya nakatitig sa akin ng ganyan na tila ba kinakausap niya ako sa kanyang tingin. Naka-corporate attire ito. Hindi ko alam kung siya na ba ang ibinigay ng Diyos para tulungan ako pero wala itong kibo. Tila ba hindi siya interesado para magbihay ng presyo. "I will close—" hindi naituloy ang nais sanang sasabihin ng emcee sapagkat nakita kong napatayo ang lalaking kanina pa nakatitig sa akin. He raised his board at may kung ano itong sinabi. Hindi ko na ito narinig pa dahil pinagmasdan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Lahat ng mga kalalakihan ay napatingin sa kanya. Agad itong napatayo palapit sa stage. "She's mine now and close that stupid auction." banta niya sa emcee. "Mr Baldwin...." ani ng emcee. So he is Mr. Baldwin. Not bad. Should I say thank you for saving me here? Bahagya siyang lumapit sa akin. Para bang may nararamdaman akong kakaibang kaba nang nakita ko siya ng malapitan. "I am willing to take any price, just for you." pabulong na sabi niya sa akin. "Your eyes told me that you need my help. I am now here willing to help you." hinawakan niya na kaagad ang aking kamay at napakurap lang ako ng ilang beses. "Saan mo ako dadalhin?" natataranta kong sambit sa kanya pero hindi lang ito sumagot sa akin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. "Your eyes told me that you need my help. I am now here willing to help you." ___________________ TheDarkProphecy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD