"Wow. Maganda ang response sa'yo sa social media," manghang saad ni Baldassare nang makita nitong dumagsa ang friend request ni Maricon. Sa loob lang ng isang buong araw ay umabot na sa one thousand ang friend request niya. Ang page na ginawa din niya ay ganoon din. Tinulungan din siya ng mga staff sa publishing para mai-post sa page nila ang tungkol sa account niya. Hindi nagtagal ay ganoon na ang nangyari. Halos hindi na tuloy tumatayo si Maricon sa upuan. Busy siya sa pagsagot ng private messages at friend requests. Hindi naman siya naiinip kundi amaze pa nga. Sinamantala na rin ni Maricon iyon dahil alam niyang oras na nagsimula ulit siyang magsulat ay hindi na niya mabubuksan ang account. Magco-concentrate na kasi siya sa pagsusulat. "Oo nga." sagot ni Maricon at mayroon na namang n

