"Maricon? It's about time," tawag ni Baldassare at kumatok sa pinto ng kuwarto. Muling pinasadahan ni Maricon ang sarili bago lumabas. Isang simpleng red dress ang suot niya para sa araw ng book signing. Nakausap na niya ang nag-set noon. Ala-una ng tanghali ang oras ng booksigning niya hanggang alas tres ng hapon. Kagabi pa naka-ready ang mga dadalhin niya at susuotin. Mayroon pa naman siyang nakatagong dress na bago pa at hindi nagagamit. Iyon ang suot niya ngayon. Kasya pa rin naman iyon sa kanya. Bumagay iyon sa itim na sandals na gamit niya. Naglagay din siya ng kaunting make up para maging presentable. "Maricon?" tawag ulit ni Baldassare. "Nandyan na!" sagot ni Maricon at lumabas na. Kimi siyang ngumiti kay Baldassare nang mabungaran ito. Nailang siya nang titigan ni Baldassare.

