OMG! Si Paul Wesley ba ito? Hindi pa rin makapaniwala si Maricon. Dalawang beses niyang namulatan ang lalaking hawig ng actor at nagugulantang siya sa kaguwapuhan nito. Lahat nang palabas ng actor, napanood na niya. Mapa-movie man iyon o TV series. Pinaka-paborito niya ay ang Vampire Diaries. Dahil nga sa naturang TV series ay nakagawa siya ng gothic romance na book series. Kilig na kilig talaga siya to the highest level. Ito ang nagiisang lalaking kinukuhanan niya ng kilig para makasulat ng mga kilig moments. "Maricon, let's talk." masuyong tanong ng lalaki. Napasinghap si Maricon! Kaboses nito si Paul! Napahawak si Maricon sa buong ulo. Nababaliw na ba siya? Ano'ng ginagawa ni Paul doon? Totoo ba ang lahat ng iyon? "You gave me no choice." napipilitang saad ng lalaki at pumitik. Na

