"Hi! Miss Enguillo, gusto lang kitang i-inform na approve na ang manuscript mo na mayroong title na 'Her Written Love Story'." magalang na bati ni Miss Gigi Guerrero, ang editor niya na humahawak ngayon ng huling manuscript na ipinasa ni Maricon. Napabangon si Maricon sa tawag na iyon. Pinigilan niyang mapatili dahil importante ang kwentong iyon sa kanya. Kwento nila iyon ni Paul Wesley! Isang fan na nagustuhan ng iniidolo ang concept noon. Kaya sobrang happy siya na naging okay iyon. Nawala na sa isip ni Maricon ang ipinasang manuscript dahil na rin sa mga nangyari. Hindi na siya tinatawagan nila Jocelyn. Ang ina na lang ang nakaka-reach sa kanya. Nagaalala pa rin ito at muntikan nang mag-file ng leave para samahan siya sa condo. Gayunman, agad niya itong inawat. Sinabi niyang okay lang

