"Maricon! Are you okay in there?" malakas na tanong ni Baldassare sabay katok sa pinto. Bumilis ang t***k ng puso ni Maricon. Para siyang engot na naghihintay sa sala. Nakaupo doon at nakataas ang dalawang tuhod. Nginangatngat niya ang kuko. Hindi siya mapakali. Nakakaalis na siya sa mga asin na hindi. Magmula nang bumalik sila mula sa park tatlong araw nang nakararaan ay naging ganoon na si Maricon. Mabuway na ang solidong disposisyon. Wala naman kasi itong ibang ginawa noon kundi ang payuhan siya. Ipinaramdam ni Baldassare na mayroon pa rin siyang makakasama. Kahit nasa grocery, panay lang ito paalala na nandoon lang ito na magbabantay. And she knew that Baldassare could protect her with all his might. Mayroon itong kapangyarihan na puwedeng gamitin para ilayo siya sa anumang panganib.

