"NAKADALAWANG MANUSCRIPT na ako, wala pa rin si Baldassare. Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ni Maricon sa sarili. Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa table calendar. Doon niya nakikita na dalawang linggo na ang nakararaan buhat ng huli silang magkita. She missed the demon. She missed the way he whispered to her ears. She missed the feeling that her hair stand to its end. She missed how his whisper affects her. Napabuntong hininga na lang si Maricon at napasandal. Hindi niya maisulat ang sequel ng angel story dahil si Baldassare pa rin ang laman ng isip. Minsan, nagsisisi siya sa sariling kakulitan. Dahil sa pangungulit ay tinakasan siya nito at hindi na ito nagpakita. Magpapakita pa kaya ito? Sana nga. Above all those things she missed in him, Maricon misses Baldassare. Ito mism

