"Anak! Okay ka lang?" alalang bungad ni Maita. Ito ang tumatawag kay Maricon bago siya muntikang mabangga ni Jocelyn. Dahil sa nangyari ay hindi niya nasagot ang tawag nito. Nagawa lang niyang sagutin matapos kausapin ang mga imbestigador. Binalaan siya ng ina dahil nabalitaan nitong pinahanap siya ni Jocelyn sa Manila. Ilang araw na rin daw itong hindi umuuwi at bigla itong nagalala kaya tinawagan siya. Dahil doon ay pinagtapat na rin ni Maricon ang nangyari. Dali-dali itong lumuwas at hayun nga, pinuntahan agad siya sa presinto. Nagyakapan ang magina nang tuluyang magharap. Kahit naiiyak ay pinigilan ni Maricon ang sarili. Ayaw niyang magalala pa ang ina. "Kumusta ang lahat?" alalang tanong ni Maita kapagdaka. "Nasa ospital pa po si tita Jocelyn. Pero ang sabi po n'ung police na nag-a

