Ericka’s Point of View Biglang napakamot si Ethan sa kaniyang ulo ng marinig ang aking sinabi sa kaniya. “Gusto mo bang kumain sa garden? Para makalanghap ka ng sariwang hangin.” Sabi niya saakin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay tumango-tango bilang pagsang-ayon sa kaniya. Agad kaming naglakad palabas sa kanilang bahay upang makapunta sa kanilang hardin. Nang makalabas kami agad niyang inilagay ang pagkain sa lamesa at inaya akong umupo. Tumango-tango naman ako sa kaniya at sabay umupo sa upuan. Habang nakaupo kaming dalawa ni Ethan hindi parin maalis ang tingin ko sa kaniya dahil hindi parin nawawala ang kaniyang galit. Napahinga ako ng malalim at naglakas loob na tanungin siya sa kaniyang nararamdaman. “Ayos ka lang ba Ethan?” tanong ko sa ka

