Ericka’s Point of View Sumakay na kami ni Ethan sa kaniyang sasakyan at agad umalis sa kanilang bahay. Habang tinatahak namin ang biyahe papunta sa kaniyang condo tahimik lang kaming nasa loob ng sasakyan habang tinitignan ang buong kabaligiran na binabalot ng liwanag na nanggagaling sa ilaw mula sa mga poste. “This is the first time that I experienced this kind of silence.” Saad ko. Agad akong napabaling sa bintana ng sasakyan at tinignan ang aming mga dinadaanan. “Why hindi mo pa ba nararanasan ang ganito katahimik na kapaligiran mo sa buong buhay mo?” tanong niya saakin ng seryoso. Tumingin ako sa kaniya at sabay umiling-iling. “No, ganito pala kasaya yun. Parang wala ka ng iisipin pa na iba sarili mo nalang.” Saad ko sa kaniya. Ngumiti naman siya saakin s

