3rd Person’s Point of View Dahan-dahan minulat ni Ericka ang kaniyang mata at nilibot ang kaniyang paningin. “Asaan ako?” tanong niya sa kaniyang sarili. Agad siyang napahawak sa kaniyang ulo dahil sa pagsakit nito. “Gising ka na pala Ericka,” saad ng isang babae sa kaniya. Agad siyang napatingin dito sabay ngumiti. “Kayo po pala Miss Teresita,” saad ni Ericka sa kaniya. Agad naman kinuha ni Teresita ang pagkain sa lamesa at lumapit kay Ericka. “Diba ang sabi ko sa’yo ang itawag mo na saakin ay Mama,” saad ni Teresita sa kaniya. Ngumiti naman si Ericka sa kaniya sabay napaupo nang maayos sa higaan. “Bakit po ako nandito sa ospital?” tanong ni Ericka sa kaniya. Napahinga ng malalim si Teresita sabay umupo sa tabi ng kama ni Ericka. “Nahimatay ka daw sa opisina kahapon kaya dina

