Ethan’s Point of View Earlier… “Ethan ano nanaman ba ang ginagawa mo?” tanong saakin ni Jin, “bakit mo naman pinayagan si Ericka na umalis at kumuha ng artista eh diba kailangan pa ng letter mo na meron kayong kasunduan ng management bago siya makapasok sa loob.” “Alam mo mas mabuti na malaman ni Ericka ang mga bagay na iyon,” saad ko sa kaniya. “Kahit na nahihirapan na siya?” tugon nito saakin, “hindi mo ba alam na ang daming trabaho na ginawa ni Ericka. Pagod na yung tao dahi sa buong linggo mo ba naman siya pinatrabaho sa EAD syempre mapapagod din yung tao,” saad ni Jin saakin. Napahawak na lang ako sa aking ulo. “Pwede ba Jin wag mong sabihin ang mga bagay na ‘to na parang ako pa ang may kasalanan,” saad ko sa kaniya. “Totoo naman Ethan,” saad niya saakin, “you didn’t appreci

