Ericka’s Point of View Napadilat ako ng aking mata dahil sa aking naririnig. Napalibot ako ng aking pangin sa lugar at nakita ko na nasa loob ako ng isang condo at nakahiga sa isang malambot na una. Napahawak ako sa aking ulo bago tumayo sa aking hinihigaan. Habang pinoproseso ang pangyayari sa akin. Bigla akong napatingin sa pintuan dahil ang kanina kong mga boses na naririnig ay palapit nang palapit. Nagulat ako na sa pagbukas ng pintuan ay si Tristan at Lester. Nagkatinginan lang kami ni Lester sa aming mga mata sabay bigla siyang ngumiti. “Gising ka na pala Ericka?” masaya niyang sabi. Napatingin naman ako ng masama sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. “Asaan ako Lester?” inis na tanong ko sa kaniya. Napalapit naman siya sa akin sabay hinawakan ang aking mukha. “Hindi mo ba ta

