Ericka’s Point of View Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Ashley sa kaniyang pagtawag sa akin ngunit nakikita ko sa kaniya ang wala niyang emosyon na mukha habang naglalakad. Napakunot na lang ang aking noo dahil sa pagtataka ko sa kaniyang ikinikilos. “Ashley, ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya. Ngunit hindi ako nakatanggap sa kaniya ng sagot sa halip ay patuloy lang siya sa kaniyang paglalakad. Hindi ko alam kung saan kaming lugar papunta pero nakikita ko na palabas na siya sa building. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya dahil ang sabi niya sa akin ay kakausapin lang niya ako pero nung lumabas naman ako hindi naman niya ako kinausap. Nakarating kami sa likuran ng building kung saan walang tao at wala ding dumadaan na mga sasakyan tanging kaming dalawa lang. Napahinga ako n

