Ethan’s Point of View
Agad siyang napayuko dahil sa sinabi ko sa kaniya at sabay napahawak sa kaniyang mukha. Agad kong hinawakan ang kaniyang balikat ngunit agad niya itong tinabig. Agad siyang tumingin saakin ng seryoso habang may mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Agad akong napatigil saaking pagiging seryoso at napalitan ng pag-aalala ang aking mukha dahil sa nakita kong emosyon sa kaniya.
“A-are y-you alright?” Mahinahon kong tanong sa kaniya. Agad naman siyang umatras sabay umiling-iling bilang sagot saaking tanong.
“Hindi, hindi na ako okay Ethan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung bakit tayo napunta sa sitwasyon na ito.” Saad niya saakin. Agad naman napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinasabi saakin. Agad akong lumapit sa kaniya sabay hinawakan ang kaniyang mga kamay.
“Hey I don’t know what’s happened to you. Pero pwede mo naman sabihin saakin para mas maintindihan ko diba?” saad ko sa kaniya. Agad niyang binawi ang kaniyang kamay saakin sabay napaiwas ng kaniyang tingin.
“Please tell me the problem Ericka!” saad ko sa kaniya. Ngunit wala akong natanggap na mga salita mula sa kaniya kundi sa halip ay tinalikuran lang niya ako.
“Please wag mo muna akong sundan Ethan, I need to be alone right now.” Saad niya saakin sabay dahan-dahan na naglakad papalayo saakin. Agad akong napapikit sabay napahawak saaking noo dahil sa kaniyang sinabi.
Agad akong tumakbo upang pigilan si Ericka sa pag-alis niya sa bahay, ngunit paglabas ko agad akong pinigilan ng butler naming upang hindi ako palabasin.
“Hey padaanin mo ako!” sigaw ko sa butler. Ngunit kahit anong sabihin ko sa butler hindi niya ako pinapadaan at pilit lang akong hinaharangan an hindi ako makalabas. Agad naman akong napapikit sabay suntok ko ng malakas sa butler.
“O my gosh what happening here! Ethan bakit mo naman sinuntok ang butler natin?” tanong niya saakin. Agad naman akong tumingin sa kanila ng seryoso dahil sa pagdating nila.
“Bakit ka ba nagkakaganito Ethan?” tanong sakin ni Dad. Agad naman akong napapikit sabay muling tumingin sa kanila.
“Anong sinabi niny kay Ericka?” tanong ko sa kanila. Agad anamn silang napatigil at sabay napatingin saakin dahil sa tanong ko sa kanila.
“Inuulit ko anong sinabi ninyo kay Ericka?!” sigaw ko sa kanila.
“Pwede ba Ethan! Bago mo sigawan at saktan ang mga tao dito sa bahay alamin mo muna kung ano ang nangyayari!” Sigaw ni Kuya John sakin. Agad naman akong napatalikod sa kanila sabay napahinga ng malalim dahil sa nangyayari.
“Bakit ka ba nagkakaganyan anak?” tanong ni Mom saakin. Agad akong tumingin sa kanila bago sabihin ang dahilan.
“Umalis si Ericka kanina ng umiiyak kaya anong sinabi ninyo sa kaniya?!” sigaw ko sa kanila. Agad naman lumapit saakin si Mom sabay hawak niya saaking balikat. Agad ko naman itong tinabig sabay tumalikod sa kanila.
“Ethan wala naman kaming sinabi sa kaniya na masama.” Saad ni Mom saakin. Agad naman akong napahawak sa aking ulo sabay napatingin sa kanila.
“Ehh bakit agad siya umalis at sinabi saakin na wag na dapat kami magkita kung wala kayong sinabi sa kaniya.” Saad ko sa kanila. Agad naman lumapit si Kuya John kay Mom sabay hinawakan niya ang balikat ni Mom at sabya tumingin saakin.
“Tinanong ko lang naman si Ericka kanina kung anong nararamdaman niya sa’yo masama ba iyon?” seryosong saad ni Kuya John saakin. Agad naman akong napapikit sabay napahawak saaking noo dahil sa sinabi niya saakin.
“Why did you ask her that question? Unang araw palang namin na magkakilala ni Ericka, I just want to be friends with her pero dahil sa’yo hindi na ata mangyayari iyon!” sigaw ko sa kaniya. Agad naman lumapit saakin si Kuya John sabay hawak sa kuwelyo ko.
“John ano ba! Bitawan mo nga ang kapatid mo!” utos na sigaw ni Mom sa kaniya. Ngunit kahit anong sigaw ni Mom sa kaniya ay hindi niya ginawa at sa halip ay tinignan lang ako ng masama.
“Bago mo ako sigaw sigawan alamin mo muna kung bakit ko nagawa ang mga bagay na iyon. Masama ba tanungin ang babae na malapit sa kapatid ko kung gusto ka niya?!” sigaw niya saakin. Agad kong hinawakan ang kaniyang kamay sabay pinilit na pinabitaw ang kaniyang pagkakahawak sa aking kuwelyo at sabay tulak sa kaniya.
“Bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na iyon? Inutos ko ba sa’yo na gawin iyon? Hindi naman diba, kaya pwede ba wag ninyo akong pakialaman sa mga balak kong gawin?!” Sigaw ko sa kanila. Agad naman lumapit si Dad saamin sabay pumagitna saaming dalawa ni Kuya John upang matigil ang away. Ngunit sa halip na sumunod kay Dad. Agad siyang tumakbo papalapit saakin sabay bigay saakin ng malakas na suntok sa aking mukha.
“Hey John I said enough!” sigaw ni Dad sa kaniya. Agad naman akong napatingin sa kaniya sabay tumawa nang malakas. Agad kong pinunasan ang dugo na tumutulo saaking mga labi at sabay tumayo at tinignan siya.
“Pwede ba Ethan, alam mo naman ang dahilan kung bakit ko ginawa yun diba. Alam nating dalawa na si Ericka at ang ex mo ay magkaparehas lang diba kaya nga napalapit sa kaniya.” Saad ni Kuya John saakin. Agad akong napatigil sa aking pagtawa sabay napatingin sa kaniya ng masama. Agad naman akong lumapit sa kaniya ng galit nag alit at balak siyang bigyan ng malakas na suntok. Ngunit agad akong napahinto ng maramdaman ko ang kamay na biglang pumulupot sa leeg ko.
“Hey what’s happening here, Kuya, Ethan?” tanong ni Kuya Felix habang hawak-hawak ako. Agad naman akong gumawa ng paraan upag makawala sa kaniya ngunit kahit anong gawin pagpupumiglas sa kaniya ay hindi ako makawala.
“Tama ako Ethan diba, kaya nga siya ang babaeng dinala mo dito sa bahay diba kasi pinagkatiwalaan mo na agad siya!” sigaw niya sakin.
“John Caitel Domingo! I said enough!” sigaw ni Dad sa kaniya.
“Why Dad, I’m just stating the fact na sa tuwing nahuhulog si Ethan sa isang babae at minahal niya ito sa huli masasaktan lang siya diba? Katulad nung ex niya, nangako sila sa isa’t isa pero ano ang nangyari sa dulo. Diba iniwan din siya!” serysong sabi niya. Agad naman akong napayuko dahil sa galit at sabay napapatikom ng aking kamao upang mapigilan ang nararamdaman ko sa kaniya.
“John Caitel! Ayaw ko ng ulitin ang sinabi ko!” sigaw ni Dad. Agad tumahimik ang paligid dahil sa galit na sigaw ni Dad saamin.
“John Caitel, Felix Connor, Ethan Axel, Joseph Marco, Kenneth Joaquin! Sa dinning area now!” sigaw ni Dad saamin. Agad kaming nagsiyukuan dahil sa pagtawag saamin ni Dad.
“Yes Dad.” Seryosong sabi ni Kuya John. Agad naman napailing-iling si Kenneth dahil sa nangyari.
“Goodness kailangan ba talaga tayong tawagin ni Dad sa buong pangalan natin pag galit na galit siya? For two years ngayon ko na lang narinig ang pangalan ko ah.” Saad ni Kenneth. Agad naman siyang nilapitan ni Joseph sabay inakbayan ito.
“Dami mo pang sinasabi wag ka nalang magsalita, ang bata bata mo pa reklamador ka na eh.” Seryosong sabi ni Joseph kay Kenneth. Agad naman hinawakan ni Kenneth ang kamay ni Joseph sabay tinanggal ito sa kaniyang leeg.
“Pwede ba Joseph wag mo nga akong akbayan at isa pa anong sinasabi mong ang bata-bata ko pa, sampung buwan lang ang agwat mo saakin no.” Lokong sabi ni Kenneth sa kaniya. Agad naman silang napatigil ng bigla naming marinig ang boses ni Dad.
“Isa!” nagmamadali kaming pumunta sa dining area at naghanap ng uupuan at agad na umupo. Agad na tumahimik kaming lahat at sabay napayuko habang iniisa-isa kaming tinitignan ni Dad.
“Ngayon hindi kayo maka-imik? Ang tatanda ninyo na ganyan ba ang tinuro ko sa inyo magbugbugan magpatayan?!” sigaw ni Dad saamin. Agad naman kaming umiling-iling bilang sagot sa kaniya. Agad naman siyang napahawak sa kaniyang noo sabay napapikit.
“Next time kung merong ganitong away pag-usapan ninyo nalang hindi yung magsisigawan kayo at magbubugbugan sa loob ng bahay na ito John Caitel, alam mo naman na ikaw ang matanda diba pwede mo naman kausapin ng maayos ang kapatid mo hindi yung susugudin mo agad at haahmunin mo ng away.” Saad ni Dad sa kaniya. Agad naman akong nagulat ng biglang tumingin saakin si Dad ng seryoso, agad akong napayuko dahil sa takot na aking naramdaman sa mga tingin niya.
“Ikaw Ethan Axel, ilang beses kong sinabi sa’yo na hindi kailangan makipagsakitan para makaresolba ng problema diba. Ngayon na nga lang kayo nagkita-kita ulit ganito pa ang pagkikita ninyo.” Seryosong sabi ni Dad saakin. Agad naman siyang tumingin kay Felix at sabay napahawak sa kaniyang baba.
“By the way kaya kayo nandito ngayon dahil meron daw sasabiin si Felix.” Saad ni Dad saamin. Agad naman kaming napa-ayos ng upo at sabay napatingin kami sa kaniya. Agad naman pumikit si Kuya Felix at sabay huminga ng malalim bago tumingin kay Dad.
“Dad kailangan ko ba talagang sabihin ito ngayon? Parang hindi ata maganda na sabihin ko ang bagay na ito ngayon.” Saad ni Kuya Felix saamin. Agad naman siyang tinignan ni Mom at sabay ngumiti sa kaniya. Agad napayuko si Kuya Felix at sabay napahinga ng malalim bago tumingin kay Dad.
“Dad, nakabuntis po ako.” Seryoso niyang saad. Agad naman nanlaki ang mata naming lahat dahil sa sinabi niyamaliban kay Dad na nakatingin ng seryoso sa kaniya.
“Who is she?” tanong ni Dad sa kaniya. Agad naman siyang napayuko at sabay nilaro-laro ang kaniyang kamay.
“Si Melisa po.” Seryoso niyang sabi. Agad naman akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niyang pangalan. Agad naman napahinga ng malalim si Dad at sabay tumingin kay Kuya Felix ng seryoso.
“Pakasalan mo siya.” Saad ni Dad sa kaniya at sabay tumayo sa kaniyang inuupuan. Agad naman napatayo si Kuya Felix dahil sa sinabi sa kaniya ni Dad.
“What Dad no, hindi ko mahal si Melisa.” Seryosong sabi ni Kuya Felix sa kaniya. Agad naman tumingin si Dad sa kaniya ng seryoso dahil sa sinabi ni Kuya.
“Pero bakit mo ginawa sa kaniya? Know your responsibilities, ginawa ninyong dalawa ang bagay na hindi naman talaga gawain ng dalawang tao na wala namang relasyon pagkatapos pagmay nabuo tsaka ninyo iiwan? Hindi ko kayo pinalaki ng ganiyan alam ko na kayong lahat ay ginagawa ang mga bagay na iyon. Pero isipin ninyo ang magiging resulta pagkatapos ng gagawin ninyo kahit na anong gawin kong pigil sa inyo ay hindi ninyo naman magagawa.” Seryosong saad ni Dad saamin.
“Kaya kayong lahat siguraduhin ninyo na pagkatapos ninyong gawin ang bagay na iyon alamin ninyo kung meron kayong magiging resposibilidad hindi yung pleasure lang ang gusto ninyong kunin sa kanila maliwanag ba? Lalo na ikaw Ethan alam natin ang sitwasyon mo ngayon at ang babae na inuwi mo dito kanina. Kaya wag kang magagalit sa kuya mo dahil iniisip lang naman niya ang kapakanan mo.” Saad ni Dad saamin.
“Felix, lumipat ka na dito bukas na bukas din pupunta tayo sa pamilya ni Melisa.” Saad ni Dad sa kaniya.
“But Dad-,” agad siyang nagsalita ngunit agad naman hinampas ni Dad ng malakas ang lamesa dahilan upang mahinto siya sa pagsasalita.
“Ayaw kong masira ang pangalan ng mga Domingo, Felix kaya sa ayaw o sa gusto mo kailangan natin gawin ito.” Saad ni Dad sabay alis. Agad naman napahawak si Kuya Felix sa kaniyang ulo at sabay napaupo. Agad naman lumapit si Mom sa kaniya sabay hawak sa kaniyang balikat.
“Felix alam ko na hindi ka pa handa sa ganitong bagay, pero responsibilidad mo iyon anak at isa pa you’re 27 year’s old matanda ka na kaya dapat alam mo na ang gagawin sa bagay na iyon diba.” Saad ni Mom sa kaniya. Agad naman siyang ngumiti sa kaniya at sabay tumingin saamin.
“At kayo din, tama lang ang sinabi ng Dad ninyo sa inyo. Matatanda na kayo wala ng teenager sa inyo kaya dapat alam ninyo na ang mga bagay na ganiyan okay.” Saad ni Mom saamin. Agad naman kaming tumango-tango sa kaniya bilang pagsang-ayon naming sa kaniyang sinabi.
“By the way dito ka na matulog Ethan bukas ka na bumalik sa condo mo.” Saad ni Mom saakin. Agad naman akong tumingin sa kaniya at sabay umiling-iling.
“No Mom, kailangan ko ng bumalik sa condo ko may aayusin pa akong bagay bukas. Babalik nalang ako dito sa weekends.” Saad ko sa kaniya sabay tayo sa pagkakaupo. Agad akong naglakad palabas ng dining area ngunit bago pa ako makalabas agad akong huminto at sabay tumingin kay Kuya Felix.
“Kuya kailangan ka ni Ate Melisa ngayon kaya wag mo siyang iwan. Isa pa magiging parte din ng pamilya ang batang nasa loob ng sinapupunan niya. Though hindi mo siya mahal but she loves you so don’t waste her. She’s nice to us baka pwede mong gawan ng paraan para mahalin siya. Kaya please, help her para hindi niya maranasan yung mga naranasan ko.” Seryoso kong sabi sa kaniya sabay lakad palabas ng dining area.