Ericka’s Point of View
“Bakit nangyari kay Ethan ang ganong bagay?” seryoso kong tanong sa kaniya. Agad naman siynag huminga ng malalim at sabay tumabi saakin at sumandal sa may dingding.
“Nung teenager pa kasi si Ethan mga 14 years old siya, kinuha siya ng ex ni Dad na mahal na mahal siya. That time gusto ng babae na magkaroon ng anak kay Dad but Dad refuse it dahil meron na siyang pamilya kaya bakit pa siya mag-aanak sa ibang babae.” Seryoso niyang saad. Agad naman siyang napayuko sabay nagbago ang kaniyang expression.
“But I guess that is my fault, nung mga oras kasi na iyon naisip namin ni Ethan na lumabas muna, pero iniwan ko muna siya kasi nakalimutan kong kunin yung bag sa loob ng bahay, pero paglabas ko wala na si Ethan. Hinanap ko siya that time sa labas pati sa loob ng bahay kasi akala ko nakikipagtaguan lang siya, pero lumipas na ang limang oras hindi ko siya nakita.” Malungkot niyang saad saakin. Agad siyang napahinga ng malalim sabay tingala niya.
“Sinabi ko kaagad kala mom ang nangyari so ang ginawa nila hinanap agad nila si Ethan. Lumipas ang dalawang buwan non merong tawag na natanggap kami ang sabi meron daw isang lalaking menor de edad sa isang abandunadong bahay na punit-punit ang damit. So, agad namin pinuntahan siya doon baka si Ethan na iyon. Pagdating namin doon merong mga pulis na nakapalibot sa bahay. And that time doon lang namin nakita si Ethan na may pasa sa mukha niya pati sa mga braso niya.” Saad ni John saakin.
“Agad lumapit si Mom sa kaniya pagkatapos niyakap siya pero agad naman siyang hinimatay non. Sinugod agad namin siya sa osptal, sabi ng doctor ayos lang naman si Ethan pero nagkaroon siya ng trauma dahil sa nangyari sa kaniya. And that time nagsimula na siyang natakot kay Mom nung one-time na nagising siya pagkatapos niyakap siya ni Mom. Nakita naming na may tumulong dugo sa ilong ni Ethan bago siya nahimatay. Nung nangyari iyon, sinisisi ko kaagad ang sarili ko dahil sa nangyari sa kaniya.” Saad ni John sa kaniyang sarili. Agad ko namang hinawakan ang kaniyang likod upang pakalmahin siya sa kaniyang nararamdaman.
“It’s fine hindi mo naman kasalanan yung angyari sa kapatid mo hindi ba?” tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang napayuko sabay napahawak sa kaniyang noo.
“Yeah, but still hindi naman magiging ganoon si Ethan kung hindi dahil saakin and starting that time nagkalayo na ang loob namin ni Ethan sa isa’t isa dahil sa nangyari noon. Kaya hindi ko pinapatawad ang sarili ko dahil doon.” Malungkot niyang sabi saakin. Agad naman siyang tumingin saakin sabay hinawakan ako sa aking balikat.
“So, listen to me Ericka, if you don’t want to hurt my brother alamin mo na ang tunay mong nararamdaman sa kaniya. Ayaw kong makita ulit ang kapatid ko na masasaktan sa huli dahil iniwan siya ng babaeng mahal niya.” Saad niya saakin. Agad naman akong napayuko dahil sa sinabi niya saakin.
“Bakit ba kailangan mong ipagpilitan sa akin ang nararamdaman ko sa kaniya. We only met once at hindi pa namin inaasahan na merong ganoong bagay na nangyari saaming dalawa.” Saad ko sa kaniya. Agad ko naman narinig ang malalim niyang hinga dahil sa aking sinabi sa kaniya.
“Listen to me Ericka. Alam mo ba na minsan ng nagmahal si Ethan ng babae. Maybe kaya kayo nagkita sa bar ay dahil gusto niyang makalimot sa babaeng minahal niya dati. You know that girl is special to him. Siya ang pinaka unang pinagkatiwalaan ni Ethan na tao sa buhay niya.” Saad ni John saakin. Agad naman siyang napatingala sabay ngumiti.
“Simula nung dumating yung babaeng iyon sa buhay ni Ethan doon ko nalang ulit siya nakitang ngumiti. Yun yung ngiti na hindi naming nakita simula nang mangyari sa kaniya ang insidenteng iyon at dahil doon pinatuloy tinanggap naming sila ng buong-buo. But something happens, bigla nalang silang nagkalabuan ng walang dahilan at sabay iniwan niya si Ethan.” Malungkot na sabi ni John. Agad naman akong nakaramdam ng kalungkutan ng banggitin ni John saakin ang mga bagay na iyon.
“At dahil doon napagdesisyunan ni Ethan na umalis nalang sa bahay at doon tumuloy sa condo niya. Actually, nag-aalala na nga sila Mom at Dad sa kaniya dahil sa nangyayari sa kaniya pero wala silang nagawa dahil hindi naman ganon kalapit si Ethan saaming lahat.” Saad niya saakin. Agad naman siyang naglakad papalayo saakin sabay lumakad papalapit sa may pintuan.
“Alam mo kung bakit ko sinasabi sa’yo ang lahat ng iyon? Dahil binigay n ani Ethan ang pagtitiwala niya sa’yo. Alam kong napansin din nila Mom ang bagay na iyon kanina nung dumating kayo dito. Kaya kung ako sa’yo alamin mo na kung anong nararamdaman sa kapatid ko. Kung alam mo na wala ka talagang nararadaman sa kaniya better to leave in his life and never bump to him. Para habang maaga pa na hindi pa ganoon ka attach sa iyo si Ethan.” Galit na saad niya saakin. Agad naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa kaniyang pananakot sa akin.
“I’m not threatening you Ericka, I’m just saying this as his older brother. Kahit na meron galit na namamagitan sa aming dalawa still kapatid ko pa din siya. He is my bestfriend back then kaya ayaw kong makita na masasaktan ulit ang kapatid ko.” Seryoso niyang sabi sabay umalis. Agad naman akong napasandal sa pader at sabay napa-isip.
‘Why, Bakit naman pumunta sa ganito ang lahat? Isang araw palang bakit ang dami ng problema ang nangyayari saakin ngayon?’ tanong ko saakin sarili. Agad naman akong tumayo ng maayos at nagsimulang naglakad papasok sa loob ng kanilang bahay.
Habang naglalakad papasok sa kanila. Agad pumukaw saaking atensyon ang anim na malalaking litrato na nasa pader ng kanilang bahay. Agad akong napahinto at napatingin sa mga litrato. Agad napukaw ang aking paningin sa iisang litrato. Agad kong tinignan ito at agad akong napangiti dahil dito.
“Ayos lang ba ang litrato ng anak ko?” tanong niya saakin. Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa pagkagulat ko ng bigla siyang nagsalita. Agad siyang tumingin saakin sabay binigyan ako ng malaking ngiti. Agad naman akong ngumiti sa kaniya sabay yumuko bilang pagbibigay galang sa kaniya.
Agad siyang tumingin sa litrato ng kaniyang anak sabay huminga ng malalim.
“You know this is the second time na nagdala ang anak ko na pangatlo ng babae. Alam mo sabihin man nilang lahat na meron kaming favoritism pero sa mga anak ko si Ethan talaga ang inaabangan kong magdala ng babae sa bahay na ito dahil sa limang magkakapatid siya lang yung nakikitaan ko na magseseryoso sa mga babaeng mamahalin niya.” Saad niya saakin. Agad naman akong napahinga ng malalim sabay tumingin sa litrato ni Ethan at nakaramdam ng kalaungkutan.
“For years gustong gusto kong makayakap ang anak ko pero miski ako ata wala ding exception sa nangyayari sa kaniya.” Saad niya saakin. Agad naman akong nagulat ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Agad akong napatingin sa kaniya na gulat na gulat dahil sa ginawa niyang ito.
“I don’t know kung ano ang relasyon mo sa anak ko pero please lang kung maaari pwede mo ba siyang alagaan?” tanong niya saakin. Agad naman akong napayuko dahil sa kaniyang hinihiling saakin. Agad niyang hinigpitan ang hawak saaking kamay sabay hawak sa aking balikat.
“Alam kong mahirap ang pinapagawa ko sa’yo dahil baka pinagpipilitan kitang mahalin ang anak ko pero kung maaari lang wag mong hayaan na masaktan ang anak ko. Ayaw kong makitang umiyak ulit ang anak ko dahil sa pagkasawi sa pag-ibig.” Maluha-luha niyang saad saakin sabay ngiti niya. Agad niyang binitawan ang pagkakahawak saaking kamay sabay lakad papalayo saakin. Agad naman akong napapikit sabay napahawak saaking noo dahil sa biglaang pagsakit nito dahil sa mga bagay na aking iniisip. Napahinga ako ng malalim sabay naglakad papabalik sa kuwarto ni Ethan.
Pagdating ko sa harapan ng pintuan ni Ethan agad kong hinawakan ang doorknob ng kaniyang pintuan at sabay dahan-dahan itong binuksan. Agad kong sinilip si Ethan na nakapikit habang nakahiga sa kaniyang kama. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at dahan-dahan na sinarado ang pintuan bago naglakad papalapit sa kaniya.
Agad akong lumuhod sa gilid ng kaniyang kama at tinignan lang siyang natutulog.
“I never thought na aabot tayo sa punto na ito.” Seryoso kong sabi sabay huminga ng malalim. “Hindi ko alam na ganito pala ang pinakasitwasyon mo kaya grabe ang pag-aalaga nila sa iyo. But sorry I can’t do what they said to me, ang hirap kasi sa part ko na ipagpilitan ko ang sarili ko sa iyo.” Saad ko sa kaniya. Agad akong yumuko sa kaniyang kama at nag-isip-isip nang aking gagawin.
Agad kong inangat ang aking ulo at sabay tumingin sa kaniya ng seryoso.
“Siguro kailangan na nating maglayo para hindi na natin masaktan ang isa’t isa.” Seryoso kong sabi sa kaniya sabay tayo at tumalikod sa kaniya upang umalis na sa kaniyang kuwarto.
Agad naman akong napahinto sa aking paglalakad ng bigla kong marinig ang kaniyang boses.
“Hey what is that for? Why are you telling all of that words to me?” tanong niya saakin. Agad akong tumakbo papalabas sa kaniyang kuwarto at sabay hinawakan ang kaniyang doorknob upang hindi siya makawala sa loob.
Nagulat naman ako ng bigla kong maramdaman ang bigat ng pagkahatak sa pintuan sabay padabog na pinalo ang pintuan.
“Hey Ericka, talk to me!” sigaw niya saakin. Napapapikit naman ako habang hinahawakan nang mahigpit ang kaniyang pintuan.
“Hey what’s wrong with you?!” Sigaw niya sakin. Agad naman akong nagulat ng bigla kong mabitawan ang doorknob ng kaniyang pintuan at sabay nakita ko ang seryosong mukha ni Ethan na nakatingin saakin.
“What is your problem, Ericka?!” Seryoso niyang saad saakin.