Disclaimer: This chapter has full of mature scenarios that are not suitable for very young audiences.
******
“Hmm! Ugh~” he moaned. Agad naman akong napakapit ng mahigpit sa unan dahil sa pagod at sakit na aking nararamdaman. Hininto niya ang kaniyang paggalaw sabay niyakap ako ng mahigpit. Nararamdaman ko ang bawat hangin na kaniyang binubuga saaking leeg dahil sa hingal at pagod na kaniyang naramdaman.
“Hey, I love everything about you,” bulong niya. Nakaramdam ako ng pag-init ng aking mukha dahil sa kaniyang pagbulong. Agad naman niyang idinikit ang kaniyang mukha saaking leeg at sabay inamoy ito. Bigla akong napalayo dahil sa kiliti na aking nararamdaman ngunit patuloy naman niya itong hinahabol at patuloy lang na idinidikit ang kaniyang ilong saaking leeg.
“Hey let’s sleep, pagod na ako anong oras na oh ang daming beses na nating ginawa magpahinga ka naman,” antok na saad ko. Agad naman siyang umalis sa itaas ko at sabay humiga sa kama at humarap saakin. Humarap naman ako sa kabilang side ng kama at ipinikit ang aking mga mata. Simula noon naramdaman ko na ang sakit ng aking ulo at pananakit ng aking ibaba dahil sa kalasingan at nangyari saaming dalawa.
Habang nag-aagaw ang pagkahilo at pagkalasing sa aking katawa pilit ko pa din inaalala ang mga pangyayari na nangyari sa aming dalawa. Alam kong mali itong ginawa namin pero alam ko na parehas kaming nasiyahan.
End of Flashback…
Napapikit naman ako dahil sa mga ala-ala na pinaggagawa ko kagabi. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon sa taong hindi ko naman talaga kilala nh lubusan. Yung totoo Ericka? Naghanap ka ng harot sa taong alam mong nasaktan? Ahh baliw ka talaga.
Pinalo ko ang aking sarili dahil sa inis ko dahil sa mga ginawa ko. Hindi ako ganong klaseng babae pero bakit ko nagawa ang bagay na iyon.
Agad namang huminto ang taxi. Bigla kong tinignan ang labas ng taxi at nakita ko ang isang mall na kung saan ang desisyon ko. Kinuha ang aking wallet at kumuha ng pera upang kumuha ng pera at pinambayad sa driver.
Binuksan ko ang pintuan ng taxi at bumaba doon; nagkalakad ako papunta ng mall. Kinuha ang phone ko at sabay tinawagan si Kuya Roel a driver namin.
“Hello kuya Roel pa sundo naman ako dito sa mall,” saad ko sa kaniya.
“Buti ma’am tumawag ka saakin," sabi nito, "nag-aalala sa iyo ang mga magulang mo dahil hindi ka daw nakauwi kagabi." Napahinga naman ako ng malalim at sabay napa hawak saaking ulo dahil sa sinabi niya sakin.
“It’s fine, maayos naman ang lagay ko wala naman akong problema,” saad ko sa kaniya. Agad kong binaba ang tawag sa kaniya at sabay tumayo lang doon upang hintayin siya habang nakatayo doon. Habang naghihintay doon biglang tumunog ang aking cellphone, kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa upang tignan kung sino ang tumawag sa akin.
“Oh Kate?” nagtataka kong sabi. Agad kong sinagot ang kaniyang tawag upang malaman ko kung bakit siya napatawag.
“Hey napatawag ka?” tanong ko sa kaniya. Bigla ko naman inilayo sa aking tenga ang cellphone dahil sa biglaan niyang sigaw saakin.
“Asaan ka na ba Ericka," kinakabahan niyang sabi, "gosh ako yung nag-aalala sa iyo girl seriously iniwan mo ako kahapon!” sigaw niya saakin. Napapikit naman ako sabay napa hawak sa aking ulo at sabay hinilot ito dahil sa mga sinabi niya.
“Sorry, sorry lasing na kasi ako ehh hindi ko alam na may kasama pala ako kahapon,” saad ko sa kaniya.
“Oo Ericka kasi alam mo ang ginawa mo kahapon," galit na saad niya sa akin, "ang sabi nang bar tender saakin sumama ka daw sa lalaki na pinuntahan mo. Seryoso ka ba, iiwan mo ako para sa lalaki?” saad niya saakin. napapikit naman ako sabay napakamot sa aking ulo dahil sa kaniyang sinani. Napahinga ako ng malalim sabay napakagat sa aking labi upang makapag-isip ng aking idadahilan sa kaniya.
“Hey, Ericka Trisha Salvador," seryoso niyang sabi. Nanlaki naman ang aking mga dahil sa pagbabanggit niya ng buong pangalan ko.
“Hey Kate, don’t make me laugh. Seryoso ka ba sa ganyan mo? Isa pa Nanay ba kita para tawagin mo ang buong pangalan ko?” seryoso kong sabi sa kaniya, "gosh wag mo akong pakabahin ng ganyan pakiramdam ko yung mga magulang ko ang kausap ko ngayon," biro kong sabi sa kaniya. Narinig ko naman siyang napahinga ng malalim dahil sa aking sinabi.
“Hey seriously, kailangan natin magkita ngayon sa school okay," saad niya sa akin. Napahinga ako ng malalim dahil sa kaniyang sinambit, "Mag kuwento ka saaking babae ka,” diin niyang sabi. Agad naman akong napailing-iling dahil sa sinabi niya.
“Ano naman ang ikukuwento ko saiyo?" tanong ko sa kaniya, "Wala naman akong maikukuwento sa iyo,” saad ko sa kaniya.
“Meron at mahaba haba iyon," seryoso niyang sabi, "kaya pumasok ka ng umaga Ericka, bye I love you,” saad niya saakin sabay baba ng tawag. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero nung naalala ko ulit ang nangyari kagabi para akong nakaramdam ng onting kasiyahan na hindi ko malaman.Napailing-iling naman ako upang kalimutan ang mga iyon.
Bigla naman akong napatigil at napatingin sa harapan ko nang makita ko ang sasakyan na pinapansundo ni Kuya Roel saakin. Agad naman akong naglakad papunta sa passenger seat at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Pagkabukas na pagkabukas ko agad akog nagulat dahil ibang tao ang nakita ko na nakaupo sa passenger seat.
“Ku-Kuya?” Utal kong saad sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napangiti.
“So eto na pala ang gawain ng kapatid ko ngayon," saad niya sa akin. Nalalunok ako at napatingin sa kaniya, "lalabas ng bahay at uuwi na kinabukasan?” nakangiti niyang sabi. Napanhinga ako ng malalim sabay pumasok sa loob ng sasakyan at umupo ng maayos; sinarado ko ang pintuan at ikinabit ang seatbelt sa aking katawan. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti nang pilit.
“Nakauwi ka na pala kuya Jameson, kamusta ang bakasyon sa Malaysia?” malamig kong tanong sa kaniya. Agad naman niyang ini-start ang sasakyan at sabay umalis.
“Well fine lang naman," masaya niyang sabi, "na-miss mo ba ako o yung kasama ko?” nakangiti niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya saakin.
“Anong kahibangan ba ang pinagsasabi mo Kuya Sebastian, sino bang kasama mo galing Malaysia?” asar na tanong ko sa kaniya.
“Si Lester,” seryoso niyang saad. Bigla namang nagbago ang aking mood dahil sa bigla niyang pagsambit sa pangalan na matagal ko ng binaon sa lupa at kinalimutan.
“Pwede ba wag mo nang sabihin saakin ang pangalan ng lalaking iyan nakakainis lang,” inis na sabi ko, "ang dami-daming pwedeng pag-usapan kailangan pa talagang idamay yan?" Bigla naman siyang natawa saakin at sabay napailing-iling dahil sa sinabi ko sa kaniya.
“Anong nakakatawa Kuya?” seryoso kong tanong sa kaniya. Umiling-iling lang siya at sabay ipinagpatuloy ang kaniyang pagmamaneho. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napasandal upuan at tumingin na lang sa labas ng sasakyan niya upang makapag-isip-isip.
“So ano sasagutin mo na ba si Lester?” seryoso niyang tanong. Napahinga ako ng malalim dahil sa inis ko ng marinig ko iyon. Humarap ako sa kaniya at ngumiti ng pilit bago ko sagutin ang kaniyang katanungan.
"Pwede ba kuya," saad ko sa kaniya, "Hindi ko alam kung bakit lagi mong tinatanong sa akin ang mga bagay na iyan nung isang taon pa. Isa lang naman lagi kong sagot diba at ang ang sagot na iyon ay hindi," madiin kong sinabi.
“Kahit anong gawin mo Ericka still sila Mom pa din ang masusunod and besides si Lester lang ang makakatulong saatin sa-“ agad kong inangat ang kamay ko upang patigilin siya sa kaniyag pagsasalita.
“Enough ayaw ko ng makarinig ng mga explanations, Kuya,” inis na saad ko sa kaniya, sabay pikit nalang upang hindi na niya ako tanungin.
A moment later…
Agad inihinto ni Kuya Jameson ang sasakyan sa harapan ng gate. Bago pa mabuksan ang gate agad ko namang binuksan ang pintuan ng kotse at agad bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. Habang naglalakad palapit sa pintuan agad ko namang nakasalubong si Kuya Roel.
“Kuya Roel bakit hindi ikaw ang sumundo saakin?” tanong ko, “si Kuya pa talaga ang pinasundo mo," Saad ko sa kaniya. Napayuko naman siya dahil sa aking sinabi.
“Sorry Ma’am Ericka," tugon niya sa akin, "ang sabi po kasi ng Kuya mo siya na daw ang mag susundo sa iyo at isa pa utos ng ga magulang mo iyon sa kuya mo,” seryosong saad niya. Napailing-iling na lang ako at sabay naglakad papasok sa loob ng bahay.
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay agad sumalubong sakin sila Mom and Dad. Kita ko sa mukha ni Dad ang kaniyang pagkainis at nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Mom. Napahinga na lang ako ng malalim sabay naglakad papaakyat pataas ng aking kuwarto.
“Ano'ng nangyayari sa iyo Ericka?" tanong niya, "bakit naman naging ganito?” Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong sa halip ay napayuko lang ako.
"Diba pinayagan ka naming na mag-hangout sa mga kaibigan mo," saad niya, "bakit di ka naman umuwi kagabi?” tanong saakin ni Mom. Napairap na lang ako sa hangin at sabay napatingin sa kanilang dalawa. Ngumiti ako ng pilit sa kanilang harapan at bumaba sa hagdan.
“Mom and Dad, I’m sorry for what happen pero matanda naman na ako so I decided to go to a hotel para doon nalang matulog," nakangiti kong sabi sa kanila, "so don’t worry walang nangyaring masama saakin.” Huminga ako ng malalim sabay umakyat muli sa hagdan upang makapunta na sa aking kuwarto. Ngunit agad akong napahinto dahil sa tawag ni Dad saakin.
“Ericka Trisha Salvador!" buong pangalan na tawag sa akin ni Dad. Bigla naman akong napahinto dahil sa pagkakarinig kong iyo.
"Ganto ka na ba kabastos ngayon at sa tingin mo maniniwala kami sa sinasabi mo?!” sigaw na tanong sakin ni Dad. Napahinga ako ng malalim at sabay tumingin sa kanilang dalawa.
“Dad it’s fine kung hindi kayo naniniwala saakin at least alam ko sa sarili ko na tama ang sinasabi ko," seryoso kong sabi. Napangiti naman ako sabay talikod sa kanila. “So aakyat na ako dahil kailangan ko pang maligo dahil may pasok ako mamaya," seryoso kong sabi. Sabay naglakad papaakyat ng kuwarto ko. Ngunit agad nanaman akong napatigil dahil sa sinabi ni Dad saakin.
“No, hindi ka papasok ngayon! Dadating si Lester ngayon at ang pamilya niya para pag-usapan ang wedding ninyo,” galit na sabi niya. Napaharap ako sa kaniya na punong-puno ng galit ang emosyon dahil sa kaniyang sinabi.
“No, I don’t want too," diin na sabi ko, "lagi kong sinasabi sa inyo na ayaw kong makita ang lalaking iyon kaya bakit pa kailangan ipagpilitan na papuntahin siya sa bahay ma ito na hindi naman talaga siya welcome dito." Dahil sa aking sinabi biglang kinuha ni Dad ang base na nakalagay sa maliit na lamesa katabi ng hagdan sabay hinagis ito sa harapan ko. Nakaramdam naman ako na may maliit na basag na base ang siyang tumama sa aking paa dahilan upang maramdaman ko ang dugo ko na onti-onting umaagos dito.Napahinga na lang ako ng malalim upang indahin ang hapdi na aking nararamdaman.
“Susuwayin mo na ba talaga kami ngayon Ericka?” bigla niyang tanong saakin.
“Maybe yes,” seryoso kong saad, sabay tingin muli sa kanila. “Dad I’m a grown up now. I can make my own decisions for myself and aside from that I am the one who will choose a guy that I loved, yung hindi kami nagkalapit dahil sa business gusto ko yung mahal ko siya kaya please!” galit na sabi.
“At isa pa gusto kong pumasok ngayong araw dahil para saakin mas mahalaga ang pag-aaral kaysa sa mga bagay na ganiyan," diin kong sabi, "Dahil in the end of the day pwede akong maka alis sa bahay na ito dahil meron akong magandang trabaho,” galit na saad ko. Sabay talikod muli sa kanila at pumunta saaking kuwarto.
Pagpasok ko sa aking kuwarto agad kong isinarado ang aking pintuan at sabay sumandal sa pintuan. Huminga ako ng malalim at sabay napa upo saaking kinatatayuan.
Simula pa noon ganito na nila ako ituring. Parte man ako ng pamilyang ito, pero ni hindi ko naradaman ang mga bagay na iyon. Dahil lang sa pagkakamali ko noon nung bata ako, iniisip nila na gagawin ko pa rin ang pagkakamaling iyon ngayong pagtanda ko. Kaya mahilig nila akong ikumpara sa pinsan ko na mas magaling saakin at tingin ko mas anak pa nila ito kay sa saakin.
Agad akong napailing-iling at napatayo saaking pagkakaupo at kinuha ang aking tuwalya upang maligo. Ngunit bago ako makapasok sa banyo agad naman umilaw ang aking telepono na siyang tumawag ng aking atensyon. Agad akong lumapit doon at tinigan kung sino ang nag text saakin.
From: Lester
Let’s meet later, susunduin kita sa school ninyo.
Saad niya sa kaniyang text. Agad naman akong napatawa at napailing-iling nalang at sabay naglakad papasok sa loob ng banyo.
‘Maybe for me mas better pa din siguro ang lalaking nakilala ko kagabi, kaysa saiyo Lester.’ Saad ko saaking isipan.