3rd Person’s Point of View
Napakamot siya sa kaniyang ulo dahil sa pangyayari kani-kanina lamang. Habang papalapit sa kama agad niyang pinulot ang damit niya pangbaba at isinuot ito. Bago siya makapunta sa kama ay bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone dahilan upang ito’y kaniyang kunin. Napatingin siya dito at tinignan kung sino ang tumawag sa kaniya.
Napahinga naman siya ng malalim nung makita niya ang kaniyang kaibigan na si Jin ang tumatawag. Dali-dali niyang sinagot ito upang malaman kung ano ang sasabihin nito.
“Hel-“ Hindi pa siya nakakabati agad naman niyang inilayo ang kaniyang cellphone dahil sa sigaw nito sa kaniya.
“Hoy Ethan Axel Domingo, ano na nangyari sa iyo! Asaan ka na!” sigaw niya dito. Bigla naman napatawa si Ethan at agad napa iling iling at muling ibinalik ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.
“Easy bro para ka naman niyang hihimartayin eh,” biro na saad ni Ethan sa kaniya. Napahinga naman ng malalim si Jin sa kabilang linya dahil sa narinig nito kay Ethan. Alam niya na medyo loloko-loko ang kabigan kaya kinakabahan din ito sa mga maaring mangyari kay Ethan.
“Seryoso ka tatawanan mo lang ako, asaan ka na ba?” tanong ni Jin sa kaniya, “Diba pagkatapos mong pumunta ng bar diba umuuwi ka na ehh bakit ngayon wala ka pa?” saad niya kay Ethan. BIgla namang napatayo si Ethan sa kaniyang pagkakaupo sa kama at agad na kinuha ang polo sa sahig sabay pinagpag ito bago ito suotin.
“Don’t worry I’m fine,” saad ni Ethan sa kaniya, “meron lang akong sinamahan na babae dito sa hotel, catch up to you later bye,” saad niya sabay baba ng tawag. Napahinga na lamang siya ng malalim dahil sa sita sa kaniya ng kaniyang kaibigan. Alam niya na grabe siya pagalitan nito na para bang si Jin na ang ama niya sa tuwing may mali siyang ginagawa. Napailing-iling na lang si Ethan sabay inayos ang higaan na kanilang pinaghigaan ng babae na kasama niya matulog kagabi.
Nagulat naman siya ng makita niya ang dugo sa bedsheet ng kama. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo dahil sa mga nakita.
“Tsk lakas ng loob mag-aya, ito pala ang una niya,” saad niya sa kaniyang sarili. Tinanggal niya ang bedsheet sa kama at inilagay na lang sa isang tabi upang kunin nang mga staff ng hotel. Matapos ito ay isinarado niya ang butones ng kaniyang polo. Ngunit sa kaniyang pagsasara nito ay may naamoy siyang kakaiba dito.
“Ganon ba talaga kalakas ag amoy mo, kahit sa polo ko dumidikit na?” tanong niya sa kaniyang sarili. Napailing-iling na lang siya at itinuloy ang pagsasara ng butones ng damit upang siya at makaalis na.
Matapos niyang maayos ang kaniyang sarili dali-dali siyang lumbas sa kuwarto kung saan sila natulog at pumunta sa may elevator upang bumaba sa may lobby. Habang nasa loob ng elevator bigla naman siyang napayuko at sabay napahawak sa kaniyang ilong dahil sa mga oras na iyon pilit niya pading inaalala ang mukha at itsura ng babae.
Pinapalo na niya ang kaniyang noo ngunit kahit ano’ng gawin niya hindi niya pa din matandaan ang itsura nito. Tanging ang naiwan lang na amoy nito ang kaniyang naaalala dahil ito’y nakadikit sa kaniyang damit.
“Ugh why can’t I remember your face!” sigaw niya sa kaniyang sarili. Bigla siyang napapikit sabay sinandal ang knaiyang sarili sa dingding ng elevator. ‘Still the both of you have a similarity.’ Saad niya sa kaniyang isipan. Bigla namang bumukas ang pintuan ng elevator at agad siyang lumabas sa elevator, sabay naglakad papalapit sa front desk at ibinalik ang susi na ginamit nila sa hotel room.
Dali-dali siyang lumabas sa building ng hotel at naghanap ng sasakyan upang makabalik sa kaniyang condo.
A moment later…
Huminto ang taxi sa harapan ng kaniyang condo. Kumuha siya ng pera sa kaniyang wallet at ibinigay ito sa driver bago siya bumaba dito. Pagbaba niya sa taxi agad siyang pumasok sa loob ng building at pumunta sa elevator para umakyat sa floor kung asaan ang kaniyang condo.
Paglabas niya ng elevator nagulat siya ng bigla siyang sinalubong ng sapak sa tiyan. Bigla naman siyang napahawak sa kaniyang tiyan dahil sa sakit na kaniyang naramdaman.
“What is that for dude?” tnong ni Ethan sa kaniya. Napahinga naman ng malalim si Jin at napatingin kay Ethan ng seryoso.
“Ano pa nga ba, baliw ka na ba Ethan,” saad niya kay Ethan, “Hindi porket nasaktan ka na ganon na ang gagawin mo, ano bang nangyayari sa iyo? Ano hindi ka parin nakakapag move-on kay Karen?” tanong ni Jin sa kaniya. Bigla namang napahinto si Ethan dahil sa sinabi sa kaniya ng kaniyang kaibigan at sabay napatingin dito ng masama.
“Kailangan mo pa bang sabihin saakin iyan Jin?” tanong sa kaniya ni Ethan. Agad naman naglakad si Ethan papunta sa kaniyang condo at agad namang sumunod sa kaniya si Jin.
“Sinasabi ko lang Ethan limang buwan ng wala kayo ni Karen,” saad ni Jin, “pwede naman siguro na kalimutan mo siya kasi lagi ka nalang nasa bar. Hindi mo ba mahal ang buhay mo at patuloy ka lang umiinom?” tanong niya sa akin, “tapos ngayon anong ginawa mo, gagamitin mo yang pang aakit para lang makakuha ng babae?” saad ni Jin sa kaniya. Dali-dali namang naglakad si Ethan palapit sa kaniyang room at binuksan ito.
“Pwede ba Jin hindi naman ako ang gumawa ng first move okay siya ang gumawa ng first move,” saad ni Ethan sa kaniya. Pumunta si Ethan sa upuan at inilapag ang gamit na kaniyang dala. Si Jin naman ay napaupo sa couch at napasandal sa sandalan nito.
“Malamang ginamit sineduce mo kaya siya gumawa ng first move,” saad ni Jin sa kaniya, “akala ko ba hindi mo na gagamitin yang art of seduction na yan?” tanong ni Jin. Naglakad naman papalapit sa kusina si Ethan sabay kumuha nang tubig na kaniyang maiinom.
“Hindi ko naman sinasadya yun,” saad ni Ethan, “sadyang madali lang talagang mahanap ang mga weakness nila kaya mabilis silang ma-turn on,” wika ni Ethan sa kanya. Napatingin naman si Jin sa kaniya na para bang inuusisa ito habang nakapatong ang kaniyang baba sa sandalan ng sofa. Napakunot naman ang noo ni Ethan dahil sa mga pagtingin ni Jin sa kaniya.
“Alam mo I can’t believe na kaya mong gawin ang mga bagay na iyon Ethan,” saad sa kaniya ni Jin. Napahawak na lang si Ethan sa kaniyang ulo sabay napasandal sa lababo habang imuunom siya ng tubig.
“Well, I guess thanks to my dad, kaya siguro meron silang limang anak na lalaki sunod sunod dahil sa kakayanan ni dad na ganon,” saad ni Ethan sa kaniya, “besides hindi lang naman ako sa pamilya may kakayanan na gawin iyon, pati din naman mga kapatid ko, at mas matitindi pa sila saakin kaya wag mo akong igaya sakanila sinabi ko nga sayo dati na hindi ko gagamitin pero hindi ko naman maiiwasan.” Biglangn tumalikod si Ethan sabay hinugasan ang bason a kaniyang ginamit.
“By the way, bakit merong ganon sa pamilya ninyo yung art of sedution?” tanong ni Jin sa kaniya. Napatingin naman si Ethan sa kaniya sabay lumapit sa kaniya at umupo sa tabi nito.
“Galing sa ninuno sa side ni Dad,” saad ni Ethan, “sabi ni Dad sa akin para siyang talent na may kakayahan kaming tignan kung saan ang mga weakness spot ng babae, then once na hinawakan namin iyon na may tamang pressure. Makakaramdam sila ng kakaibang pakiramdam and it’s because na turn on sila doon, but for me it’s not special at all,” saad ni Ethan sa kaniya. Napatango-tango naman si Jin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
“Naks bagong buhay ka na ba Ethan?” pang-aasar ni Jin sa kaniya. Agad naman napapikit si Ethan at sabay napasandal sa sandalan ng upuan at sabay pumikit.
“Tigilan mo nga ako Jin,” saad ni Ethan sa kanita, “lagi ka nalang ganyan eh, alam mo naman ang dahilan kung bakit ayaw ko ng gamitin yung mga ganong bagay diba.” Agad naman tumango tango si Jin sa kaniya at sabay tinikom ang kaniyang bibig.
“By the way, sino pala yung babaeng kasama mo sa hotel room?” tanong sa kanya ni Jin. Napatingin naman siya bigla kay Jin dahil sa tinanong nito sa kaniya.
“Actually, hindi ko natanong ang pangalan niya,” wika ni Ethan sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ni Jin dahil sa sinabi ni Ethan sa kaniya.
“What seryoso ka ba?” gulat na tanong ni Jin sa kaniya, “nakipag one-night stand ka sa babaeng hindi mo alam ang pangalan? Bakit hindi mo tinanong kaninang umaga?” dagdag ni Jin sa kaniya. Napakamot na lang sa ulo si Ethan dahil sa mga tanong sa kaniya ni Jin.
“Well, nakalimutan kong itanong okay,” tugon ni Ethan sa kaniya. Napailing-iling na lang si Jin dahil sa sinabi ni Ethan.
“Eh ano naman yung itsura niya, maganda ba siya?” tanong ni Jin sa kaniya. Napahawak sa baba niya si Ethan at patuloy na iniisip ang itsura ng babae na kasama niya sa hotel room nung gabing iyon. Ngunit kahit anong pilit niyang gawin ay hindi niya padin magawang makita ang itsura nito.
“Hindi ko alam, hindi ko maaninag ang mukha niya kagabi,” saad ni Ethan sa kaniya, “kanina namang umaga humarap siya sa akin ng nakayuko, nung hahawakan ko yung baba nya para itingala agad niya akong tinulak tapos tumakbo palabas ng hotel room,” dagdag ni Ethan sa kaniya. Napakamot na lang ng ulo si Jin dahil sa sinabi ni Ethan sa kaniya.
“Ang hina mo naman pre,” pang-aasar ni Jin sa kaniya, “hindi mo alam ang pangalan, pati ba naman ang itsura di mo din nakita,” saad ni Jin sa kaniya. Napahinto naman si Jin sa pangangaral kay Ethan ng makita niya itong ngumiti. Napakunot ang noo ni Jin dahil sa ginawa ni Ethan.
“Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko?” tanong ni Jin sa kaniya. Agad naman humarap sa kaniya si Ethan at sabay umiling-iling.
“Nothing I just remember her sweet scent,” saad ni Ethan sa kaniya. Hindi naman maintindihan ni Jin kung ano ang sinasabi ni Ethan sa kaniya.
“Pero alam mo, pareho sila. Parehong-pareho.” Napahinga na lang si Jin ng malalim dahil sa mga sinasabi ni Ethan sa kaniya.
“Sinong bang sinasabi mong magkatulad?” nalilitong tanong ni Jin sa kaniya.
“Karen and her,” tugon nito sa kaniya, “yung amoy nilang dalawa hindi nagkakalayo, kaya nga pumayag ako dahil sa amoy niya eh,” saad ni Ethan sabay ngiti. Nakamot na lang si Jin sa kaniyang batok sabay napailing-iling dahil sa sinabi ni Ethan sa kaniya.
“Seryoso ka men? Dahil sa amoy kaya yung niyaya ka niya pumayag ka?” tanong ni Jin sa kaniya. Napatayo naman si Ethan sa kaniyang inuupuan sabay kinuha ang kaniyang tuwalya.
“What’s wrong with that, bawal ba akong mahulog sa amoy?” tanong ni Ethan sa kaniya, “isa pa diba ikaw na nga nagsabi sa ‘kin na tigilan ko si Karen? Ito na ginagawa ko na yung sinasabi mo saakin, titigilan ko na si Karen.” Napapikit na lang si Jin sabay hawak sa kaniyang mukha dahil sa sinabi ni Ethan sa kaniya.
“Bala ka sabi mo iyan eh,” saad na lang ni Jin sa kaniya, “Pero kaya ako nandito Ethan, kasi nagkita kami kahapon ng kapatid mo, si Joseaph,” wika ni Jin sa kaniya. Napatigil naman si Ethan dahil ng marinig niya ang pangalan ng kaniyang kapatid, “ang sabi niya pinapauwi ka daw ng Dad mo ngayong araw after ng klase mo.” Napakunot naman ang noo ni Ethan sabay napaharap kay Jin.
“Bakit naman ako pinapatawag ni Dad?” tanong ni Ethan sa kaniya.
“It’s all about your second brother Felix,” wika ni Jin sa kaniya.
To be continue…