Ericka’s Point of View
Habang naglalakad ako palabas ng bahay, bigla naman pumasok si Kuya sa may pintuan dala-dala bit bit ang papel na kaniyang hawak. Agad naman niyang nilapag ang mga hawak niya sa lamesa at sabay napatingin saakin.
“Pupunta ka na ba sa school ngayon?” tanong sa akin ni Kuya. Napatingin naman ako sa kaniya sabay tumango-tango bilang sagot sa kaniyang tanong. Napalapit naman siya sa akin sabay hinawakan ang aking kamay na siyang aking pinagtaka.
“Let’s go, ihahatid na kita papunta sa school ninyo,” Saad niya. Agad ko namang hinawakan ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking balikat at sabay pinabitaw ito. Bigla namang nagtaka si Kuya dahil sa aking ginawa. Napahinga ako ng malalim at sabay napapikit ng mata at napahawak sa aking noo.
“Kuya marami ka pang gagawin,” wika ko sa kaniya, “kaya ko naman ang sarili ko don’t worry.” Ngumiti naman siya saakin at sabay kinuha ang susi sa kaniyang bulsa.
“Don’t worry para sa little sis ko hindi naman sagabal iyon,” wika niya sa akin, “besides ngayon na nga lang ako nakauwi galing ibang bansa alam mo naman kung gaano kalaki ang time na nawala sa atin diba? Kaya wag ka ng mag-inarte at sumunod ka na sa akin,” saad niya sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim at walang akong nagawa kung hindi sundin siya.
Paglabas ng bahay agad akong sumakay sa loob ng kaniyang sasakyan at inayos ang inilagay ag seartbelt ko sabay napatingin sa labas at hinintay lang si Kuya na makapasok sa loob.
Pumasok sa loob si Kuya at sabay inilagay ang susi sa susian at sinimulanng paandarin ang sasakyan.
“Hey cheer up, ano ganyan na lang ba ang gagawin mo magmumukmok?” nakangiting saad ni Kuya sa akin. Napatigin na lang ako sa kaniya sabay napailing-iling naman ako sa kaniya bilang aking sagot sa kaniyang sinabi sabay tumingin muli sa labas ng sasakyan.
“Ano ba dapat ang imumukmok ko kuya?” tanong ko sa kaniya. Narinig ko siyang huminga ng malalim sabay sumandal ng maayos sa kaniyang inuupuan.
“About earlier, are you sure na ayos ka lang ba talaga?” tanong niya sa akin, “nung wala ako dito sa pilipinas, kamusta ang sila Mom at Dad sa iyo?” seryosong tanong niya saakin. Napahinga ako ng malalim at sabay napahawak sa aking noo.
“As usual naman lagi iyon kuya may babago pa doon?” seryoso kong saad. Bigla naman niya akong hinawakan sa aking balikat at sabay tinapik-tapik.
“Hey alam mo naman na nandito lang ako diba. Wag kang mahiya na sabihin sa akin ang problema mo,” saad niya saakin sabay ngiti. Tumingin naman siya sa akin sabay ngumiti dahil sa kaniyang sinabi.
“Don’t worry Kuya, I’m fine,” nakangiting sabi ko sa kaniya, “sanayan na lang din yun dati pa naman sa aking ganon si Dad, remember?” seryoso kong saad sakanya.
“Hey matagal na iyon Ericka, kalimutan mo na iyon,” saad saakin ni Kuya. Napapikit na lang ako sabay napahinga nang malalim dahil sa kaniyang sinabi.
“Kuya kahit naman kalimutan ko ang bagay na iyon ay hindi naman nila makakalimutan yon,” saad ko sa kaniya, “besides, mukhang hindi na ako pinagakatiwalaan nila Dad, kaya nga siya yung pinadala sa Amerika imbis na ako diba?” saad ko sa kaniya. Napahinga naman si Kuya ng malalim at tumingin ng maayos sa daanan.
“I doubt it, maybe you don’t know anything pa,” saad niya sa akin, “for sure alam nila Dad ang ginagawa nila,” Seryosong sambit ni Kuya. Natawa na lang ako ng malalakas habang umiiling-iling dahil sa kaniyang sinabi.
“Kuya for twenty years na nabubuhay ako parang wala naman akong nakitang ganyan,” saad ko sa kaniya, “baka nagkakamali ka lang kuya sa sinasabi mo kasi sa akin wala na yung pag-asa. Kaya ang kailangan ko nalang gawin ngayon mag-aral para makahanap ako ng magandang trabaho at makaalis na sa bahay,” seryoso kong sabi sa kaniya. Napalunok na lang ako sabay sandal sa upuan.
“Iyan parin ba ang pinapaniwalaan mo?” tanong niya sakin.
“Kuya hindi mo ba napapansin na ginagamit lang nila ako para pakasalan si Lester,” saad ko sa kaniya, “Iyon lang ang lagi nilang bukang bibig nung eighteen palang ako. Bakit ba kailangan pa ng ganoong bagay, nakakasawa lagi kabg makikinig sa kanila,” inis na saad ko sa kaniya.
“Maybe they have a reason to do those things,” saad niya sa akin, “minsan tignan mo din ang sarili mo sa side nila,” saad ni Kuya saakin.
“Hindi ko na dapat gawin ang bagay na iyon dahil kahit ano’ng gawin ko hindi ko naman nakikita ang sarili ko na katulad nila,” saad ko sa kaniya. Wala ng sinabi sa akin si Kuya at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho ng sasakyan.
A moment later…
Agad hininto ni Kuya ang sasakyan sa tapat ng university. tinanggal ko ang seatbelt sabay kinuha ang bag ko sa likuran ng kaniyang sasakyan.
“Kuya aalis na ako,” paalam ko sa kaniya sabay bukas ng pintuan ng sasakyan at lumabas.
“Text me kung uuwi ka na,” dagdag ko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti sabay sinarado ang pintuan ng sasakyan at naglakad papasok sa loob ng university. Habang naglalakad ako papasok sa loob ng University, agad akong napahinto dahil sa biglaan akong nakaramdam ng kamay na humawak sa aking balikat.
“Good now you’re here,” saad niya saakin. Dali-dali akong napatingin sa aking likuran at nakita ko si Kate na nakatingin saakin ng kakaibang tingin habang siya ay nakangiti.
“Ano ang problema mo bakit naman ganiyan ang tingin mo saakin may problema ba?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin sabay pinulupot ang kaniyang kamay sa aking braso sabay sandal sa aking balikat.
“Hey diba sabi ko sayo meron kang ikukuwento sa akin,” wika niya sa akin, “spill it out, ano’ng nangyari kagabi? Bakit ka sumama sa isang lalaki? What is your problem at sumama ka sa lalaking nung gabi mo lang din nakilala? Diba ang sabi mo saakin na bawal muna tayong ma expose sa mga ganong bagay, bakit mo naman ginawa?” tanong niya saakin. Napahinga naman ako ng malalim at napayuko dahil sa sinabi niya saakin.
“In the first place hindi ko naman kasalanan iyon,” bulong na sabi ko sa aking sarili, “kasalanan iyon ng katawan ko dahil nagpadala siya sa lalaking iyon nung hinawakan niya ako,” dagdag ko. Napakunot naman ang noo ni Kate ng hindi niya marinig ang aking sinabi.
“What did you say?” nagtataka niyang tanong saakin. Tumingin naman ako sa kaniya sabay umiling-iling habang nakangiti.
“Wala sinamahan ko lang siya kasi nga nakita ko na malungkot yung tao,” palusot ko, “so I decided to comfort him para naman mawala kahit papaano ang sakit na nararamadaman niya.” Agad naman siyang bumitaw sa pagkakahawak sa akin sabay pumunta sa harapan ko at tinignan ako ng masama.
“Anong klaseng comfort ang ginawa mo?” tanong niya saakin. Bigla naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.
“Yung ano na comfort,” paligoy-ligoy kong saad sa kaniya.
“Anong comfort?” tanong niya saakin. Tumingin ako sa kaniya sabay ngumiti. Napapikit na lang siya sabay napahinga ng malalim dahil alam ko na napagtanto na niya kung ano ang ibig kong sabihin.
“Ano ang pangalan nung lalaki?” tanong niya saakin. Napahinto naman ako dahil sa kaniyang sinabi sabay napaiwas sa kaniya ng tingin upang iwasan din ang kaniyang tanong.
“Don’t tell me hindi mo alam ang pangalan ng lalaki?” tanong niya sa akin. Napalunok na lang ako dahil sa kaniyang sinabi, “after what you two did hindi mo man lang alam ang pangalan niya?” Napatingin na lang ako sa kaniya sabay pinilit na ngumiti.
“Ano kasi ehh kanina kasi ano…” paligoy-ligoy kong saad sa kaniya. Bigla naman siyang nagtaray dahil sa aking mga sinabi.
“Ano’ng nangyari?” tanong niya saakin.
“Kasi kanina nung nagising ako tulog pa siya so ang ginawa ko ay nagbihis ako agad at umalis,” saad ko sa kaniya “kaso nagulat ako nung nagising sya tapos natakot ako kasi baka mamaya kung ano yung expression na ibibigay niya saakin so tumakbo nalang ako papalayo sa kaniya.” Napailing-iling naman si Kate sabay napahawak sa kaniyang noo dahil sa aking sinabi.
“Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Ericka,” wika niya sa akin, “hindi mo man lang tinanong yung pangalan? Hay nako Tara na nga kung ano pang magawa ko sayo pag hindi ako nakapagpigil,” saad niya saakin. Napangiti na lang ako ng pilit at agad siyang sinundan.
“Teka lang naman wag kang magadali, pagod kaya ako,” hingal kong sabi sa kaniya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang huminto sabay tumingin sa akin.
“Ilang rounds ang ginawa ninyo?” bigla niyang tanong saakin. Bigla naman ako napahinto at sabay napatingin sa kaniya nang gulat na gulat dahil sa tanong niya saakin. Napaiwas ng tingin at sabay napakamot sa aking ulo dahil sa tanong niya.
“I’m not sure kasi nagstart kami ng 10 pm tapos na tapos kami mga alas-tres na ng madaling araw,” hiyang saad ko sa kaniya. Napatakip na lang siya ng kaniyang bibig at pilit pinipigilan ang kaniyang tawa. Napalapit ako sa kaniya sabay binigyan siya ng malakas na palo sa kaniyang balikat.
“Ano ba bakit mo naman ako pinagtatawanan? Kasalanan ko ba yun?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang humawak sa kaniyang tuhod sabay sumesenyas sa akin na sumasakit na daw ang kaniyang tiyan dahil sa kakatawa. Napatingin naman ako sa kaniya ng seryoso sabay umirap.
“Sorry natatawa kasi ako, kasi seryoso ka kinaya mo yung ganon katagal?” tanong niya sa akin, “iba ka ha buti nalang hindi ka naka-wheel chair ngayon,” tawa niyang saad saakin. Hinawakan ko na lang siya sa kaniyang kamay sabay hinatak siya papunta sa room namin ng sapilitan dahil sa kahihiyan na kanyang ginagawa.
“Tara na bilisan mo na bago pa ako mainis sayo,” inis na sabi ko. Agad naman niya akong hinawakan sa kamay ko at sabay tinapik-tapik ang aking kamay.
“Sorry na ito naman hindi mabiro eh,” saad niya saakin. Bigla ko naman binitawan ang kaniyang kamay at nagpatuloy sa paglalakad.
“Hey man sandali lang naman hindi ka makapaghintay!” sigaw ng isang lalaki.
“Bilisan mo naman alam mo na hinanap pa ako ni Sir Reyes eh,” rinig kong saad ng lalaki. Bigla akong napahinto sa aking paglalakad ng marinig ko ang kaniyang boses. Napatingin ako sa likuran namin ni Kate upang tignan kung andodoon ba siya.
“Hey are you alright? Para ka naman atang nakakita ng multo?” tanong sa akin ni Kate. Napatingin naman ako sa kaniya sabay umiling-iling.
“No akala ko kakilala ko lang yung narinig ko, tara na sa room,” saad ko sa kaniya sabay nagpatuloy sa paglalakad.
“I’m sure that’s his voice,” bulong ko sa aking sarili.