05
Ericka’s Point of View
Habang nasa loob ng classroom hindi parin matanggal sa isipan ko ang boses ng lalaki na kanina kong narinig. Agad akong napayuko sa aking desk at pilit na iniisip ang mga narinig ko.
“No, it’s impossible na dito din siya nag-aaral,” bulong ko sa aking sarili, “mukha siyang taga ibang school nung nakita ko siya kagabi kaya imposible talaga iyon.” Nagulat naman ako at biglang napatingala dahil sa malakas na kalampag mula saaking desk. Bigla akong napabangon sabay napatingin sa desk ko upang tignan kung sino ang gumawa noon. Nagulat ako ng nakatingin sa akin si Kate habang hawak ang makapal na libro.
“Let’s go Ericka alam mo ba na PEH natin ngayon kaya please lang tumayo ka na diyan o gusto mo kakaladkadin pa kita palabas ng room,” saad niya sa akin, “tignan mo wala ng student sa loob ng room kaya tara na!” seryoso niyang sabi saakin. Napahinga na lang ako ng malalim sabay tumayo sa aking kina-uupuan at tinatamad na sumunod sa kaniya.
Habang naglalakad palabas ng room at sinusundan siya, nakita ko naman sa ibaba ng quadrangle ang mga student na nakapalibot doon. Napakunot naman ang aking noo habang tinitiganan ko ang mga babaeng estudyante na nandodoon.
“Hey Kate ano ang meron doon bat ang daming mga estudyanteng babae?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya doon bago siya tumingin sa akin.
“Mhh yan, anjan kasi yung klase natin sa PEH ngayon,” saad niya saakin. Napakunot muli ang aking noo dahil hindi ko alam kung ano ang connect ng kaniyang sinabi sa dami ng mga babae sa baba.
“Huh ano namang connect non kung jan tayo mag Pe PEH ngayon?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Well, kasi anjan yung dalawang upper classman sa business department,” saad ni Kate sa akin, “ang sabi ng prof saakin, sila daw ang tutulong sa atin para sa klase natin ngayon sa PEH dahil physically fit daw sila so matutulungan nila tayo,” wika ni Kate sa akin. Napatango-tango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
“Mga lalaki ba?” tanong ko sa kaniya. Agad siyang tumingin sa akin sabay ngumiti.
“Yeah, kung makikita mo sila, grabe hindi ka magsasawang tignan yung mukha nila,” masayang sabi sa akin ni Kate. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking noo dahil sa sinabi niya.
“Ahh kaya naman pala maraming mga babae dahil may appeal naman pala sila dahil pinagkakaguluhan,” wika ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin si Kate ng kakaiba na tila iniinspeksyon ako.
“Anong tingin iyan Kate?” tanong ko sa kaniya. She suddenly crossed her arms and smiled at me.
“Hindi ka ba naku-curious sa kanila?” tanong niya saakin. Agad naman ako napairap at sabay tumingin muli sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
“Anong kahibangan ba iyon Kate? Bakit naman ako ma ku-curious?” tanong ko sa kaniya.
“Wala lang hindi ka ba na ku-curious sa mga babaeng nakapalibot doon or should I say na mas gusto mo ang lalaki na sinamaan mo kagabi?” pagkukwestiyon niya saakin. Napatingin na lang ako sa kaniya ng masama dahil sa kaniyang sinabi sa akin.
“Ano bang nasa isip mo Kate,” saad ko sa kaniya, “pwede ba tara na baka mamaya mag i-i-start na ang klase tapos nandito pa din tayo sa taas,” wika ko sa kaniya sabay lakad pababa sa hagdan.
“Sabi mo eh,” natatawang sambit niya sa ‘kin bago sumunod saakin pababa ng hagdan.
Habang papalapit na kami sa may quadrangle, mas lalo naman nakikita ang dami ng tao na naka paligid doon. Dali-dali akong hinatak ni Kate at sabay idinaan sa maunting tao.
“Teka lang naman galit na galit ka ba saakin?” tanong ko sa kaniya, “ang sakit ng hatak mo ah!” reklamo kong sabi sa kaniya. Agad naman niya akong binitawan matapos makaputa sa loob ng quadrangle.
“Ang bagal mo eh tara na,” saad niya saakin sabay lakad niya papunta kung asaan ang mga ka klase namin. Napakamot na lang ako sa aking ulo sabay sumunod sa kaniya.
“Andito na ba ang lahat?” tanong ng aming guro sa amin.
“Okay, so tutal nandito na naman kayo ngayon umpisahan na natin,” wika niya sa amin, “nandito ang dalawang upper classman para tulungan kayo. Si Ethan at si Carlo,” saad ng aming guro. Bigla namang nagkumpulan ang mga kaklase ko at mas lumapit pa sa kanilang dalawa.
Napalinga-linga ako upang makita ko kung sino ang dalawang lalaki na tutulong sa amin. Ngunit kahit ano’ng gawin ko ay hindi ko sila makitang dalawa dahil sa dami ng mga student na nagsisiksikan.
“Hi Ethan!” sigaw nang isa sa mga kaklase ko. Nanlaki naman ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang isa sa kanila.
“Hey umayos kayo para mabiis natin tong matapos,” seryosong saad ni Ethan sa kanila. Bigla naman akong napayuko at sabay nakaramdam ng kakaibang pakiramdam ng marinig ko ang kaniyang boses.
“Okay so dahil sports ang PEH natin ngayon gagawa muna tayo ng iba’t ibang klase ng warm ups bago tayo pumunta sa loob ng gym,” saad ni sir Reyes sa amin. Dali-dali niya kaming pinaayos nang pila upang maturuan na nila kami sa warm up.
Habang nakapila hindi pa rin matanggal sa paningin ko si Ethan na seryoso na nakatayo sa aming harapan. Bigla naman siyang napatingin sa pwesto ko dahilan upang ako’y mapayuko at iwasan na magkatinginan ang aming mga mata.
Nagsimula ang aming klase at pinagmasdan lang namin silang dalawa na binibigyan kami mga iba’t ibang example. Habang nasa klase hindi ko parin ma-i-focus ang sarili ko dahil patuloy akong naghahanap ng paraan upang iwasan si Ethan.
Dumating ang oras ng break at agad naman kami binigyan ng aming teacher ng time upang uminom ng tubig. Napansin ko na naglakad papalapit si Ethan sa akin kaya dali-dali akong pumunta sa ibang direksyon at doon umupo. Napansin ko ang pagtataka sa kaniyang mukha sa aking ginawa, ngunit agad din naman siyang napaiwas sa akin ng tingin dahil muli siyang pinalibutan nang mga kaklase kong babae.
Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa nangyayari ngayong araw. I never expected na ang lalaking nakasama ko sa hotel kagabi ay ka-schoolmate ko pala. I guess he can’t recognize me after what we did yesterday dahil alam ko din naman na lasing siya noon.
Napahawak na lang ako sa aking ulo dahil sa mga problema na aking iniisip. Muli kaming pinatawag ng teacher naming upang bumalik sa quadrangle. Nilapag ko ang aking tubig sa bag at tumayo saaking inuupuan at dali-dali na tumakbo papalapit sa kanila.
“Sa napapansin ko hindi lahat nakaksunod sa PEH lessons natin na simpleng warm up lang ay hindi pa magawa,” saad ni Sir Reyes sa amin, “so lahat kayo ay lalapitan nilang dalawa upang tulunga kayo sa tamang pag wa warm-up.” Napahinga nang malalim ang mga lalaki sa amin dahil sa sinabing ito ng aming guro. Ngunit kakaiba naman sa parte ng mga babae dahil kitang-kita sa mukha nilang lahat ang kasiyahan na lalapitan kami isa-isa ng dalawang lalaki.
Napapikit na lang ako sabay napailing-iling sa nangyayari. Binuksan ko ang aking mga mata upang tignan kung ano ng nangyayari. Ngunit agad akong nagulat ng makita ko sa aking harapan si Ethan na nakatingin sa akin at nakangiti. Bigla naman akong napaatras dahil sa pagkagulat ng makita ko siya dahilan upang ako ay ma-out of balance dahil hindi ko nakita kung ano ang aking natapakan.
Dali-dali siyang lumapit sa akin sabay napahawak sa aking kamay at sa aking bewang sabay hatak sa akin dahilan upang mas mapalapit ako sa kaniya. Bigla namang tumindig ang aking mga balahibo ng maramdaman ko ang tamang hawak niya sa akin bewang dahilan upang maalala ko muli ang mga nangyari nung gabing iyon.
“Hey don’t cross the line, get off your hands to my waste,” bulong ko sa kaniya. Dali-dali naman niya akong binitawan dahil saaking sinabi. Agad akong napayuko upang itago ang namumula kong mukha sa harapan niya.
“Sorry, hindi ko sinasadya,” saad niya saakin. Bigla namang napatikom ang aking kamao dahil sa presensya na binibigay niya sa akin dahil kahit simpleng mga boses niya nag-re-react ng kakaiba ang katawan ko.
“Are you alright miss?” tanong niya sa akin, “siguro pwede na tayo mag start?” alalang niyang sabi. Napatango-tango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
“So first raise your hand,” saad niya saakin. Agad kong itinaas ang aking kamay dahil sa kaniyang utos. Nakita ko naman na nakatingin lang siya sa aking mukha dahilan upang ako’y mapaiwas. Hinawakan niya ang aking kamay at agad itong binaba.
Itinaas naman niya ito pa sideways at sabay inikot ito mula sa aking harapan patungo sa aking likuran. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sa akin mula sa aking likod. Onti-onti kong nararamdaman ang init ng kaniyang hininga sa aking leeg dahilan upang tumayo ang aking mga balahibo. Dahil doon bigla akong nakaramdam ng kakaibang daloy ng kuryente mula sa aking leeg papunta sa aking buong katawan dahil sa hininga niya na dumidikit saking balat.
“So tell me, why are you avoiding me?” tanong niya bigla saakin. Bigla akong napatigil dahil sa kakaibang boses na kaniyang ginawa habang ako’y kaniyang tinatanong. Agad akong napahawak saking leeg at sabay napalayo sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa. Ngunit dahil sa pagmamadali bigla akong natapilok dahilan upang ako’y matumba.
Dali-dali siyang lumapit saakin at inalalayan ako mula sa aking pagkabagsak.
“I’m alright pwede mo na akong-argh!” Bigla akong napatigil sa aking pagsasalita dahil sa sakit na aking naramdaman saaking paa. Napatingin naman si Ethan sa akin na nag-aalala dahil sa nangyari. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhat. Napatingin naman ako sa kaniya ng nagtataka dahil sa kaniyang ginawa.
“Hey put me down, ang daming students na nakakakita saatin,” saad ko sa kaniya. Ngunit seryoso lang siyang tumingin sa akin at sabay pinagmasdan lang akong maige. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil sa hiya na aking nararamdaman.
“Kumapit ka sa leeg ko para hindi ka malaglag,” seryoso niyang sambit sa akin. Napalunok na lang ako dahil sa kaniyang sinabi sabay pinalibot na lang ang aking kamay sa kaniyang leeg.
“You know hindi ko alam kung bakit mo ako nilalayuan ng walang dahilan,” wika niya, “Hindi naman ako ganon na nakakatakot,” saad niya saakin. Napapikit na lang ako dahil sa kaniyang sinabi.
“Hindi ka nga nakakatakot pero sa kama, halimaw ka men,” saad ko sa aking sarili.
“Hey listen up, if meron man akong nagawa sayo sorry,” saad niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
“Pero alam mo kanina habang tinitignan kita may naalala ako sayo nakalimutan ko lang kung sino. Even your scent is the same to her,” saad niya sa akin. Nanlaki naman ang aking mga mata ng maalala ko ang mga sinasabi niya sa akin kagabi patungkol sa amoy ko.
“Hey enough of that you pervert!” sigaw ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatingin sa akin ng masama dahil sa aking sinabi.
“Are you saying that I’m a pervert?” seryosong tanong niya sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang pinisila ng aking tagiliran dahilan upang mapayakap ako sa kaniya.
“Hindi ko alam na mahilig ka palang yumakap?” loko niyang saad saakin. Napatingin na lang ako ng masama sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa sa akin.
“You jerk,” saad ko sa kaniya.
“Listen up, gusto lang naman kita maging kaibigan,” wika niya saakin. Bigla naman nag-iba ang aking expression at sabay napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.
“Why?” seryoso kong tanong sa kaniya.
“I don’t know maybe because I like you,” saad niya saakin.