Chapter 6

1874 Words
Ericka’s Point of View Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi saakin. “Wait what did yo-you say?” utal na tanong ko sa kaniya. “I like you, as a person,” wika niya sa akin, “hindi pa kasi ako nakakita ng kagaya mo na ganon ang ugali. Kasi hindi ka annoying hidni katulad ng iba kanina na pilit lumalapit sa akin for attention that’s why,” seryosong saad niya sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa linaw ng paliwanag na kaniyang ibinigay saakin. Napakunot naman bigla ang aking noo ng bigla siyang tumawa ng malakas ng hindi ko alam ang dahilan. Napatingin na lang ako sa kaniya ng masama dahil pakiramdam ko ay nababaliw na siya ng hindi ko malaman. “Hey, what’s funny?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin habang siya ay nakangiti. Bigla naman nawala ang aking inis nang makita ko ang ngiti sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman pero bigla na lamang bumilis ang t***k ng aking puso ng makita ko ang kaniyang mga ngiti. “So titigan mo nalang ba ako?” tanong niya sakin. Bigla naman akong napaiwas ng tingin sabay napapikit dahil sa kahihiyan na naramdaman. Maya-maya pa ay bigla na lamang niya akong binaba na siyang aking ikinagulat. Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagtataka na kaniyang ginawa. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking paa sabay tinignan kung ano ang nangyari dito. Bigla naman akong napahawak sa ulo niya dahil sa kakaibang pakiramdam nung hinawakan niya ang paa ko. Dahil sa aking ginawa ay bigla siyang napatingin sa akin dahil sa pagtataka niya sa aking ginawa. “Why, anong problema?” tanong niya saakin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay sobra ng pula ng aking mukha dahil sa aking nararamdaman. “Uhm bakit mo hinahawakan ang paa ko?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman niyang binitawan ang paa ko sabay hinawakan ang mukha ko. Napatingin ako sa kaniya sabay napatitig sa kaniyang mga mata. “Uhm anong ginagawa mo?” utal na tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya saakin sabay bitaw sa mukha ko. “Easy ka lang wala naman akong gagawing masama sayo ehh,” wika niya sa akin, “hihilutin ko lang yung paa mob aka kasi na sprain,” dugtong niya. Napangiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi. Hinawakan niya muli ang aking paa sabay hinilot ito. Napapikit na lang ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya at pinipilit kong hindi mag-react sa bawat hawak niya saakin. “Uhm okay na ako,” saad ko sa kaniya sabay hawak sa kaniyang balikat. Bigla naman niyang tinigil ang kaniyang ginagawa sabay napatingin sa akin. Nakita kong kumunot ang kaniyang noo dahil sa aking ginawa. Napahinga siya ng malalim sabay tumayo. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hinarang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko sabay tumingin sa akin ng seryoso. Napalunok na lang ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Napangiti naman siya sa akin sabay lumapit sa aking tenga. Bigla namang nanlaki ang aking mata dahil muli kong naalala ang ginawa niya sa akin nung gabi sa bar. “Na-tu-turn on ka na ba?” tanong niya saakin. Bigla namang tumindig ang aking mga balahibo dahil sa kaniyang tanong sa akin. Napalunok ako sabay napayuko dahil sa kaniyang sinabi. Muli kong naalala ang mga nangyari sa aming dalawa kagabi dahil sa kaniyang mga ikinikilos. Nagulat ako ng bigla siyang napatigil sabay inilagay ang kaniyang ulo saaking balikad. Napatingin naman ako sa kaniya ng gulat na gulat dahil sa kaniyang ginawa. “Hey are you alright?” tanong ko sa kaniya. Narinig ko siyang huminga ng malalim sabay lumayo sa akin at inayos ang kaniyang sarili. “I’m sorry akala ko kasi ikaw siya,” seryoso niyang sabi. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi sa akin “Wait kilala mo ako?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napaharap sa akin habang hawak-hawak ang kaniyang noo sabay umiling-iling. “No, meron lang akong naalala dahil sa amoy mo,” saad niya sa akin, “magkaparehas na magkaparehas kasi kayo.” Napayuko na lamang ako sabay harang ng aking kamay sa aking katawan dahil sa kaniyang sinabi. “Why are you alright?” tanong niya saakin. Bigla naman akong napatingin sa kaniya dahilan upang mapaatras siya. “Pervert,” diin na sabi ko sa kaniya. Napatigil naman siya dahil sa aking sinabi sabay ngumiti sa akin at lumapit. “Gustong-gusto mo talaga akong tawaging ganyan no?” mapang-akit niyang bulong sa akin. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya ngunit lumapit naman siya muli. “Well not bad, hindi naman mawawala sa akin yang bagay na iyan,” dagdag niya. Napalunok naman ako sa kaniyang sinabi sabay tuluyan na lumayo sa kaniya ngunit nagulat naman ako sa kaniyang ginawa dahil bigla niyang hinawakan ang aking kamay. “Let’s go pumunta na tayo sa clinic para malagyan ng oil ang paa mo,” bigla naman niyang pagseseryoso. Kahit na nakakaramdam ako ng hiya pinilit ko pa din na hawakan ang kaniyang mga kamay upang aking maging gabay sa pagtayo ko. “Are you sure na ayos lang sa ‘yo naganito tayong dalawa?” tanong niya saakin. Napatingin na lang ako sa kaniya sabay ngumiti at tumango. Hindi ko alam pero biglaan na lang siyang nagbago na kung kanina ay badboy na manyak ngayon naman ang tino-tino na yung tipong gusto ng lahat ng babae dahil sa goodboy na medyo makabasag pinggan ang datingan. Nang makarating kami sa loob ng clinic agad niya akong pinaupo sa kama at hinanap ang nurse. Ngunit agad naman siyang bumalik at sabay naglibot-libot ng kaniyang tingin na tila may hinahanap na bagay. “Hey are you alright, anong hinahanap mo?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay ngumiti. “Efficascent oil para sa paa mo, wala kasi yung nurse dito eh,” saad niya sa akin sabay muling ngumiti. Napayuko na lang ako sabay napangiti dahil sa sigla na kaniyang ipinakita ngayon maliban sa lungkot na nakapinta sa kaniyang mukha nung gabing iyon. Hindi ko akalain na ang daming katangian niya ang makikilala ko ngayong araw. “You know what I think you change a bit,” saad ko sa kaniya. Agad naman siyang napahinto sa kaniyang paghahanap at sabay napatingin sakin dahil sa aking sinabi. “Bakit mo naman nasabi iyon na parang kilalang kilala mo ako?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay ngumiti. “Totoo naman diba, kanina lang kita sa mata mo yung kakaibang lungkot,” wika ko sa kaniya, “tapos ngayon nakikita ko na sa mga mata mo yung kakaibang saya so I guess nagbago ka ng kaonti,” saad ko sa kaniya sabay ngumiti. Napatango-tango na lang siya sabay lumakad papalapit sa lamesa at doon kinuha ang efficascent oil at lumapit saakin. Lumuhod siya at kunuha ang paa ko sabay hinaplasan ito. “You know, ang mga tao naman talaga nagbabago minsan masaya, minsan malungkot pero hindi naman ibig sabihin noon na meron ng pagbabago,” seryoso niyang sab isa akin, “parang kung baga nature na ng tao na maging masaya at malungkot. Ikaw ba hindi mo ba naranasan yung ganong pakiramdam?” tanong niya sakin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang tanong sa akin. “Naranasan ko na din naman yun, actually lagi,” ngiting sabi ko sa kaniya, “sa araw-araw, ‘yun lang naman ang nararanasan ko kaya parang normal na lang sa akin,” wika ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin sabay napatingin muli sa aking paa. “You know meron tayong pagkakatulad,” saad niya sa akin, “iyan din nararamdaman ko araw-araw but suddenly nakaramdam ako ng change because of a person that comes to my life that gives me another light,” masaya niyang sabi. Napakunot naman ang aking noo ng sabihin niyang iyon. “What do you mean? Ano bang nangyari sayo?” tanong ko sa kaniya. Napahinga siya ng malalim sabay napatingin sa akin. “Nanggaling kasi ako sa isang break-up,” wika niya sa akin, “well siguro for others okay lang na mag break sila ng mahal nila because gusto na talaga nilang makawala sa toxicity ng relationship nila. Kahit na masakit pipilitin pa din nila. But for me it’s different, that girl is my everything,” malungkot niyang sabi. Napahinga naman siya ng malalim sabay tingin sa akin at pinilit na ngumiti. “Siguro yun yung mali ko na pinagkatiwalaan ko ang isang tao akala ko magtatagal,” saad niya, “tapos isang araw bigla na lang pala siyang aalis dahil sawa na daw siya sa kung anong meron kami. Nakakatawa lang na nagkapangakuan kami sa isa’t isa tapos in the end mapuputol lang din pala yung pagsasama namin.” Napayuko naman ako dahil sa lungkot na aking naramdaman dahil sa kaniyang kwento. ‘Kaya siguro lagi kang nasa bar para makalimot,’ saad ko sa isip ko. “You know minsan hiniling ko na yung pakiramdam ko katulad ng apat na kapatid kong mga lalaki,” saad niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. “You know sa magkakapatid ako lang yung napag-iiwanan dahil isa pa lang ang minahal kong babae pero sila nagpaparamihan na,” saad niya sa ‘kin. Agad naman siyang tumayo at sabay binalik ang oil sa lamesa at muling bumalik sa harapan ko. “Ayos na yang paa mo, wag mo lang munang gagalawin,” saad niya sa akin. Agad naman siyang lumapit sa akin sabay niliyad ng kaniyang kamay sa harapan ko. “Uhm seryoso ka ba talaga kanina?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman kumunot ang kaniyang ulo dahil sa tanong ko sa kaniya. “What is it?” tanong niya saakin. “Yung gusto mo akong maging kaibigan, seryoso ka ba doon?” seryoso kong tanong sa kaniya. Napangiti naman siya sabay hawak ng aking ulo. “Yeah, I’m sure of it. Maybe this is the perfect time para makakilala naman ako ng bagong kaibigan diba,” masaya niyang sabi. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti. “Okay fine, friends na tayo,” masayang sabi ko sa kaniya. Maybe we made a mistake nung una naming pagkikita, pero pwede naman kaming magkakilala ng maayos para mas makilala namin ang isa’t isa. “Thank you again, Ethan,” saad ko sa kaniya. Napahinga ako ng malalim sabay napatingin muli sa kaniya. “Sige babalik na ako sa PEH class ko baka hinahanap na din ako doon eh,” saad ko sa kaniya. Agad akong tumayo galing sa pagkakaupo ko sa kama at dahan-dahan na naglakad papalabas ng clinic. Nang palabas na ako ng pintuan agad akong napahinto ng bigla niyang tinawag. “Uhm by the way ano nga pa lang pangalan mo hindi ko kasi alam eh?” tanong niya saakin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay binigyan siya ng malaking ngiti. “Call me, Ericka. Ericka Trisha Salvador.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD