Chapter 7

1972 Words
Ethan’s Point of View Habang naglalakad ako sa hallway, hindi pa din matanggal sa isipan ko si Ericka. She’s interesting, simula kanina nang nakita ko siya sa PEH Class nila, I know na nakita ko na siya somewhere but I really don’t know kung asaan ko ba siya nakita. “Hey mukhang masaya tayo ngayon ah,” saad ni Jin sa akin, “dahil ba iyan sa babae kanina sa PEH Class?” tanong ni Jin sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. “Ano bang pinagsasabi mo Jin, nahihibang ka na ba?” seyosong tanong ko sa kaniya. Napatawa naman siya ng malakas sabay napahawak sa aking balikat. “Anong nakakatawa doon?” inis na tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa ‘kin sabay tinapik-tapik ang balikat ko ng malakas. “Wala nakakatawa yung reaksyon mo alam mo ba iyon?” tanong ni Jin sa akin, “alam mo naman kung ano ang sinasabi ko diba tapos magmamaang-maangan ka pa. Sabihin mo na kasi yung totoo na gusto mo yung babae na tinulungan mo kanina. Alam mo ba na usap-usapan kayo dito kanina,” wika ni Jin saakin. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napailing-iling dahil sa kaniyang sinabi. “Itigil mo na yang kahibangan mo okay,” saad ko sa kaniya, “masama na ba ngayon na tumulong ngayon? Isa pa dahil sa akin iyon kaya siya natapilok kaya cargo de conciencia ko siya,” wika ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin sabay tumango tango dahil sa sinabi ko. “Yang mga expression mo Jin hindi na maganda yan. Wag kang green walang ganon na nangyari okay.” Saad ko sa kaniya. Agad naman siyang napatingin sakin sabay nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ko. “Hey man wala pa akong sinasabi ano ba ang nasaisip mo?” saad niya sakin. Napatingin nalang ako ng masama sa kaniya sabay napailing-iling dahil sa kalokohan na naiisip niya. “Pero seryoso Ethan. If you want her, then pursue her pero, ‘wag ka lang sumobra pre,” saad niya sa akin, “alam mo naman kung gaano ka ka-possesive sa isang tao diba. Tama na ang magmahal pero magtira ka lang sa sarili mo para hindi ka na masaktan,” wika niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo dahil sa pagtataka sa biglaan niyang pagseseryoso. “Alam mo hindi ko alam kung ibang Jin ba ang kasama ko,” saad ko sa kaniya, “alam mo yon kaninang umaga napaka seryoso mo na pinapagalitan mo ako na parang tatay kita. Tapos kanina naman napaka green minded mot apos ngayon para naman kitang kuya. Hanep ka,” wika ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay tawa niya ng malakas. “Normal lang naman saakin yun Ethan, hindi ka na nasanay,” saad niya sa akin, “pero Ethan alam mo naman ang sinasabi ko diba. You suffered for five months because of her. Sana naman wag ng mangyari ulit ngayon.” Napatingin naman ako sa kaniya sabay ngumiti. “Alam ko naman yun and besides tama lang naman siguro na mapalapit ako sa taong tumulong saakin sa bar diba,” seryoso kong saad sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napakunot ang kaniyang noo dahil sa aking sinabi. “Nahanap mo na ang babae na kasama mo kanina sa hotel?” tanong niya sakin. Napangiti naman ako dahil sa kaniyang tanong sabay napayuko. “No not yet, but maybe that is Ericka,” saad ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin ng nagtataka dahil sa aking sinabi. “Paano mo nasabi?” tanong niya sa akin. “Kanina kasi nung lumapit ako sa kaniya naamoy ko yung amoy na katulad sa babae kagabi,” nakangiti kong sabi sa kaniya. Natawa na lang siya dahil sa aking sinabi sabay napatapik sa aking balikat. “Hey man wag kang maglagay ng high hopes. Malay mo same lang sila ng pabango ng babae na kasama mo kagabi,” wika n’ya saakin. Napatingin na lang ako sa kaniya sabay napatawa. “Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko?” tanong niya saakin. “Hindi naman perfume ang sinasabi ko eh,” saad ko sa kaniya, “it’s the body scent of a human. Palibhasa kasi wala ka pang nalalapitan na babae, virgin man,” pang-aasar ko sa kaniya. Sinuntok naman niya ako ng malakas sa aking likuran dahil sa aking sinabi. “Easy man galit na galit,” saad ko sa kaniya, “next time kasi tanungin mo kung anong amoy yung naamoy ko, okay?” saad ko sa kaniya sabay natawa ng malakas. “Alam ko ba na yun ang tinutukoy mo?” galit na saad niya saakin. Hinawakan ko na lang siya sa kaniyang likuran sabay tinapik-tapik. “Easy lang man. Alam ko naman na hindi mo alam yun,” saad ko sa kaniya, “next time pe preno na ako,” pang-aasar ko sa kaniya sabay layo ko sa kaniya upang maiwasan ang kaniyang suntok. Habang nagpapatuloy sa paglalakad agad naman akong napabangga sa isang babae. Agad akong napatingin sa kaniya upang tignan kung ayos lang ba siy. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hawakan sa alking kamay sabay hatak sa ‘kin dahilan upang bumagsak ako sa kaniya. Pagkabagsak ko agad niyang pinalupot ang kaniyang kamay sa aking leeg. Kinalso ko naman ang aking kamay sa kaniyang gild at pilit na hindi siya hawakan upang hindi siya makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang katawan. Ngunit nakaramdam naman ako ng init na nanggagaling sa kaniyang katawan dahil sa ginawa niyang pagyakap sa akin. ‘F*ck this girl is so sensitive,’ saad ko saaking isipan. Agad ko naman siyang hinawakan sa kaniyang balikat at pilit na tinaggal ang pagkakayakap niya saakin. Pagkatanggal ko ng kaniyang pagkayakap, napansin ko kaagad ang pamumula ng kaniyang katawan. Napatayo ako sabay napalayo sa kaniya dahil sa expression na kaniyang ipinapakita. Dali-dali akong lumapit kay Jin at nagtago sa kaniyang likuran. “Hey ano’ng ginawa mo Ethan?” bulong ni Jin saakin. Napalapit naman ako sa kaniyang tenga upang binulong ang nangyari. “Napaka-sensitive ng katawan niya. Kahit na hindi ko siya hawakan napakabilis niyang mag-react,” bulong na sabi ko. Nagulat ako ng biglang tumayo ang babae at lumapit sa amin upang lapitan ako. Bigla naman siya hinarangan ni Jin upang hindi matuloy ang kaniyang naiisip. “Ethan, please I want you Ethan. Matagal na kitang gusto,” saad niya sa akin, “ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sayo ang nararamdaman ko. Please Ethan, accept me,” wika niya. Napalunok na lang ako ng makita ko ang itsura niyang nahuhumaling sa akin. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumakbo pagilid sabay tumakbo papalapit saakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Nanlaki naman ang aking mata sa kaniyang ginawa. Bigla naman akong napahawak sa aking ilong ng maamoy ko ang kaniyang amoy. “Let go of me, your smell- it’s so disgusting,” utal kong sabi sa kaniya. Napatakip na lang ako ng aking ilong dahil kada lumalapit siya sa akin ay naamoy ko ang kaniyang amoy na siyang dahilan kung bakit sumakit ang aking ilong. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay sabay ipinasok sa aming pagitan dahilan upang mahawakan ko ang kaniyang dibdib. Mas lalo pa akong nagulat ng dahil sa aking ginawa ay mas lumakas pa ang nilalabas na amoy ng kaniyang katawan. Napabitaw naman siya ng yakap sa akin habang nakatingin ng may kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi. Napapikit na lang ako upang indahin ang sakit na aking nararamdaman. Agad naman hinawakan ni Jin ang babae at sabay pinalayo saakin dahil sa nakikita niyang expression ko. Napahinga ako ng malalim upang kumuha ng sariwa na hangin. Habang pinapakalma ang aking sarili ay bigla na lamang nanghina ang aking katawan dahilan upang ako ay mapaluhod. “Man, ayos ka lang ba?” alalang tanong saakin ni Jin. Napalunok na lamang ako sabay napatango-tango upang sagutin ang kaniyang katanungan ngunit pinipilit ko lamang ang aking sarili na mailagay sa ayos ang aking nararamdaman. To begin with this is my biggest problem. Sa pamilya namin, kaming limang magkakapatid pati si Dad ay malakas ang pang-amoy sa mga amoy na nilalabas ng katawan sa tuwing nakikipag intercourse. But the problem is my nose is very sensitive. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Pero nararamdaman ko na madami ng tao ang nakatingin sa amin dahil sa nangyari. “Wait Ethan?” tawag ng babae saakin. Napatingin naman ako sa kaniya upang makita ko kung sino ang pamilyar na babae na iyon. Nang makita ko siya agad kong nakita ang kaniyang pag-alala ng makita niya akong nakaluhod sa sahig. Agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya sabay binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Idinikit ko ang aking mukha sa kaniyang leeg sabay dahan-dahan na hinawakan ang kaniyang bewang. Bigla kong naramdaman ang kaniyang pagkagulat dahil sa ginawa kong iyon. Dahil din dito agad siyang naglabas ng amoy sa kaniyang katawan dahilan upang mabawasan ang pananakit ng aking ilong ng maamoy ko siya. “Sorry Ericka, but can we stay like this for a while?” saad ko sa kaniya. Nakarinig naman ako ng bulung-bulungan sa aming paligid dahil sa kanilang nakikita. “Hey Ericka, what’s happening here?” tanong ng kaniyag kaibigan sa kaniya. “It’s nothing,” saad ni Ericka dito. “Hey Ethan, mas pipiliin mo pa ba ang babaeng iyan kay sa saakin?” saad ng babaeng lumapit saakin kanina. “Hoy ipokrita, magtigil ka nga ang ingay-ingay mo alam mo ba iyon?! Mahiya ka nga sa mga higher level dito oh!” sigaw ng kaibigan ni Ericka dito. “Hey Ethan are you alright?” tanong ni Ericka saakin. Napailing-iling ako bilang hindi pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. “Pre bitawan mo na siya baka hindi siya komportable,” saad ni Jin saakin. Hinigpitan ko pa lalo ang aking yakap kay Ericka at mas nilapit ko pa ang aking mukha sa kanyang leeg. Dahil sa ginawa kong ito mas nakaramdam si Ericka init sa kaniyang katawan. “Hey Ethan, hin-hindi na to tama,” utal niyang sabi sa akin. “Please Ericka, I need you right now,” bulong na sabi ko sa kaniya sabay pagpapatuloy nang pag-amoy sa kaniyang leeg. Nagulat naman ako ng bigla akong hinawakan ni Jin sabay pinilit na paghiwalayin kami ni Ericka. Bigla naman akong napabitaw sa kaniya dahil sa lakas ng hatak ni Jin. Nakita ko ang itsura ni Ericka na may kakaiba siyang expression sa akin ng makita ako. “Sh*t Ethan you have a nose bleeding,” saad niya saakin. Agad akong napahawak saaking ilong at sabay tinignan ang aking kamay at hindi nga siya nagkakamali dahil merong dugo na sumama sa aking kamay. Dali-dali naman kinuha ni Ericka ang kaniyang panyo sa kaniyang bulsa sabay idinikit sa aking ilong. “Ano bang nangyari Ethan?” nag-aalalang tanong sa akin ni Jin. “Because of her.” Sabay turo ko sa babae na kanina ay yumakap saakin. “Her scent triggers my nose,” saad ko sa kanila. “Yeah, that’s what you said to me Ethan,” saad ni Jin sa akin, “you have a sensitive nose.” Lumapit naman si Ericka sa akin upang maayos niyang matakpan ang aking ilong upang masalo lahat ng dugo na lumalabas dito. “Let’s go to the clinic Ethan,” nag-aalalang sabi ni Ericka sa akin. “Hey don’t worry, you save me there because of your scent,” saad ko sa kaniya sabay nginitian siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD