Ericka’s Point of View
Napapikit ako sa kahihiyan dahil sa sinabi sa akin ni Ethan. Nagulat naman ako ng mas yakapin niya ako ng mahigpit sabay isiniksik ang kaniyang ulo sa aking leeg. Mas lalong bumigat ang aking hinga dahil sa mga kakaibang naramdaman ko dahil sa mga ginagawa ni Ethan. Dahil sa mga nangyayari ngayon mas lalo kong naalala ang mga bagay na ginawa namin kagabi.
Bigla na lang akong napahinto ng makaramdam na ako ng mainit na likido sa akin leeg kaya agad ko siyang hinawakan sa kaniyang likod sabay tinapik siya ng mahina.
“Hey Ethan are you alright?” tanong ko sa kaniya. Napailing-iling naman sjya sa akin bilang sagot sa aking tanong maya-maya pa ay may nakita na akong teacher na siyang papalapit sa amin kaya dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Ethan at ibinitaw ito sa pagkakayakap sa akin.
“Anong nangyayari dito?” tanong naman ng teacher sa amin. Napayuko na lang ako habang hawak-hawak ang kamay ni Ethan dahil sa takot na aking nararamdaman sa mga oras na ito. Napalapit naman ang kaibigan ni Ethan sa teacher at pinaliwanag ang mga nangyayari kaya nakahinga ako ng maluwag.
Napatingin na lang ako kay Ethan na kasalukuyang nakayuko at nanatiling hinahawakan ang aking kamay.
“Nanggugulo po kasi sir ang student na ito sa amin,” saad nito sa teacher. Napatingin naman siya dito sabay nilapitan ito.
“No, hindi totoo yan,” sambit niya, “andito ako para kay Ethan. Please bitawan mo nga ako kailangan kong puntahan si Ethan para kausapin ko. Baka ano ang gawin ng babaeng iyan sa kaniya. Ikaw lumayo ka nga sa kaniya!” sigaw nito sa akin. Hinawakan naman ako ni Ethan ng mahigpit dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at nakita ko siyang nakangiti sa akin habang may mga luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. Napahawak naman ako sa kaniyang mukha sabay ngumiti sa kaniya at dahan-dahan na pinunasan ang kaniyang luha sa kaniyang pisnge.
Bigla naman akong nalungkot habang hawak ko ang kaniyang mukha dahil nakita ko ulit sa kaniya ang mukha na siyang dahilan kung bakit ko siya nilapitan kahapon sa bar.
“Alam mo bang pinagbabawal ang ganiyang pag-aasta dito sa school na ito ms. Valdez. Go to my office now,” saad naman ng guro sa babae. Napatingin naman ako sa kaniya na siyang nakatingin lang kay Ethan ng kakaiba habang siya ay naglalakad palayo. Napatingin muli ako kay Ethan na kasalukuyan nakayuko sa aking mga kamay.
“No, kakausapin ko muna si Ethan,” biglang sambit ng babae . Ngunit agad naman siyang hinawakan ng mahigpit ni Kate at sabay hinatak ito papasunod kay sir. Napahinga na lang ako ng malalimmat muling tinignan si Ethan upang tignan kung ank ang kalagayan niya.
“Hey it’s fine, okay,” sambit ko sa kaniya, “kung may masakit sayo, ayos lang iyan.” Nagulat naman ako ng bigla siyang umayos sa pagkakaupo sabay hinawakan ang aking ulo at tinapik-tapik ng mahina. Napahinto ako dahil sa kaniyang ginawa kaya napatitig ako sa kaniya na kasalukuyang nakatingin sa akin at napangiti. Bigla naman akong nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa mga nangyayari ngayon.
“Salamat,” bulong niyang sambit. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit dahilan upang mapangiti ako ng onti at napayakap narin sa kaniya.
“Ethan let’s go, kailangan mong pumunta sa Clinic,” seryosong sabi nang kaniyang kaibigan. Bigla naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin sabay napatingin sa kaibigan niya.
“Tara na Ethan,” sambit nitong muli. Napatango-tango naman si Ethan sabay napatingin sa akin. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinawakan sa aking kamay. Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang ginawang paghawak sa akin. Napangiti naman siya sa akin sabay hinatak ako kasama nila patungo sa clinic. Wala na din akomg nagawa kung hind sumunod sa kanila patungo doon.
Pagdating namin sa clinic, agad kaming sinalubong ng isang nurse sabay tinignan ang kalagayan ni Ethan.
“Matagal na ba itong nangyayari sa’yo Ethan?” tanong ng nurse sa kaniya. Napatango naman si Ethan sa kaniya bilang sagot sa kaniyang tanong. Napatayo naman ang nurse sa kaniyang inuupuan sabay kumuha nang gamot sa medicine box at ibinigay ito kay Ethan. Kinuha naman ito ni Ethan sabay ininom ito.
Matapos inumin ang gamot napahinga siya ng malalim at napapikit. Lumapit naman ang nurse sa amin sabay tinignan ng seryoso si Ethan.
“Hey Ethan better kung umuwi ka na okay. Sasabihin ko nalang sa teachers mo dito ang nangyari,” wika nito, “by the way natawagan mo na ba ang Kuya Felix mo? Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko eh,” saad nito sa kaniya. Napatingin naman si Ethan sa kaniya sabay umiling-iling.
“Ate Melisa hindi ko pa siya natatawagan pero balak kong pumunta sa bahay mamaya ang sabi daw may sasabihin daw si Kuya sa amin,” saad ni Ethan habang nakapikit. Napatango-tango naman ang nurse sa kaniya sabay napangiti.
“Sige na Ethan umuwi ka na kailangan mong magpahinga,” saad nito sa kaniya. Napatayo naman si Ethan sabay hawak sa aking kamay. Napatingin naman ako sa kaniya ng nagtataka dahil sa kaniyang ginawa.
Napangiti naman siya sa akin dahilan kung bakit ako mapalunok dahil sa biglang pagbilis muli ng pagtibok ng aking puso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya sabay napabaling ng tingin sa nurse na kasalukuyang nakatingin sa amin at nakangiti.
Kumaway naman sa amin ang nurse na siyang sumisimbolo ng kaniyang pagbating paalam sa amin. Napatayo naman ako sa aking pagkakaupo at sumunod kay Ethan na naglakad palabas ng clinic.
Habang naglalakad naman kami.palabas ng school bigla kong hinawakan ang kaniyang kamay na kasalukuyang nakahawak sa kabilang kamay ko. Napahinto naman siya dahil sa aking ginawa sabay napatingin sa akin.
“Uhm Ethan hanggang dito nalang siguro ako, may pasok pa ako eh,” saad ko sa kaniya sabay yuko ko. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ang aking baba sabay inangat ito upang mapatingin ako sa kaniya.
“Pwede ba kahit ngayon lang samahan mo muna ako? Please,” sambit niya sa akin. Nanlaki naman ang aking mata dahil sa kaniyang pagmamakaawa sa akin. Napalapit naman sa amin ang kaniyang kaibigan sabay nagsalita.
“Uhm Ericka, right?” tanong nito sa akin. Napatango-tango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
“Listen, kailangan ka ngayon ni Ethan dahil sa’yo lang kumakalma yung sensitive niyang pang-amoy. Kaya kung pwede ba samahan mom una siya kahit na kakakilala ninyo palang ngyaon. Don’t worry wala naman gagawin sayong masama si Ethan,” sambit niya sa akin. Napayuko na lang ako sabay napakagat sa aking mga labi.
Dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan ay unti-unting bumalik sa akin ang mga pangyayaring nangyari sa pagitan namin ni Ethan dahilan upang hindi ako makalapit sa kaniya ngayon. Napalunok na lang ako sabay napahinga ng malalim bago napatingin sa kanilang dalawa.
“Okay fine sasamahan ko na kayo,” saad ko sa kanila. Napangiti naman si Etgan dahil sa aking sinabi sabay tinignan ang magkahawak naming kamay habang nakangiti. Napangiti na lang ako dahil sa nakita kong kasiyahan sa kaniyang mga mata. Dali-dali naman kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Pagdating namin sa sa parking lot, Agad binuksan ni Ethan ang pintuan sa likuran ng sasakyan at sabay pinapasok ako sa loob. Pagpasok ko sa loob agad siyang sumunod sabay sinarado ang pintuan. Napakunit na lang ang aking noo ng makita ko siyang umupo sa aking tabi.
“What are you doing here?” tanong ko sa kaniya. Ngunit hindi naman niya ako sinagot sabay lumapit lang sa akin at sinandal ang kaniyang ulo malapit sa aking leeg. Bigla ko namang nakaramdam ang pag-init ng mukha ko dahil sa ginawa niyang ito.
“You know nakakahele yung amoy mo. It’s so sweet.” Napalunok na lang ako bigla dahil sa kakaibang naramdaman ko dahil sa kaniyang sinabi.
“Hey Ethan, pwede bang wag kang masyadong clingy hindi na komportable si Ericka sa ginagawa mo,” saad ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Ngunit sa halip na making si Ethan sa kaniya ay bigla niyang pinalupot ang kaniyang kamay sa aking bewang at mas lalo pang idinikit ang kaniyang katawan saakin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Ngunit hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil bawat galaw na aking ginagawa ay may kakaibang reaksyon ng aking katawan. Napahinga na lang ako ng malalim upang pagaanin ang aking nararamdaman.
Bigla namang tumindig ang aking balahibo ng bigla kong maramdaman ang kaniyang mainit na hininga saaking leeg.
“You know I’m so thankful na nakilala kita Ericka. Napakagaan ng loob ko sa’yo,” bulong niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi saakin.
Napatingin naman ako sa kaniya at laking gulat ko na makita ang malapit niyang muka na malapit saakin. Dahan-dahan naman niyang binuksan ang kaniyang mga mata at tinignan ang aking mga mata na para bang iniinspeksiyon ito.
Napatingin naman ako sa kaniyang mga labi na para bang nang-aakit na halikan ko siya kaya agad akong umiwas ng tingin dito upang hindi na makaisip pa ng kung ano-anong mga bagay. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sa aking tenga sabay napabulong sa akin.
“Masaya ka ba sa nakita mo? Pwede ko naman idikit sa mga labi mo ito,” pang-aakit niyang sabi sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa gulat ko sa kaniyang sinabi, siya naman ay napalayo sa akin sabay ngumiti.
“Finally, I found you again,” wika niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig kong sabi niya.