Ericka’s Point of View
Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi saakin.
“Uhm, anong sinasabi mo Ethan hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi mo,” saad ko sa kaniya sabay kamot sa aking ulo. Nagulat naman ako ng bigla kong maramdaman ang kaniyang ulo sa aking balikat. Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa. Napalunok naman ako sabay napatingin sa rear mirror upang makita ko ang mukha ni Ethan at nakita ko dito ang kaniyang mukha na masayang-masaya habang nakapikit.
Napatingin naman ako sa bintana upang makaiwas sa kaniyang ginagawa at maiwasan din ang aking nararamdaman dahil sa mga ganoong bagay. Napapikit na lang ako at napahinga upang mabalanse ang aking nararadaman sa gitna ng mga nangyayari.
A moment later…
Napatingin ako sa labas ng sasakyan ng maramdaman ko itong huminto. Napatingin ako sa buong paligid at nakita ko ang malinis at maaliwalas na buong kapaligiran isama mo pa ang malaking bahay. Bigla naman akong napatingin kay Ethan na siyang hinawakan ang aking kamay.
“Hey Ethan, are you okay?” tanong ko sa kaniya. Napailing-iling sabay idinikit ang kaniyang noo sa aking balikat. Nararamdaman ko naman ang onti-onting higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay na siyang aking pinag-alala.
“Ethan andito na tayo,” saad nang kaniyang kaibigan. Tumango-tango lang si Ethan habang siya ay nakayuko upang sumang-ayon sa sinabi sa kaniya. Agad naman lumabas ng sasakyan ang kaniyang kaibigan sabay umikot patugo sa pintuan na katabi ko at sabay binuksan ito.
Nginitian ko naman siya dahil sa kaniyang ginawa at lumabas nang sasakyan. Paglabas ko ng sasakyan nakita ko ang tatlong tao na lumabas ng pintuan ng kanilang bahay. Napahinto naman ako ng bigla akong makaramdam ng mahigpit na yakap mula saaking likuran.
Nagulat na lang ako ng biglang naglakad papalapit sa amin ang mga tao na iyon habang tinitignan si Ethan na kasalukuyang tinitignan si Ethan na nasa aking likuran. Hindi ko naman alam ang aking gagawin dahil kakaiba ang mga tingin nila sa akin na dahilan upang mas kabahan ako. Napatapik-tapik ako sa kamay ni Ethan kuhain ang kaniyang atensyon dahil hindi naman niya nakikita ang mga tao na nasa aming harapan.
“Ethan, may taong nakatingin sa atin,” bulong ko sa kaniya. Bigla namang ngumiti ang batang lalaki dahil sa nakikita niya at lumapit sa aming dalawa ni Ethan. Sumunod naman sa kaniya ang babae na kita sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
“Good afternoon po Tita, Tito,” saad nang kaibigan ni Ethan sa dalawa. Agad naman nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon ko lamang napagtanto na mga magulang pala ni Ethan ang dalawa. Bigla ko naman kinakalas ang kamay ni Ethan na nakakapit sa akin dahil hindi pa din matanggal ang tingin sa akin ng mga magulang niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang kaniyang hawak sa akin.
Napangiti naman ako sa kanila habang tinatapik si Ethan.
“Ethan your Mom and Dad is here,” bulong ko sa kaniya habang patuloy na nakatingin sa kanila at pinipilit na ngumingiti. Napangiti naman sila sa akin at mukhang tuwang-tuwa pa sa kanilang nakikita.
“I never thought na magdadala si Kuya ng girlfriend dito sa bahay,” ngiting saad ng batang lalaki. Agad naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba dahil sa sinabi niya.
“Ano’ng nangyari kay Ethan?” tanong ng kaniyang ina.
“Uhm Tita, Tito nagkaproblema po kasi si Ethan, kanina kasi may nangyari kay Ethan na nakapag-trigger sa ilong niya kaya andito po kami ngayon,” sambit ng kaibigan ni Ethan, “by the way po ito po si Ericka, siya yung tumulong kay Ethan para mahimasmasan yung pananakit na nararamdaman ni Ethan kanina.” Napahinga naman ng malalim ang kaniyang ina sabay bumaling ng tingin sa akin at nginitian ako.
“Thank you pala, Ericka sa tulong mo,” saad ng kaniyang Ina sa akin. Napangiti na lang ako bilang pasasalamat sa kanila.
“By the way Ija, ayos ka lang ba sa posisyon na iyan?” seryosong tanong sa akin ng kaniyang Ama. Agad naman akong tumingin sa kaniya at sabay tumango-tango bilang pagsang-ayon sa kaniya. Ngunit sa loob-loob ko mayroon na akong nararamdaman na kakaibang init dahil sa magaan na paghawak ni Ethan saakin bewang.
“I guess we need to go inside para makapagpahinga na si Ethan,” saad nito sa amin. Ngumiti naman ako sa kanila at sabay tumango-tango upang sumang-ayon sa kanila. Bigla namang tinanggal ni Ethan ang mahigpit niyang pagyakap sa akin at sabay hinawakan ang kamay ko.
“Let’s go inside,” seryoso niyang saad sa akin. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinatak papasok sa loob ng kanilang bahay at hindi pinansin ang kaniyang mga magulang.
Pagpasok sa loob nang bahay agad akong nagulat ng makita ko ang dalawang lalaki na nakaupo sa upuan at sabay tumingin sa aming dalawa ni Ethan. Agad naman akong napatingin kay Ethan dahil sa nangyayari sa loob ng kanilang bahay. Nakita ko naman ang galit na expression ni Ethan habang tinitignan ang dalawa na nakatingin saamin.
“Tsk, I didn’t know that both of you are now here at our house,” Bulong na saad ni Ethan sa kanila. Bigla naman hinawakan nang mahigpit ni Ethan ang aking kamay sabay hatak sa akin pa akyat sa hagdan. Hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari ngunit patuloy lang ako na sumunod sa kaniya hanggang sa makaabot kami sa loob ng kuwarto.
Napalunok na lang ako at tila hindi alam ang gagawin dahil sa mga nanyayari. Napahinga nang malalim si Ethan sabay napaupo sa kaniyang kama habang napahawak sa kaniyang ulo.
“I’m sorry Ericka you need to see all of those things,” wika niya saakin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay umiling-iling dahil sa kaiyang sinabi.
“No, it’s fine, gusto mo ba muna magpahinga?” tanong ko sa kaniya, “lalabas muna ako para makapagpahinga ka na,” wika ko sa kaniya. Matapos noon ay agad akong naglakad palabas nang kaniyang kuwarto upang makapagpahinga siya, ngunit bago pa ako makalabas agad niya akong hinawakan sa aking kamay. Napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung ano ang kaniyang ginagawa.
“What’s the problem?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Agad naman siyang napayuko sabay hinatak ako papalapit sa kaniya. Nanlaki naman aking mga mata dahil sa ginawa niya.
“Please don’t leave like you did earlier at the hotel,” he said. Napatigil naman ako ng aking marinig ang bagay na iyon, “promise I will not do anything, just stay.” Napalunok na lang ako dahil sa aking mga narinig sa kaniya ngunit imbis na matakot ako dahil sa aking narinig ay hindi ko namalayan na niyakap ko na pala siya pabalik.
“Okay fine,” saad ko sa kaniya. Bigla naman siyang bumitaw sa kaniyang pagkakayakap saakin at sabay tumingin sa akin at ngumiti. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hatakit papalapit sa couch at doon pinaupo pagkatapos noon ay humiga siya at ginawang unan ang aking binti.
Nagulat naman ako dahil sa kaniyang ginawa ngunit hindi ko na siya napigilan dahil andoon na siya nakahiga sa akin. Napakamot na lang ako sa aking ulo sabay napahinga ng malalim dahil sa kaniyang ginawa.
“Hey Ericka, meron akong tanong?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya upang alamin kung ano ang tanong niya sa akin.
“What is it?” tanong ko sa kanya.
“Kaninang umaga sa hotel, bakit hindi ka nagpakilala sa akin?” seryoso niyang tanong. Napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kaniyang tanong.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi naman ako yung babaeng sinasabi mo eh,” tanggi kong sab isa kaniya sabay napakamot sa aking pisnge. Nagulat naman ako ng bigla nya akong hinawakan sabay hinatak papalapit sa kaniya dahilan upang magkatinginan kaming dalawa.
“I know ikaw iyong babaeng iyon kaninang umaga. Your scent are very identical, especially your waist and-“ saad niya sa akin. Agad ko naman hinarangan ang kaniyang bibig dahil hindi ko alam kung hanggang kailang ko makakayanan ang kaniyang mga sasabihin.
“Okay fine, ako nga iyon,” sambit ko sa kaniya, “by the way sorry pala kagabi dahil sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya. Lasing lang talaga ako kagabi,” wika ko sa kaniya. Nagulat naman ako ng bigla niya lang akong tinitigan ng seryoso at nararamdaman ko sa aking kamay ang kaniyang mga labi na unti-unti na ngumingiti. Bigla ko namang tinanggal ang aking kamay ng bigla siyang napahagikhik.
“Anong nakakatawa?” tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling-iling at sabay tumingin sa akin.
“No, wala namang nakakatawa. Hindi ko alam na ganon ka pala katapang para yayain ako kagabi?” saad niya saakin. Agad naman akong napaiwas sa kaniyang mga tingin dahil sa kaba at kahihiyan na aking nararamdaman.
“You know Ericka, you’re very different,” seryoso niyang saad saakin. Agad naman akong tumingin sa kaniya na nagtataka dahil sa kaniyang sinabi.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” tanong ko sa kaniya.
“Wala, kasi ang gaan ng loob ko sa’yo kahit kagabi, pwede naman akong umayaw pero hindi ko ginawa.” Saad niya saakin.
“By the way Ethan, kagabi sa bar. Actually, kaya talaga ako lumapit sa iyo dahil naaawa ako sa’yo. By the way ayos ka lang ba talaga Ethan?” tanong ko sa kaniya. Agad naman niyang hinawakan ang aking buhok at sabay pinaikot-ikot ito sa kaniyang daliri.
“Tinatanong mo kung ayos na ako? Maybe yes or maybe, no? Hindi ko na din alam yung nararamdaman ko,” saad lang niya sa akin. “Did you experienced it like you love someone at yung taong iyon sobra mong pinagkakatiwalaan. But in the end iiwan ka din niya,” saad niya saakin. Agad naman akong napahinga ng malalim at sabay napasandal sa upuan at napapikit.
“Siguro nga mahirap yung nararamdaman mo, pero lahat ng sinabi mo hindi ko pa nararanasan. Well, meron kasing isang lalaki na pinipilit ang pamilya ko na ipakasal saakin. Kaya siguro napilitan akong makipag s*x sa’yo kagabi dahil sa problema at sa takot na dadating ang araw na hindi ko na makokontrol ang buhay ko dahil komtrolado na nila to,” saad ko sa kaniya. Agad naman siyang bumangon galing sa pagkakahiga saaking binti at sabay tumingin lang saakin.
Agad naman akong tumingin sa kaniya dahil sa pagtataka. Seryoso lang niya akong tinitignan hanggang sa biglaan siyang lumapit saakin at binigyan ako ng isang halik.
Nanlaki naman ang aking mga mata at sabay napahawak sa kaniyang balikat upang ilayo siya saakin. Ngunit kahit anong gawin kong tulak ay hindi ko magawa, dahil sa bawat diin ng mga halik niya saakin nakakaramdam ako ng panghihina saaking katawan.
Agad niyang kinagat ang aking labi dahilan upang mapauwang ang aking bibig dahil sa sakit dahil sa kaniyang pagkakagat dito. Bigla naman niyang pinasok ang kaniyang labi sa loob ng aking bibig at sabay pinaikot-ikot ito sa loob. Napapapikit na lang ako sabay tinulak siya upang kumuha ng hangin.
Agad naman akong napahawak sa aking bibig at napatingin sa kaniya. Walang sabi-sabi agad akong tumayo at naglakad papalabas nang kaniyang kuwarto. Ngunit agad naman akong napahinto dahil sa sinabi niya saakin.
“If you want to, I can help you para hindi ka na lapitan ng lalaking iyon,” saad niya sa akin. Agad naman akong napapikit at sabay hinawakan ang doorknob niya at agad pinihit ito upang makalabas sa loob ng kaniyang kuwarto.