Episode 14

1613 Words
  Ericka’s Point of View   Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi saakin.     “What did you say?” gulong tanong ko sa kaniya. Agad naman tumayo si Kuya sa kaniyang upuan at sabay kinuha ang plato na kaniyang ginamit at sabay lumakad papalapit sa lababo upang ilagay doon ang mga ito bago siya humarap saakin.     “Isa sa mga kalaban ng pamilya natin ang mga Domingo. Maybe you don’t know that because you didn’t care about our business but yes you heard it right kalaban natin ang mga Domingo.” Seryosong saad ni kuya. Agad naman akong napayuko at sabay napapikit dahil sa kaniyang sinabi saakin.     “Alam ko ang mga nangyari kahapon sa university m Ericka dahil ang sabi nila Mom and Dad saakin na meron nagababantay sayong tao doon so mag-ingat ka. I know wala ka namang paki if ever na malaman nila Mom ang mga bagay na iyon Ericka but let me tell you this, sa ayaw mo o sa hindi pipilitin nila Mom na sumunod ka sa gusto nila.” Seryoso niyang sabi saakin. Agad naman akong napatayo sa aking inuupuan at sabay napatingin kay Kuya ng seryoso.     “Are you going to tell this to our parents?” seryoso kong tanong sa kaniya. Agad naman siyang tumingin saakin at sabay ngumiti.     “Kailan ko ba sinabi kila Mom ang mga kabalastugan mo. I’m just warning you but I never tell anything to them.” Saad niya saakin. Agad naman akong napahinga ng malalim at sabay tumingin sa kaniya at ngumiti.     “Let me handle this. Trust me on this one.” Saad ko sa kaniya sabay kuha ng aking pinagkainan at inilagay ito sa lababo bago naglakad papaakyat sa aking kuwarto upang kunin ang aking gamit.     Pag-akyat ko doon agad akong napahinto at napaupo nalang sa lapag dahil sa mga nalaman ko. I’m ready to help you Ethan, but maybe I can’t do it now. Kailangan ko makapagtapos para makalaya na ako sa pamilyang to. Sa oras na malaman nila ang nangyari saatin sigurado ako na i-pa-pa-drop out agad nila ako sa university at ikukulong nalang sa bahay.   Napahinga ako ng malalim at sabay napatayo at naglakad papalapit sa bintana ng aking kuwarto. Agad akong napatingin sa labas at pinagmasdan lang ang mga puno na sumasayaw dahil sa lakas ng hangin. Agad akong napahinga ng malalim at sabay napaisip.     Maybe you can do it for yourself Ethan. Siguro hindi ako ang tamang tao na tutulong sa iyo para sa kondisyon mo.     Agad kong kinuha ang aking bag at sabay lumabas ng aking kuwarto at nagmadali na lumabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay, agad akong pumunta sa sasakyan ni Kuya at doon sumakay.     “Let’s go.” Saad niya saakin. Agad naman akong tumango sa kaniya at sabay umupo sa upuan at isinarado ang sasakyan.     Habang nasa biyahe kaming dalawa, hindi mawala-wala ang mabigat na tensyon dahil sa mga sinabi ni Kuya saakin kanina. Kahit na anong gawin kong iwas ay hindi parin matanggal ang mga bagay na iyon saaking isipan.     “By the way Ericka alam mo ba na two weeks from now ay mamanhikan na si Lester saatin.” Seryosong sabi ni Kuya. Agad naman nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya at sabay napatingin sa kaniya.     “What? Bakit naman nagmamadali. Akala ko ba next year pa?” natetensyon ko na tanong sa kaniya. Agad naman siyang nagkibit balikat bilang sagot saaking katanungan.     “Ang sabi kasi ni Mom sakin sa cellphone kanina, gusto na daw magpakasal ni Lester sa iyo. Ang sabi naman ni Mom masyado pang maaga para sa kasal dahil nag-aaral ka pa, pwedeng makaapekto sap ag-aaral mo iyon at sa social life mo but he said to Mom okay lang naman daw sa kaniya na mag-aral ka pagkatapos ng kasal.” Saad ni Kuya saakin. Agad naman napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya sakin.     “Anong sabi ni Dad about sa sinabi ni Lester sa kanila?” mahinahon kong tanong sa kaniya. Agad naman huminga ng malalim si Kuya at nanatiling tumingin sa kaniyang dinadaanan.     “Ang sabi ni Mom pumayag daw si Dad sa sinabi ni Lester, mas maganda daw iyon at mas mapapaaga ang pagpirma nila ng kontrata para maging mag-business partners na ang pamilya natin.” Seryoso niyang sabi. Agad naman akong napapikit at sabay napatikom ang aking kamao dahil sa galit na aking nararamdaman. Agad akong napatawa ng malakas at sabay napahawak sa aking noo.     “Seryoso pala talaga sila doon. So hindi niya sinunod yung sinabi ko sa kaniya. I said to him na magpapaksal ako pagkatapos kong mag-aral andoon pa si Mom nung sinabi ko iyon nakakatuwa dahil pumayag siya. But now anong nangyari? He broke his promise, two years, two years nalang naman ang iintayin nila para doon diba bakit hindi pa sila makapag-intay.” Saad ko sa kaniya sabay napahawak saaking mga mata upang hindi tumuloy na tumulo ang aking mga luha saking mga mata.     “Tinanong ko si Dad kanina kung alam mo na ba ang kasunduan nilang dalawa ni Lester but he said to me na alam mo na daw. Ang sabi saakin ni Dad, pumayag siya sa gusto mo noon but nung nalaman nya na after you graduate ay balak mo ng umalis sa pamilya natin doon nagbago ang pananaw niya.” Saad saakin ni Kuya. Agad naman akong napangiti at sabay umiling-iling.     “Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko pagkatapos ng mga nalaman ko ngayon. Pakiramdam ko wala na akong kawala.” Saad ko kay Kuya. Agad naman akong hinawakan ni Kuya saaking balikat sabay tinapik-tapik niya ito.     “Alam mo naman na nasa-side mo ako diba. Now I’m telling you this. If you know how to call that marriage off then do it. Kung may alam ka na paraan para mapabago ang isip nila then do it.” Saad ni Kuya saakin. Agad naman akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya sakin.     “Why are you telling me that? Alam ko na lagi mo lang ako binibigyan ng mga paalala ahh pero bat ngayon nag-iba na?” tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang tumingin saakin at sabay ngumiti.     “Kasi nakikita ko na nasasaktan na ang kapatid ko. Though ganito den ang mararamdaman nila Mom at Dad pag nakita ka nilang umiiyak but still they have a reasons para gawin iyon. Pero hindi mo pa maiintindihan ngayon iyon dahil sa galit na hawak-hawak mo ngayon kaya sinasabi ko na sa’yo ito para ikaw na mismo ang humanap sa sarili mo kung ano ang rason nila.” Saad niya saakin. Agad naman akong napatingin sa labas ng kaniyang sasakyan.   “Thank you.” Mahinang saad ko. Agad namang napatulo ang aking luha sa aking mga mata matapos sabihin ang mga bagay na iyon kay Kuya Jameson.     “You know sa totoo lang you are my bestfriend back then diba. Kahit na seven years ang agwat natin sa isa’t isa gustong-gusto mo akong laging kalaro. Remember when I was weak back then ikaw laging umaaway sa kanila kahit na ang liit-liit mo at sakitin ka.” Natatawang sabi niya saakin. Agad naman akong napangiti ng marinig ko ang sinasabi saakin ni Kuya.     “So bakit hindi naman natin baliktarin ngayon diba. Ako naman ang maging shield mo sa kanila. You said you want to leave to our family, right? Then do it, just tell me if you need my help.” Saad niya saakin. Agad naman akong tumingin sa kaniya sabay ngumiti.       “Thanks, Kuya Jameson.” Saad ko sa kaniya. Agad naman siyang ngumiti saakin at sabay nagpatuloy sa kaiyang pagmamaneho.     Thanks to him, though I suffer because I being part of this family, he always guides me what to do. I want to find my own dreams, but they always said to me that I am one of the holders of our family’s business that’s why I need to work hard for me to achieve what my family’s legacy and continue it for the next decades. But for me that is not the dream that I want to. I have a dream that someday if I achieve it, I will be happy but they don’t listen to what I feel.     Napahinga ako ng malalim at sabay napasandal sa upuan at napapikit. This day was so tiring, hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi ng lakas sa mga naririnig kong balita about sa kanila.     “Hey Ericka, malapit na tayo sa university, wag ka ng matulog diyan.” Saad niya saakin. Agad naman akong umayos ng upo at sabay nag-inat-inat.     “Remember what I said to you earlier Ericka na wag kang lalapit kay Ethan Domingo kung maaari, kung gusto mo talaga na makaalis sa pamilya natin.” Paalala saakin ni Kuya. Agad akong tumingin sa kaniya sabay tumango-tango bilang pagsang-ayon sa kaniya. Agad inihinto ni Kuya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng aming university.     Agad kong kinuha ang aking gamit sa likod at sabay tinanggal ang aking seatbelt bago buksan ang pintuan para lumabas.     “Kuya mauuna na ako.” Saad ko sa kaniya. Tumango-tango si Kuya saakin sinabi sabay nagpaalam. Agad kong sinarado ang pintuan ng kaniyang sasakyan upang siya ay makaalis na.     Tinignan ko muna na makalayo ang sasakyan ni Kuya bago ako maglakad papasok sa university. Ngunit bago ako ako makalakad agad naman akong napahinto dahil sa isang lalaki na biglang nagsalita mula sa likuran ko.     “Ericka, can we talk?” he asked me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD