Naglagay ng tubig sa baso si Anthony atsaka niya inilapag sa tabi ni Mia pagkatapos ay humila siya ng silya at naupo siya sa tabi nito "Sorry dun sa ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa 'yon," aniya patungkol sa ginawa niyang paghalik sa dalaga. Hindi umiimik si Mia na noo'y tila walang naririnig na patuloy lang sa pagkain. "Mia," aniya pero hindi pa rin siya nito pinapansin. Aabutin niya sana ang isang braso nito nang biglang tumunog ang cell phone niya. Naiiling na tumayo ang binata atsaka niya sinagot ang tawag. "Doughs, nasan ka na? Bat' ang ingay?" bungad niya.. Nagkakaingay ang pamilya ni Doughs noon habang naghahanda sa pagpunta sa beach. "Boss, baka bukas na ako makauwi,. nagkaayaan sa beach, eh." Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sa beach? Aba't talagang sinulit mo ang kotse ko

