"Manong malayo pa ba tayo?" tanong ni Mia. Ilang minuto na kasing hindi umuusad ang taxi na sinasakyan nila. "Malapit na po sana, Ma'am, kung hindi tayo naipit sa traffic." "Bakit parang hindi naman po yata umuusad?" "Mukhang may aksidente po sa gawing unahan." "Ganun po ba?" Dudungaw sana sa bintana si Mia pero napigilan siya nang iniyakap ni Anthony ang mga kamay sa kanya. Siniko niya ito nang ubod lakas kaya nagising ito. Pupungas-pungas na nag-angat ito ng ulo atsaka ito tumanaw sa labas. "Bakit ako nandito? Ano'ng mayron?" tanong nito. "Mabuti naman at matino ka na. Saan ba banda ang condo mo?" "Condo ko?" kunot ang noong tanong nito. Dumungaw ito sa bintana atsaka nito tinuro ang mataas na building na nasa 'di kalayuan lang. "Ayun, oh." "Sigurado ka? Iyon na?" tanong niya.

