"Pambihira, Boss. Napano 'yang noo mo? Saglit lang akong nawala, naka-confine ka na rin?" ani Doughs nang datnan siya sa ospital. Dalawa na kasi sila ni Mang Mando na nakahiga sa kama. Naupo sa gilid ng kama niya si Doughs atsaka nito inilapag ang bitbit na bag. "Ano ba'ng nangyari sa noo mo, Boss? Ginulpi ka ba ni Mia?" bulong nito sabay tanaw kay Mia na noo'y nakaupo naman malapit sa kama ng ama. Napabuga ng hangin si Anthony. "Nalasing ako, eh," nangingiting sagot niya. "Bakit ka ba kasi nagsolo? Hindi mo man lang ako hinintay," ani Doughs. Sumulyap si Anthony kay Mia, abala na ito sa pag-aasikaso sa ama. Bahagyang inilapit ni Doughs ang mukha sa kanya. "Binasted ka ba?" bulong nito. Napalingon siya kay Doughs atsaka siya bahagyang tumango. "Ouch!" walang tinig na sabi ni Doug

