Chapter 5- Utang na Loob

1429 Words
Biglang natigilan si Anthony nang mabungaran niya sa sala ang amang si Don Anselmo, sa susunod na linggo pa kasi ang inaasahan niyang balik nito mula sa Shanghai. Hawak ang baso ng wine matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. Hahalik sana siya sa pisngi ng ama pero isang mariing sapak ang inabot niya na nagpabiling sa mukha niya. Sa totoo lang, wala nang bago roon, nakalakihan na niya ang ganung ugali ng ama. "Ano 'tong nabalitaan ko na sinisante mo raw ang lahat ng escort sa bar? Ginawa mo na palang disente ang bar nang hindi ka man lang kumukunsulta sa akin. Ang lakas ng loob mong sawayin ako!" namumula ang mukhang sigaw nito. Kalmadong tinuyo ni Anthony ang dugo sa gilid ng labi niya bago siya tumingin sa ama.. "Pa, hindi ba pinamahala mo na sa akin 'yon? Binago ko lang naman ang ilang patakaran, ah? Hindi ko naman binago ang pangalan ng bar. Ginawa ko lang naman iyong disente para iwas huli na rin. Ilang buwan na rin tayong pinag-iinitan ng mga pulis," katwiran niya. "Kahit na! Pinamahala ko lang sa’yo 'yon. Hindi ko sinabing baguhin mo ang patakaran ko!” Napabuga ng hangin ang binata sabay napatango. Sino nga ba naman siya para magdesisyon sa mga ari-arian ng ama niya. Hindi naman siya nito tunay na anak. Napulot lang naman siya nito noon sa harapan ng gate ng bahay nito. Kwento ni Don Anselmo sa kanya, sanggol palang siya nang mapulot nito. Pero hindi na nito nabanggit sa kanya kung inayos ba nito ang mga papeles niya para maging legal ang pag-ampon nito sa kanya. Basta ang alam niya lang, may malaking utang na loob siya na kailangan niyang tanawin sa kanyang kinikilalang ama. Kaya halos araw-araw niyang tinitiniis ang masamang trato nito sa kanya.. "I'm sorry, Pa!" tanging nasambit ni Anthony. Aakyat na sana siya sa kwarto nang muling magsalita si Don Anselmo. "Kilala mo ba kung kanino anak ang ginulpi mo kanina sa bar?" Napatigil siya sa paglalakad. Hindi na siya nagulat na agad na nakarating sa matanda ang balita dahil alam naman niyang loyal pa rin sa ama niya si Dindo. Bumuga muna siya nang hangin bago siya muling humarap. “Kanino po?” "Kay Mayor! Iyon ang balikbayang anak niya. Tumawag siya sa akin kanina, galit na galit!" Napailing si Anthony. “Binastos niya ang tao natin sa bar kaya ayos lang 'yon sa kanya." “Hindi ka na dapat nakikialam sa mga ganung bagay. May security sa bar, bakit hindi sila ang pinag-handle mo?” “Mabilis ang pangyayari kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Don’t worry, Pa. Inayos ko na ang lahat sa bar. Legal na ang lahat dun kaya wala na siyang pwedeng maibutas sa atin kung saka-sakali. Siya ang masisira kung magsasampa siya ng kaso. May mga witness tayo at may kuha ng CCTV na magpapatunay na ang anak niya ang gumawa ng gulo.” "Siguraduhin mo lang na tama ‘yang mga pinaggagagawa mo, ha? Kapag nagka-letse-letse ang negosyo natin sa mga katarantudahan mong ‘yan, malilintikan ka sa akin!” mariing sabi nito. Bagsak ang mga balikat na tinalikuran ni Anthony ang ama. Normal na sa kanila ang ganoong komprontasyon. Matigas kasi ang loob ng papa niya, hindi ito marunong tumanggap ng pagkakamali. Wala rin itong puso kung magdesisyon. Kaya ganun na lang din ang pagtataka niya kung bakit siya nito inampon. Pwede naman siya nitong hindi pansinin noon o ‘di kaya’y ipasa sa mga bahay ampunan. Pero pinalaki siya nito, pinag-aral at dinamitan nang maayos Hinubad niya ang suot niyang jacket atsaka niya ibinagsak ang katawan sa kama. Sa pagtitig niya sa kisame, bigla niyang naalala ang eksena kung saan nagdampi ang mga labi nila ni Mia. Parang sira na napangiti ang binata at napahimas sa mga labi. “May boyfriend na kaya siya?” bulong niya. Nangingiting nagpabiling-biling siya sa higaan pero tila ayaw siyang lubayan ng imahe ni Mia. Napaupo siya sa kama atsaka niya mariing hinaplos ang mukha. “Pwede ba, Mia? Tantanan mo ako?” parang sirang sabi niya. "Papa, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Mia nang bumungad siya sa pinto. Naabutan niya kasi si Mang Mando na nakatulala habang nakaupo sa huling baitang ng hagdan. Kagagaling niya lang noong magbayad ng utang sa kapitbahay nilang si Tess. Hindi kumibo si Mang Mando kaya nilapitan niya ito atsaka siya naupo sa tabi nito. "Papa, may problema po ba?" muling tanong niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang mga sandaling 'yon. Batid niyang may pinagdaraanang mabigat ang ama pero ayaw naman nitong sabihin sa kanya. "Ayos lang ako, Anak,” matamlay na sagot ni Mang Mando. Tumayo ito atsaka idinampi ang palad sa ulo niya. Nagtaas siya ng paningin atsaka niya ito tiningnan pero ngumiti lang ito sa kanya. Pagkatapos ay umakyat na ito sa itaas. Naiwan si Mia sa ibaba ng hagdan habang nakatanaw kay Mang Mando. Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano naman kaya ang problema ng papa niya. Pauwi na si Mia mula sa graveyard shift sa pinagtatrabahuhang pabrika nang maparaan siya sa pababang kalsada malapit sa pasugalan. Malayo palang dinig na niya ang pag-ingit ng lalaking ginugulpi ng tatlong lalaki sa loob ng compound. Tanaw na tanaw kasi ang loob ng compound mula sa mataas na bahagi ng kalsada. Sanay na si Mia sa ganoong eksena dahil malimit niyang matiyempuhan ang pambubugbog ng mga ito sa mga taong hindi raw nakakabayad ng utang. "Boss, parang awa niyo na. Pautangain niyo pa ako. Kailangan kong makabawi,” boses ng isang lalaking nagmamakaaawa. "Mando, malaki na ang pagkakautang mo. Hindi pwedeng puro pakiusap na lang!” Namilog ang mga mata ni Mia sa narinig. Biglang kumabog ang dibdib niya at napatigil siya sa paglalakad.Kapangalan kasi ng papa niya ang lalaki. Maingat at dahan-dahan siyang sumilip sa nakaawang na gate. Pero hindi niya makita ang mukha ng lalaking nagmamakaawa. Nakaluhod kasi ito patalikod sa gate habang pinapaikutan ng tatlong lalaki. “Kung ako sa'yo, maghanap-hanap ka na ng perang ipambabayad kay Boss kung ayaw mong pati ang anak mo madamay!" nagbabanta ang tono ng boses ng lalaki sabay tadyak sa lalaki na noo'y napasubsob na sa lapag. Napatingin sa gate ang isa sa nanggugulping lalaki kaya agad na nagkubli ang dalaga. Mabilis siyang lumayo sa gate at nagkubli sa ‘di kalayuan kung saan tanging ang mga daing at ungol na lang ng ginugulping lalaki ang naririnig niya. Ilang saglit pa ang lumipas bago niya natanaw ang isang lalaki na niluluwangan ang pagkakabukas ng gate. Mariin niyang tinakpan ng kamay ang bibig niya nang matanaw niya ang mga ito na akay-akay palabas ang isang lupaypay na lalaki. Habang papalapit nang papalapit ang mga lalaki, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ni Mia. Katulad kasi ng damit na suot ng papa niya ang damit na suot ng lalaking hawak ng mga ito. “Papa!” sigaw niya nang mapagwari niya na ang papa niya nga ang lalaking bitbit ng dalawang lalaki. Itinapon ng mga lalaki si Mang Mando sa labas ng gate. Kumapit pa ang ama niya sa binti ng isang lalaki habang nagmamakaawa. Pero tinadyakan lang ito ng lalaki. Duguan na si Mang Mando nang humandusay sa kalsada pero hindi pa rin ito tinitigilan ng mga lalaki. Patuloy pa rin ang pagtadyak ng mga ito sa ulo ni Mang Mando. Napatakbo si Mia papalapit kay Mang Mando. " ’Wag! Maawa po kayo sa papa ko! Isusumbong ko kayo sa mga pulis!" sigaw niya. Hinarang niya ang dalawang kamay kay Mang Mando para hindi ito malapitan ng mga lalaki. Ngumisi ang isang kulot at maitim na lalaki at akmang sasapakin siya kaya agad siyang napayakap sa ama. Pero hindi naramdaman ni Mia ang pagdampi ng kamay ng lalaki sa kanya kaya unti- unti siyang nag-angat ng ulo. Isang lalaki pala ang pumigil sa kamay ng lalaki na nais manakit sa kanya, si Anthony. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong sumusulpot sa tuwing nalalagay siya sa alanganin. Pinalipit nito ang kamay ng matabang lalaki atsaka nito tinadyakan sa pagitan ng mga hita. Nagtatarang ang lalaki sa sobrang sakit habang ang dalawa naman ay tila naduduwag na yumukod sa binata. Muling binalingan ni Mia ang ama atsaka niya ito niyakap. “Papa, gising!” aniya habang niyuyugyog ang ama. Hindi na umiimik at gumagalaw noon si Mang Mando kaya sobra ang pag-aalala ng dalaga. Umiiyak na bumaling siya kay Anthony. “Pakiusap, tulungan mo kami! Dalhin natin sa ospital ang papa ko!” sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD