"Mia, magkwento ka nga, ano ang nangyari sa inyo ni Boss kagabi? Pinagalitan ka ba niya?" ani Doughs na noo'y bumatak pa ng silya at naupo malapit kay Mia. Kasalukuyan noong pinapalitan ng damit ni Mia ang papa niya. "Hindi naman niya ako masyadong pinagalitan tungkol dun. Nagalit lang siya nung makita niya 'yung kasamahan kong lalaki na gustong sumabay sa akin sa pag:uwi." Napabungisngis si Doughs at napatakip sa bibig. "Nagselos siguro ang loko,," wala sa loob na sabi nito. Napalingon si Mia. "Selos?" kunot ang noong tanong niya. "Ha? Selos ba ang sinabi ko?" kunwa'y tanong ni Doughs. "Bakit naman siya magseselos?" walang emosyong sabi ni Mia habang inaayos ang pagkakahiga ng ama. Biglang napatigil si Anthony na noo'y papasok sana sa loob ng silid. Bahagya siyang nagkubli habang p

