Chapter 24- Hala! Maniningil na kaya si Boss?

1590 Words

"Mia, si Boss?" agad na tanong ni Doughs nang makabalik si Mia sa silid. "H-Hindi ko alam," nauutal na sagot niya. Sumilip si Doughs sa labas. Naglalakad palang palapit si Anthony kaya agad siyang lumabas at sinalubong ang binata. "Ano, Boss? Ayos na ba?" nakangiting bungad niya. Dismayadong umiling ang binata. "Ewan! Mas lalo pa yatang lumabo." Natawa si Doughs. "Ano ba kasing ginagawa mo? Baka naman dinadaan mo sa paspasan?" Pigil ang ngiting tumango ang binata. Namilog ang mga mata ni Doughs. "Hala! Hindi nga? May nangyari ba na hindi ko alam?" "Tsismoso ka rin, noh?" aniya sabay tuldok sa noo ni Doughs. "Uwi na ako. Bibiyahe pa ako mamaya pa-Tacloban." "Tacloban? Ang layo nun, ah. Aano ka naman dun, Boss?" "As usual, may inuutos na naman si Papa, pinasusundo niya sa akin 'yu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD