Ilang araw ang matuling lumipas pero hindi pa rin nagpapakita si Anthony sa kanya. Hanggang isang araw madatnan niya na lang ang isang lalaki at isang babae na nag-aasikaso sa papa niya. Itinuloy pa rin pala ni Anthony ang sinabi nito na kukuha ito nang mag-aalaga sa papa niya. Excited niyang inilibot ang paningin sa buong silid pero wala si Anthony roon. "Excuse me, sino kayo?" tanong niya sa dalawa. Biglang tumigil sa ginagawang pagmamasahe ang lalaki at tumingin sa kanya. "Kayo po ba si Miss Adriano? Ako po si Dondon," anito sabay lahad ng kamay sa kanya. "D-Dondon?" "Ako po'yung kinuhang therapist ni Sir Anthony." Biglang nangislap ang mga mata niya sa narinig. "A-Anthony?" kunwa'y tanong niya. "Yes, Ma'am. Siya naman po si Miss Alice, katuwang ko po siya sa pag-aalaga sa papa

