Kasalukuyang naninigarilyo sa gilid ng hospital si Doughs nang matanaw niyang paparating ang dalawa. Halos lumuwa ang mga nito nang matanaw na magkahawak-kamay ang dalawa. Dali-dali nitong dinildil ang sigarilyo sa gilid ng flower box atsaka ito patakbong sumalubong sa dalawa. "Aba, ano mayroon? Bakit magkadikit 'yang mga kamay niyo?" kantiyaw nito. Napatingin ang dalawa sa mga kamay nila at tila napapasong bigla silang nagbitiw. "Asus! Nakita ko na, eh," nakangising sabi ni Doughs. "Ano, Boss, mamarkahan ko na ba ang monthsary niyo para hindi mo makalimutan?" Natawa si Anthony. "Sira ka talaga!" Muli niyang inabot ang isang kamay ni Mia atsaka niya ito hinila papasok. Naiwan si Doughs na noo'y napangiti na lang. "Ayos!" anito sabay habol sa kanila. "Pa, boyfriend ko po, si Anthony,"

