"Boss, nandito ka rin pala. Tatawagan palang sana kita, eh," sabi ng papalapit na si Gardo. Biglang napaayos ng upo si Anthony. "Bakit? Ano'ng kailangan mo?" Napatingin si Gardo kay Mia. "Kasama mo pala si Miss Beautiful," anito. Alanganing napangiti si Mia. "Ano ba ang atin? Bakit hinahanap mo ako?" ani Anthony na noo'y tumayo na para mailayo si Gardo. "May kailangan tayong pag-usapan, Boss, pinapabisita kasi ng papa mo 'yung area ni Boss Juancho," ani Gardo. Napabuga ng hangin si Anthony. "Sige baba ka na, susunod na lang ako," aniya. Nang tumalikod si Gardo, muli siyang naupo paharap kay Mia. "Hindi ka pa sumasagot sa tanong ko, may chance ba ako? " muli niyang tanong. Napangiti si Mia. "Sige na, kausapin mo na lang muna sila, mamaya na lang tayo mag-usap pag-uwi." "Hintayin m

