"Mia, okay ka lang?" ani Lina sabay siko sa kanya. Umaapaw na kasi ang mango float na isinasalin niya sa plastic cup. "Ha?" Lumingon muna sa likod si Lina bago ito ngumuso pababa, napatingin siya sa ginagawa na noo'y apaw na apaw na. "Sh*t!" sambit niya. Natatarantang ibinaba niya ang blender atsaka siya kumuha ng pamunas. Pero huli na ang lahat, dumiretso na kasi ito pababa at umabot na sa sahig. "Ano na naman 'yan, Mia?" sita ni Patrick nang maabutan siyang nagpupunas. Bahagya pa itong napaurong nang maapakan ang basang sahig. "Ano na naman 'yang ginawa mo? Bakit naglalamira dito?" singhal nito sa kanya. "S-Sorry po, Sir," nakayukong sabi niya. "Sorry? Puro ka na lang sorry! Hanggang ngayon ba naman nag-a-adjust ka pa--" Biglang natigilan si Patrick. Noon palang niya napansin si A

