Naputol ang mainit nilang titigan nang biglang tumunog ang cell phone ni Anthony. Kapwa sila nagulat. Agad na umiwas ng tingin si Mia habang si Anthony naman ay napatayo para sagutin ang tawag. "Doughs, ano ba?!" angil ng binata. "Mainit ang ulo? Nabitin?" kantiyaw ni Doughs. "Bwisit ka talaga! Ano ba ang kailangan mo?" "Hindi ka talaga nakikinig sa payo ko, 'no, Boss? May ginagawa kayo, no?" "Gago! Bakit ka ba tumawag?" "Iyon na nga, Boss. Paaalalahanan lang sana kita, hinay-hinay lang." "Baliw!" nangingiting sabi niya atsaka niya ibinaba ang phone. "Ano'ng sabi ni Kuya Doughs?" tanong ng dalaga nang muli siyang maupo sa tabi nito. "Wala! Nambubwisit lang," natatawang sabi niya. Napangiti lang si Mia. Saglit na namayani ang katahimikan bago muling nagsalita ang dalaga. "Aka

