Kumakain noon sa canteen si Jayson, ang nakababatang kapatid ng namatay na kaibigan ni Anthony na si Jen, nang tabihan ito ni Tootsie. "Hindi ba ikaw 'yung kapatid ni Jen?" nakangiting tanong nito. Napangiti si Jason. "Kilala niyo po ang ate ko?" "Oo naman.Lagi ko siyang nakikitang kasama ni Anthony noon. Nandun din ako sa resort noong gabi bago siya mamatay. Hindi nga ako makapaniwala sa nangyari sa kanya. Ang saya-saya pa nila ni Anthony nang iwan ko sila. Naikwento sa akin ng isang kasambahay, nang gabi raw na 'yon, may pinagtalunan ang dalawa. Pero hindi nila pinansin kasi akala nila away mag-jowa lang. Kaya nagulat din sila nang nakita nila na nakasabit si Jen sa balcony kinabukasan. Kung alam ko lang na magkakaganun, hindi na sana ako umuwi nang gabing iyon, 'di sana napigilan ko p

