Napatayo si Doughs sa kinauupuang bench sa gilid ng ospital nang matanaw niyang paparating si Mia. "Mia, ba't nandito ka? Wala ka bang pasok?" tanong niya nang salubungin niya ito. Hindi umimik si Mia na noo'y nilampasan lang siya. Hinablot niya ang kamay ng dalaga kaya napatigil ito. "May problema ba kayo ni Boss?" tanong niya. Malungkot ang mukha na tumango si Mia. "Nagwala siya sa opisina kanina na parang ibang tao. Galit na galit siya sa lalaking kausap niya." "Maupo ka nga muna rito," aniya nang hilahin niya ito papunta sa bench. "Natatakot ka na naman ba sa kanya?" Napatingin sa kanya si Mia atsaka ito tumango. "Mia, hindi ka dapat matakot sa kanya. Mabait si Boss. Baka kulang ang eksenang naubutan mo, hindi basta-basta nagwawala nang ganun si Boss kung walang matinding dahi

