University 58

2539 Words
Unang umatake si Athena ngunit labis ang gulat nito nang bigla na lang na wala si Forrest sa kaniyang harapan. Doon ko lang na pansin na nasa likod na pala ito ni Athena at handa na itong aatakihin ngunit bigla na lang umiwas si Athena at lumipad sa ere. Mukhang effective nga ang ginawa ni Athena dahil hindi umaatras sa pakikipaglaban itong si Forrest ah.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Unti-unting itinaas ni Athena ang kaniyang kamay hanggang sa biglang lumabas ang ilang magic circle sa kaniyang likod. Pagkatapos ay tinuro niya si Forrest at kasabay nito ang pagbagsak ng ilang javeline na gawa sa hangin. Umiwas naman itong si Forrest atsaka niya tinapakan ng sobrang lakas ang lupa. Lumabas mula rito ang ilang malalaking bato ngunit sobrang tulis yata ng mga javelines ni Athena at na hati ang mga ito pero sapat pa rin para makailag siya sa mga susunod na atake ng kaniyang fiancee.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ngayon ko lang nakita si Athena na makipaglaban ng ganito,”gulat na sabi ni Morris.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kasi lagi niyo siyang tinatago sa likod niyo. Oo nga, hindi ganoon kalakas ang aptitude niya sa mahika pero hindi iyon dahil talagang kaunti lamang ang enerhiya niya sa katawan. Kung hindi ay wala siyang confidence na ilabas ang totoo niyang kakayahan sa harapan niya sapagkat lagi niyo siyang pinprotektahan. Nasa isip nito na mahina siya kahit alam naman natin na talagang malakas ang taong ito,”paliwanag ko. Hindi umimik si Morris kaya ibinaling ko ang paningin ko sa kaniya. Labis naman ang aking pagtataka ng mapansin na nakatitig ito sa akin, “What?” “Talaga bang ka-edad ka lang namin? Kung magsalita ka ay parang ka-edad mo na ang mga magulang ko ah?” Natatawa nitong tugon, inirapan ko lamang ito at humarap na muli sa naglalaban-laban na magkasintahan, “Pero malaki ang pasasalamat ko at nakilala ka ni Athena, Ana. Nang dahil sa iyo, mas lalo niyang nakilala ang sarili niya. Kung hindi siguro dahil sa iyo ay hindi ko makikita ang totoo kong kakayahan ng babaeng ito. Baka talagang mananatili sa isipan ko na mahina lamang siya.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sometimes, you have to give them a chance to show their capabilities.” Saad ko at ngumiti.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Alam kong hindi pa ako malakas ngayon. Alam ko rin na may kakayahan ako na lamang sa kanilang lahat at kaya ko silang patayin pero ayaw ko itong gawin. Kung si Athena ay tinatago niya ang kaniyang kapangyarihan, ako naman ay tinatago ang totoo kong pagkatao.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Darating din ang araw na malalaman nila kung ano talaga ako at sino talaga ako. Sa mga panahon na iyon, hindi ko maisip ang galit nilang lahat. Baka nga ay hindi sila magdadalawang isip na patayin ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “My God!” Sigaw ni Morris.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bigla akong nabalik sa aking sarili ng marinig ko ang pagsigaw niya. Nang tignan ko ang dalawa na nasa arena ay nasa ibabaw na ni Forrest si Athena at may dala-dalang espada na gawa sa hangin. Alam kong sobrang tulis nito dahil naamoy ko ang umaagos na dugo sa leeg ni Forrest.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “As for this round, Athena is the winner!” Sigaw ng aming guro.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Did you see that?! Athena won!” Sigaw ni Morris.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Yeah. I saw it with my own eyes. She won.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis na tumayo si Athena at ibinigay ang kamay nito kay Forrest. Agad naman itong tinanggap ni Forrest ngumiti sa kaniyang Fiancee. Halata sa kaniyang mga mata ang pagkagulat sa ginawa ni Athena. Sino ba naman ang aasa na ang isang taong katulad ni Athena ay mananalo sa ganitong klaseng labanan. Isa pa, hindi ba at masiyado silang na sanay na binibigyan lamang nila ng pag-asa si Athena? Isa rin sa na isip ko ay malalaman naman talaga nila na malakas si Athena dahil sa mga pagsusulit at sa paraan ng pagkontrol niya ng kapangyarihan. Kitang-kita naman na kasali siya sa Top 5 at ibig sabihin no’n ay malakas siya kung ihahalintulad sa mga taong nandito. Walang pagdadalawang isip na tumakbo si Athena patungo sa gawi namin at yinakap ako. “Did you see it? Nanalo ako!” Sigaw niya. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang labis na saya at pagkatuwa. Tila isang bata na binigyan ng candy. “I am so proud of you,”bulong ko sa kaniya at yinakap din ito pabalik. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago bumitaw. Napatingin ito sa aking mga mata habang may ngiti sa kaniyang mga labi. “Thank you. Thank you for giving me a boost.” Saad nito. “Of course. I will always do that hanggang sa magkaroon ka na ng confidence na harapin ang lahat. I am so happy!” Tugon ko. Tumango lamang si Athena at hinarap si Morris. Ngumiti lamang si Morris sa kaniya at yinakap din ito. Sino na ba ang susunod? Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng excitement. Gusto ko na makalaban si Mary at parusahan siya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Naiinis ako sa kaniya, sisisguraduhin kong makakatikim ito sa akin. “Ako na pala ang susunod,”sabi ni Morris at bumuntong hininga, “Pagkatapos sa akin ay si Mark tapos ikaw na ang panghuli. Tapos na si Forrest at Athena kaya tayo-tayo na lang.” Oo nga pala. Since nasa top 5 sina Forrest at Athena, tatlo na lang kami. Sino kaya ang kalaban ni Mark? Siguro naman ay hindi ito kasing lakas niya. Kasi kung talagang mas malakas pa ito sa kaniya, hindi kami mapupunta sa top 5. Hindi agad inanunsiyo ng aming guro kung sino ang susunod pero hinayaan lamang namin ito. Hindi rin ako sigurado kung ano ang nangyayari at bakit hindi na lang tinapos agad. “Mukhang masiyado niyong ginamit ang field at kailangan pa ng repair ah?” Natatawang sabi ni Morris habang nakatingin sa gitna ng field. Ngayon ko lang din na pansin na parang may mga fairies na lumilipad sa gitna. Ang kaninang mga sirang gamit at sirang sahig ay bigla na lang bumalik sa dati. Matatagalan pa siguro ito. “Students, we will continue the examination after the repair. You may take a quick break bago tayo magpatuloy sa ating examination.” Sabi ng guro at tumalikod na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Swerte naman, makakapaghanda pa bago makipaglaban,”sabi ni Athena at tumawa ng bahagya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Manahimik ka. Mabuti ka pa nga at tapos ka na. Mas lalo lang akong kinakabahan na ngayon ay may break pa. Gusto ko na makipaglaban pero parang ayaw ko,”paliwanag nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Iniisip mo kasi na baka mas malakas ang kalaban mo,”tugon ko, “Don’t overthink too much. Wala ka naman mapapala kung hahayaan mo ang sarili mo na lamunin ng takot. Isa pa, nakalimutan mo ba kung ano ang antas mo? Bakit ka pa matatakot. Kung mas malakas siya sa iyo, sana ay wala ka sa top 5.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayon na nga, kahit naman nasa top 5 ako. Knowing na nasa Upper Sect siya, ibig sabihin ay malakas talaga ito kung ihahalintulad sa ibang students na nag-enroll sa Blue Blood University,”depensa niya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ayaw talaga nito magpa-awat. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ito matakot gayong mas makapangyarihan naman siya sa lahat. Kahit nga ako ay hindi confident na manalo kay Morris. Ramdam ko ang nag-uumapaw niyang enerhiya sa katawan. Kung hindi lang siguro niya sinusubukan na itago ang totoo niyang kakayahan ay baka lamunin na ang buong field ng enerhiya niya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi basta-bastang estudyante itong si Morris at sigurado rin ako na hindi rin basta-basta ang mga magulang niya. Kung malakas siyang bata, natural na malalakas din ang mga magulang niya. Hindi mag-uumapaw ang kaniyang enerhiya kung hindi ganiyan ang sitwasyon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ilang sandali pa ay na tapos na rin sila sa pag-ayos ng field. Bumalik na rin ang aming guro at sinenyasan si Morris na pumunta na sa gitna.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Good luck, Morris!” Sigaw ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Good luck and bring home the bacon, Morrisey!” Sigaw din ng magkasintahan sa tabi ko. Hindi naman halata na nag-practice ang dalawa, ano? Kung maka-sigaw sila. Akala mo talaga ay kung saan sasabak si Morris eh.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kawawa naman ang kalaban ni Morris,”bulong ni Forrest.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sinabi mo pa,”pagsasang-ayon naman ni Athena.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sobra pa sa kawawa. Sana nga lang ay walang masamang mangyari sa kaniyang kalaban baka ikamatay pa ito. Napapailing na lang akong umayos ng upo ng maramdaman ko ang presensiya ng isang tao na umupo sa tabi ko. Nang tignan ko ito ay si Mark pala. Nakatuon lamang ang kaniyang mga mata kay Morris.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano kaya ang ginagawa ng taong ito rito? Ang laki pa ng space, marami pa siyang pwedeng upuan pero bakit dapat sa tabi ko pa siya uupo?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin na lang din sa harapan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Si Mary ba ang kalaban mo?” Biglang tanong nito. Muli akong napatingin sa kaniya pero ganoon pa rin ang posisyon nito. Ibinalik ko na lang din ang aking paningin sa harapan atsaka ito sinagot.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oo,”tugon ko, “Bakit? Pipigilan mo ba ako kung may gagawin akong masama sa kaniya?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi umimik si Mark.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Iiwas na sana ako ngunit bigla na lang itong nagsalita, “No. Ibigay mo sa kaniya ang bagay na deserve niya. Teach her a lesson.” Saad nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Gulat na napatingin ako rito ngunit mas lalo akong nagulat ng nakatingin na naman ang mga matang iyan sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD