University 57

2502 Words
Ano kaya ang gagawin ko ngayon. Paano ko ba sasaktan ang babaeng ito na hindi napapansin ng karamihan. Gusto kong maramdaman din niya ang naramdaman kong sakit noong sinaktan niya ako. Ang lakas ng kaniyang sampal at ang mga salitang binitawan niya. Kung hindi siya sinasaktan ibang tao rito dahil sa isa siya sa mga pinapahalagahan ng paaralan, pwes, ibahin niya ako. Wala sa amin ang salitang protektahan ang nasa itaas.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ang aking na kagisnan na kaharian ay kakaiba sa kanilang kaharian. Kung nirerespito nila ang mga taong may matataas na antas, pinapatay ng mga mababa ang antas ang mga nasa itaas namin para makuha ang status nila. Kaya ‘wag niya akong igaya sa iba na nandito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko namalayan na unti-unti ko ng na ikuyom ang aking mga kamao dahil sa aking iniisip. Nakakamiss din pala makipagbasag-ulo pero mas nakaka-thrill iyong tinatago mo ang iyong totoong kakayahan at gagawa ka ng paraan para pa sikretong masaktan ang isang tao.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Huminga ako nang malalim atsaka unti-unti kong pinikit ang aking mga mata. Nagsimula na ang aming pagsusulit ang top 5 noong entrance exam ay ang huling grupo na makikipaglaban. May oras pa ako para isipin kung paano ko siya mapapatay—I mean masasaktan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kailangan ko rin kumalma at ‘wag magpadala sa galit. Alam kong minsan ay hindi ko na ito kayang kontrolin at isa ito sa pinagbabawal ni Aris. Ang magpalamon sa emoyson. Maaring ito pa ang magiging dahilan ng iyong pagkabagsak kung hahayaan mo ang iyong sarili na lamunin ng emosyon. Wala itong silbi sa labanan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Habang nakapikit ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pagkalma ng aking katawan. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi bago ko tinignan ang mga tao sa paligid. May mga na talo na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko inaashanan na sobrang bilis lamang nila na tapos sa pakikipaglaban, akala ko pa naman ay matatagalan ito. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanilang labanan hanggang sa matapos na ang lahat at tanging sampu na lang ang natira na hindi pa nakakalaban ang partners nila.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pagkatapos namin ay may panibagong round na naman para sa mga nakapasa sa unang round. “Mukhang kayo na ang susunod,”sabi ni Morris at tinignan si Athena, “Galingan niyong dalawa.” “Paano ko gagalingan kung kita mo naman sa ngiti ng taong iyan kung talagang lalabanan niya ako o hindi,”inis na tugon ni Athena at bumuntong hininga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumayo ako mula sa aking upuan at lumapit dito. Dahan-dahan kong inilapit ang aking bibig sa kaniyang tenga para bigyan ito ng idea kung ano ang dapat niyang gawin para labanan siya ng patas ni Forrest.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Gusto mo ba na labanan ka ni Forrest ng patas?” Tanong ko rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakatuon lamang ang atensiyon ni Forrest sa naglalaban kaya hindi nito nakita ang paglapit ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oo,”tugon ni Athena, “Ayaw kong maging unfair sa kaniya. Gusto kong malaman kung sino talaga ang mas malakas sa amin. Hindi iyong lagi na lang siya nagbibigay ng chance sa akin na manalo. Ayaw ko ng ganoon. Gusto ko manalo dahil sa sarili kong kakayahan at hindi dahil sa awa.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Naiintindihan ko naman itong kaibigan ko. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay itong lalaking ito. Bakit ba kasi kailangan niyang gawin ito kay Athena, hindi ba siya naaawa na baka isipin ng fiancee niya na kaya niya ito ginagawa ay minamaliit niya ang kapangyarihan ng tao? Minsan talaga ay nawawala sa wisyo ang isang tao dahil sa pag-ibig.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napapailing na lamang akong umupo sa tabi nito. Agad naman na umusog si Morris na ngayon ay mas lalong napasimangot. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Dare him,”bulong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Dare him?” Ulit ni Athena sa sinabi ko, “How should I do that? Hindi nga iyan nakikinig sa akin. Ilang beses ko na siyang sinabihan na bibilhan ko siya ng ganito, ganiyan kapag nakipaglaban siya sa akin ng patas pero wala pa rin.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “You are doing it wrong,”wika ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mayaman si Forrest, kaya niyang bilhin iyon kung gugustuhin niya. Hindi talaga niya madadala sa mga ganoong bagay. Asan ang utak ng mga taong ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “What do you mean?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Alam mo na mayaman si Forrest, kahit ikaw ay mayaman din. Sa tingin mo ba ay kailangan niya ang pera mo para bilhin ang mga bagay na gusto niya?” Tanong ko rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sa tingin ko naman ay naiintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig dahil bigla na lamang siyang umiwas ng tingin. “That’s the point. So, what I want you to do is give him a threat. Ano ba ang mahalaga sa buhay niya na kaya niyang gawin ang lahat ‘wag lang mawala?” Paliwanag ko. Gulat na napatingin sa akin si Athena na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Isang malapad na ngiti lamang ang aking ibinigay bago ito kinindatan atsaka tumayo na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “You are an angel!” Sigaw ni Athena.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “What is going on?” Tanong ni Forrest at tinignan ang kaniyang minamahal. Mabilis na umiwas ng tingin si Athena at nagpanggap na parang walang pakealam, “Wala naman. May iniisip lang ako.” “Ano iyon?” Rinig kong tanong ni Forrest. Hindi umimik si Athena. Nang tignan ko ito ay parang nagdadalawang isip siyang magsalita. Alam kong hindi niya kayang sabihin ito pero kailangan kung gusto niya talagang may improvements sa relationship nila. Hindi siya pwedeng manatili na lang lagi sa likod ni Forrest, kailangan niya rin lumaban para sa sarili niya. “Kung ano ang gagawin ko kung hindi mo ako kakalabanin ng patas,”tugon ni Athena at tinignan ito sa mga mata. Nanatiling nakatitig lamang si Forrest sa kaniya bago ito tumawa nang malakas.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Alam mong hindi mo ako madadala sa mga ganiyan, Athena.” Tugon nito at tumalikod na. “Kahit ang itaya ko ay ang engagement natin?” Tanong ni Athena.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. Gulat akong napatingin dito gayon din si Morris. Akala ko ay may mga kagamitan lamang na ayaw mawala ni Forrest pero iyong talagang engagement ang itataya. “What do you mean?” Gulat at parang galit na tanong ni Forrest. Kunot-noo niyang tinignan si Athena na ngayon ay taas noong nakatingin lang din sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Aba. Ayaw pa-awat. “You know what I mean. Kung ayaw mo akong kalabanin ng patas, sasabihan ko sina ina at ama na putulin ang relasyon sa inyo,”seryoso nitong sabi. Hindi makaimik si Forrest dahil sa sinabi ng babaeng ito. Kahit ako ay hindi ko inaasahan ang sinabi niya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Next! Forrest and Athena, please go to the center!” Anunisyo ng aming guro.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Fine!” Malamig at seryosong sabi ni Forrest at na una nang maglakad patungo sa gitna. Uh-oh. I smell trouble.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ   “Ano ba kasi ang sinabi mo kay Athena at ganiyan na lang iyan ka determinado?” Tanong ni Morris sa tabi ko. “Sinabi ko lang naman na kung gusto niya magkaroon ng laban na patas, just give him a little threat. Hindi ko sinabi na ganoon kalaking threat, engagement?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko talaga inaasahan na ang engagement nila ang itataya niya. Akala ko ay simpleng bagay lang, sa tingin ko ay labis ang galit ni Forrest sa kaniyang narinig kaya ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng enerhiya sa paligid. Talagang mas bumigat ito pero kahit ganoon ay nababawasan naman ito dahil sa enerhiya na pumapalibot kay Athena. Ramdam ko ang excitement sa kaniya. Alam kong hindi na niya mapigilang ang kaniyang sarili na masiyahan dahil pumayag si Forrest. Ito yata ang unang beses na pinagbigyan siya ng kaniyang fiancee. Kawawa rin kasi si Athena, kung mananatili lamang siya sa likod ng kaniyang mga kaibigan sigurado akong una itong mamamatay sa oras ng totoong labanan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Alam mo ba kung gaano kahalaga kay Forrest ang engagement nila?” Tanong ni Morris at bumuntong hininga, “Alam kong ramdam mo ang galit ni Forrest ngayon. Ayaw na ayaw niya kasi na nadadamay ang engagement nila ni Athena dahil matagal na niya itong hinihintay. Mahal na mahal ni Forrest si Athena kahit lagi niya itong inaasar.” Ramdam ko iyon. Hindi ako manhid. Kahit wala pa akong experience sa mga ganiyang bagay pero ramdam ko kung gaano niya kamahal si Athena. Ramdam ko kung gaano kaimportante ito sa kaniya. Ramdam ko kung gaano niya ito iniingatan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sana nga lang ay labanan ni Forrest si Athena ng patas. Ayan lang naman ang gusto ni Athena,”tugon ko at bumuntong hininga, “Ramdam din naman natin dalawa kung gaano kahalaga kay Athena si Forrest. Mahal na mahal din niya iyan.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumawa nang mahina si Morris sa aking tabi. Naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa aking braso. “Nahalata mo rin pala?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sobra. Alam mo naman na ang bilis lang magselos ng babaeng iyan kapag may lumalapit kay Forrest.” Umiiling na tugon ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ganiyan talaga silang dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw na lang nila maging official couple,”saad nito. “What do you mean?” “I mean, iyong talagang ang relasyon nila ay dahil mahal nila ang isa’t-isa at hindi dahil sa engagement.” Paliwanag niya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sabagay. Tama nga naman si Morris pero kahit ganoon, parang ayon na rin naman ang sitwasyon ng dalawa ngayon. “The two of you, are you both ready?” Tanong ng aming guro. Tumango lamang silang dalawa habang nakatingin sa isa’t-isa. Ramdam ko ang pagiging seryoso nilang pareho.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “You may now start!”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD