University 63

2506 Words
“Seems like everyone is having fun. Well, hindi na rin naman nakakagulat knowing na, today, is the day of our biggest event. Are you all ready?” Sigaw nito. Muling naghiyawan ang mga estudyante and this time mas lalo pa itong lumakas. Hindi ba sila naririndi sa boses nila? Ang sakit nila sa tenga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “However, before we start our event. Let us all welcome the Kings and Queens of our beloved Kingdoms!” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang napakalakas na tugtug ng drum ang maririnig sa buong lugar pagkatapos ay sumunod ang orchestra na nakapwesto sa gilid. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Dahan-dahan na bumukas ang kurtina ng mga terrace na nasa itaas at lumabas mula roon ang mga taong matagal ko ng hinahanap. Nakangiti ang mga ito habang kumakaway sa mga estudyante, ngunit ang naka-agaw ng aking pansin ay ang mukha ng mga hari at reyna.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bakit napakapamilyar ng mga ito sa akin? Bakit parang nakita ko na ang mga mukha nito pero hindi ko lang maisip kung saan o hindi ko man lang mahanap kung saan ko ito nakita. Bahala na nga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sabay-sabay kaming yumuko lahat at ilang sandali pa ay naghiwayan na muli ang mga estudyante. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mga hari at reyna ng bawat kaharian. Hindi kaduda-duda, sobrang lakas ng enerhiya na pumapalibot sa mga ito. Tila ba ay hindi man lang nakakalahati ang kapangyarihan ng Headmaster sa kanila. Sa tingin ko rin ay mas malakas pa sila kay Aris.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung ganoon nga, bakit hindi na lang nila atakihin ang Kaharian ng Fiend?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nanatili akong nakatitig sa kanila at hindi ko kayang tanggalin ang aking mga mata sa mga ito. Kakayanin ko kayang paslangin ang mga ito? Kung kaya ko nga, paano? Kung pagbabasehan ko lang ang kapangyarihan nila, sobrang wala ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sobrang layo ng agwat namin. Kahit siguro isa lang sa kanila ang makakalaban ko ay malabo ng mangyari. Ano ba ang gagawin ko? Paano ba ‘to? Gusto kong tanungin si Aris pero ayaw kong maging depende sa kanila masiyado. Alam kong hindi ito ang nararapat.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kailangan ko itong gawin mag-isa dahil ginusto ko ‘to. Ako ang nagdesisyon na pumunta rito para maghigante kung kaya ay dapat ko lang gampanan ang kung ano man ang gusto ko. Kailangan ko na gumawa ng plano.ㅤㅤㅤ “Kailan kaya natin makikilala ang mga prinsesa at prinsipe?” Tanong ng tao sa aming likuran.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “I bet, they are as amazing like the queens and kings.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sinabi mo pa, nasasayangan talaga ako sa isang prinsesa natin. Kung buhay pa lang sana.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Shh! Don’t you dare mention her. Alam mo naman kung gaano kalaki ang epekto ng taong iyon sa royalties.” Saway ng kaniyang kaibigan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang prinsesa? Sino naman iyon? Teka.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ May mga anak pala ang mga ito. The Prince’s and Princesses, huh. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ What I heard, every parent has their own weaknesses and that is their off springs. Kung ganoon nga, uunahin ko muna ang mga anak nila at isusunod ang mga ito. With that being said, makakaya ko ng patayin ang mga ito ng walang kahirap-hirap. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ana, are you okay?” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Labis ang aking pagkagulat dahil sa paghawak ni Morris sa aking braso. Agad akong napatingin sa kaniya at mabilis na tumango. Hindi ako sigurado kung ayos lang ba ako. Talagang punong-puno ako ng galit sa ngayon. Kumukulo ang aking dugo sa tuwing nakikita ko sila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko man masiyado makita ang mga mukha nila dahil medyo may kalayuan din naman ang distansiya ng lugar ko at sa kung saan sila naka-pwesto pero talagang pamilyar ang kanilang mga mukha. Sana magkaroon ako ng chance na makalapit man lang.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayos lang ako,”tugon ko at ngumiti ng pilit sa kaibigan ko. Tumango lang din ito sa akin at tahimik na tumingin sa mga Hari at Reyna.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bakit parang hindi yata masaya itong si Morris na makita ang kanilang hinahangaang Hari at Reyna? Sa lahat yata ng tao rito ay sila lang dalawa ni Athena ang parang may problema sa mga ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “May problema ba?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis na umiling si Morris at padabog na umupo sa upuan. Sinundan ko na rin ito at hinarap siya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Alam kong mayroon. Ano ba kasi iyon?” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala naman. Hindi lang talaga ako komportable sa mga ganitong klaseng okasyon. Napakarami naman kasing tao at ang ingay.” Naka-simangot nitong tugon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung sabagay, kahit ako ay ganito rin ang magiging reaksiyon lalong-lalo na kapag hindi masiyadong sanay sa ganitong klaseng pagtitipon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sabagay.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “I am suprised that you were able to cope up with this stuff.” Wika nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Do I have a choice?” Umiiling kong tugon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Well. There are none at all,”saad nito at tumawa ng mahina. Inirapan ko lamang ito at sumandal na rin sa upuan. Patuloy pa rin sa sigawan ang lahat na para bang wala na talagang katapusan ang araw na ito. Ang mga hari at reyna ay tuwang-tuwa na nakatingin sa mga taong ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hoy, ano pinag-uusapan niyo dalawa?” Tanong ni Athena at lumapit sa amin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagkatinginan naman kami ni Morris at sabay na napakibit balikat. Ayaw na lang namin magsalita dahil sigurado kaming hindi rin naman ito ikatutuwa ni Athena.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Nakita mo na ba ang hinahanap mo?” Tanong ko rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “May hinahanap ba ako?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit? Wala ba?” Tanong naman ni Morris at nginitian ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano ba pinagsasabi niyo?” Gulat na tanong nito na nanlalaki pa ang mga mata na tila ba ay pinipigilan kaming magsalita. Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Huwag ka na painosente riyan. Kung makatingin ka rin sa amin ay parang nakakita ka ng multo. Hindi ba at hinahanap mo ang seniors natin?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mas lalong lumaki ang mga mata ni Athena na para bang hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Nagtataka man ay napatingin ako sa likod namin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Labis ang aking pagkagulat nang makita si Forrest at Mark. Masama ang tingin nitong nakatitig kay Athena na ngayon ay hindi na rin alam kung ano ang gagawin. Nakatitig lamang ito kay Forrest na para bang nagmamakaawa. “Forrest!” Sigaw ni Athena nang bigla na lamang umalis si Forrest. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko tinignan si Morris na nakatakip na ang kaniyang mga kamay sa bibig. “Bakit?” Tanong ko. “Lagot talaga ang babaeng iyon,”sabi nito at tumawa nang malakas, “Handa na ba lahat, Mark?” Tumango lamang si Mark atsaka tumabi sa akin. Hindi na lang din ako umimik at nanatiling nakatingin sa harapan. Tahimik lang din ang dalawa kaya sa paligid ko na lamang itinuon ang aking atensiyon. “Nakita niyo ba talaga ang sila?” Biglang bulong ni Mark sa aking tabi. “Oo,”tugon ko. Hindi ko alam kung ang tinutukoy ba nito ay ang seniors pero bahala na. Sa tingin ko naman ay ayon talaga. “Ilan sila?” Bakit ba tinatanong nila kung ilan sila? Malamang naman siguro ay silang lahat iyon. Isa pa, hindi rin ako sigurado kasi hindi ko rin naman nakita ang lahat. Tanging nasa lima hanggang pito lang yata ang mga iyon. “Pito yata,”tugon ko. “Pito?” Tanong nito. Paulit-ulit? “Nandito silang lahat. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa mission nila but it seems like they succeed.” Sabat ni Morris at tinignan si Mark. Hinawakan naman ni Morris ang aking kamay sabay pisil ng bahagya. Bakit? “I see. Let me check on them.” Ani nito at tumayo na. Ano nangyari doon? Lumapit lang ba siya para alamin kung talagang nakita namin ang mga seniors? Nakakaloka ha. “Ano nangyari roon?” Tanong ko. “Maiintindihan mo rin kapag napakilala ka na namin sa mga magulang namin, Ana. Sa ngayon ay manood na muna tayo ng opening,”nakangiting sabi ni Morris. Tumango na lamang ako at itinuon ang aking atensiyon sa opening.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD