University 64

1003 Words
Tahimik kong inilibot ang aking paningin at tinignan isa-isa ang mga estudyante na naririto. Sa aming kaharian, hindi ganito ang mga estudyante roon. Lahat sila ay may kani-kanilang mundo, kung mayroong ganitong event sa paaralan ay wala silang pakealam. Minsan nga ay nagkaroon ng assembly doon ngunit balita ko ay kahit ni isang estudyante ay walang pumunta. Hindi ko alam kung bakit na isipan pa nilang gawin iyon gayong alam naman nila na walang pakealam ang mga estudyante roon. Ni isang beses ay hindi ko pa naranasan na dumalo sa mga ganitong klaseng pagtitipon. Oo nga at magulo pero kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng mga tao.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ana?” Ibinaling ko ang aking paningin kay Morris nang bigla ako nitong tawagin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit?” Tanong ko sa kaniya. Medyo hindi ko rinig ang sinasabi nito ngunit nababasa ko naman ang kaniyang labi. “Ayos ka lang ba rito?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Tila ba ay sinisigurado niyang komportable ako sa aking inuupuan. Isang ngiti ang ibinigay ko rito sabay tumango.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayos lang naman ako, ‘wag kang mag-alala. Ikaw ba? Ayos ka lang ba r’yan?” Tanong ko pabalik.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilibot nito ang kaniyang paningin bago ito tumugon. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang rason kung bakit kailangan pa umikot ang paningin nito pero sa tingin ko naman ay baka tinatansiya niya muna kung maayos lang ba talaga siya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Mabuti na lang at nandito ka,”tugon nito, “Sa ngayon ay ayos pa lamang ako. Hindi ko lang alam kapag nagtagal pa tayo rito.” Tumawa ito nang mahina at ibinalik ang paningin sa akin. Agad akong napatingin sa kaniyang kamay na ngayon ay pisil-pisil ang aking isang daliri, nagpapahiwatig na talagang hindi ito komportable.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kung gusto mo ay maari naman tayong lumabas dito. Hindi naman natin kailangan manatili ng matagal.” Sabi ko at ngumiti sa kaniya. Ngunit, mabilis na umiling lamang si Morris at umayos na ng upo.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hindi maari.” Ani nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit naman?” Tanong ko sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sa oras na lumabas tayo rito ay sigurado akong matutuon sa atin ang atensiyon ng lahat. Sinabi ko na naman sa iyo na dapat lahat ng estudyante rito ay mananatili sa loob ng hall hanggang sa matapos ang opening ceremony.” Paliwanag niya. Oo nga at sinabi niya iyon pero akala ko ay pwedeng mag-excuse since council naman ang mga kaibigan namin, mukhang walang special treatment dito. Nagpatuloy na lamang kami sa paghihintay hanggang sa matapos na ang ceremony. Agad kaming lumabas sa Hall. Hahanapin na muna namin sina Athena at Forrest. Saan kaya napadpad ang dalawang iyon? Gusto ko man malaman ay malabo itong mangyari. Gaya nga ng sabi ko noon, hinding-hindi na pwedeng gamitin ang kapangyarihan sa paaralan. Kapag nalaman ng mga ito na may estudyanteng gumamit ng kanilang kapangyarihan ay maaring ito ang magiging dahilan ng pagkatanggal nila sa paaralan. "Saan kaya dinala ni Forrest ang babaeng iyon?" Tanong ni Morris sa aking tabi. Hindi na maipinta ang mukha nito na nakatingin sa paligid. Medyo napapagod na daw siya kakahanap sa kanila. Paano na lang ako? Gusto ko na rin simulan ang dapat kong simulan. Gusto ko na maghanap ng mga impormasyon na kakailangan ko. Saan ba ako magsisimula? Inilibot ko ang aking paningin at na pansin ang isang hallway na sobrang dilim. Nawala na roon ang warning sign na bawal itong pasukin pero walang kahit na sino ang naglakas-loob na pumasok. "Morris,"tawag ko sa aking kasama habang nakatingin sa pasilyong iyon. "Bakit?" Tanong nito pabalik. "Anong meron sa pasilyong iyan? Bakit nawala na 'yong warning signs?" Tanong ko rito at tumigil sa paglalakad. Hindi na ako nag-abalang tignan pa si Morris pero nararamdaman ko ang paglapit nito sa akin. "Ayan ba? Hindi rin ako sigurado eh. Sabi-sabi may malaking halimaw daw diyan," paliwanag nito. Malaking halimaw? Bakit naman magkakaroon ng malaking halimaw sa loob ng paaralan? "What?" "Yep, you've heard it right. Hindi lang ako sigurado kung talagang totoo ba ang sabi-sabi pero mukhang totoo naman." Ani nito, "Wait. What are you planning to do?" Mabilis kong ibinaling ang aking atensiyon kay Morris at ngumiti sa kaniya. "Of course, wala! Ano ka ba. May malaking halimaw na nga riyan, sa tingin mo may plano pa ako? Nagtataka lang kasi ako kung bakit bukas iyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD