University 65

2516 Words
“Akala ko ay may binabalak ka dahil kung ganoon man, kung ako sa iyo, hindi ko na iyan itutuloy pa. May mga bagay sa paaralan na ito na hindi mo inaasahan ang kakayahan o kaya ay ang mga lugar na naririto. Maaring ito pa ang magiging dahilan ng iyong pagkatanggal,”paliwanag ni Morris at lumapit sa akin, “Hindi sa tinatakot kita, Ana. Ayaw ko lang na mayroong masamang mangyari sa iyo. Iniingatan ka namin kasi bago ka pa lang sa aming kaharian. Hindi ka pamilyar sa mga bawal at pwede.”ㅤㅤㅤ Ramdam ko ang sincerity sa bawat salitang binibitawan nito. Hindi ko alam pero bigla na lamang uminit ang aking katawan, ang aking puso na kalmadong tumitibok kanina ay bigla na lamang bumilis na tila ba ay tumakbo ako nang ilang milya. Napatitig ako sa mga mata ni Morris at mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso. Ang mga mata nitong nakatitig sa akin, ang dalawang kilay nitong malapit ng magkalapit at ang mapupulang labi na talagang nakaka-akit-akit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ba itong nangyayari sa akin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis akong napa-iling at itinulak palayo ang nasa isipan ko. Masiyado kasing maganda ang babaeng ito, kahit galit pa iyan o masaya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hindi mo naman kailangan mag-aalala dahil wala naman akong plano pumasok sa loob. Isa pa, lagi naman akong sumusunod sa mga sinasabi ninyo. Hindi rin ako gagawa ng mga bagay na ikakatanggal ko sa magandang unibersidad na ito,”tugon ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nanatiling nakatitig si Morris sa akin na parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi ako nagpa-awat at talagang tinitigan ko rin siya pabalik. Ayaw kong masira ang tiwala niya sa akin. Masiyado pang maaga, dapat nila akong pagkatiwalaan hangga’t maari. Kailangan ko ng mga impormasyon patungkol sa kaharian na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang marahas na hangin ang ibinuga ni Morris saka umayos ng tayo. Ang kaninang malapit ng magkalapit na kilay nito ay bumalik na sa normal.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Mabuti naman kung ganoon, kinabahan ako sa’yo. Akala ko ay talagang may pinaplano kang gawin. Tara na nga.” Aya nito at tumalikod na saka na una nang maglakad.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang huminga. Saka ko lang ito na pansin ng isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ako sumunod sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sa ngayon...ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Wala pa akong plano na gagawin sa ngayon. Hindi ko pa magagawa ang plano ko ngayong araw patungkol sa mga hari at reyna dahil wala akong paligsahan na masasalihan. Tanging ang mga nanalo lamang ang pwedeng makalapit sa mga iyon. Masiyado nila itong iniingatan, akala naman nila na hindi makapangyarihan ang mga ito. Hindi naman sila tatawagin bilang hari at reyna kung hindi sila makapangyarihan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Alam ng lahat na sa oras na may dugo ka ng mga maharlika, nanalaytay na sa iyong katawan ang kapangyarihan ng iyong mga ninuno. Kahit ako, masasabi kong makapangyarihan talaga ang mga ito. Hindi ako sigurado kung kaya ko ba silang harapin pero wala akong magagawa. Kailangan ko itong gawin pero ang problema nga lang ay hindi pa sa ngayon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ayos lang din naman, nang sa gayon ay makapaghanda ako at mas lalo ko pang mapalakas ang aking kapangyarihan. Maraming kagamitan ang paaralan na ito na wala sa kaharian namin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Patuloy na kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa harapan ng isang pinto. Doon ko lang na pansin na nasa office na pala kami nila Mark. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Teka..ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bakit nga pala kami nandito? Hindi ba at hinahanap namin ang dalawang magkasintahan na iyon?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tatlong mahihinang katok ang ginawa ni Morris bago nito pinihit ang siradura ng pinto pero agad itong na bigo.ㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala ba sila rito?” Tanong niya at pinilit pa ngunit talagang ayaw na nitong mabuksan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Baka ay hindi sila dumeritso rito,”tugon ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sigurado akong dito sila pumunta. Wala naman silang ibang lugar na pwede silang mag-usap dahil ang ibang parte ng paaralan ngayon ay sinarado,”paliwanag niya at muling kumatok sa pinto, “Open this damn door!”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo itong si Morris pero siya lang din naman ang nakaka-alam sa totoo. Wala akong ideya kung saan tutungo ang dalawa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tatalikod na sana ako at aalis para hanapin ang mga ito nang marinig ko ang pagpihit ng door knob. Dahan-dahan kong ibinaling ang aking paningin sa maliit na siwang na kung saan naka-silip doon si Forrest.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Forrest.” Tawag ko sa kaniya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Agad niyang binuksan ang pinto at pinapasok kami. Nasa tabi lamang si Athena at nakayuko, ako lang ba o bakit parang magulo na yata ang buhok ng babaeng ito? Huwag niyang sabihin na sinaktan siya ni Forrest physically? Ngunit, alam ko naman na hindi ito magagawa ni Forrest sa kaniyang Fiancee.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “What are you two doing? Bakit ang tagal niyong buksan ang pinto?” Tanong ni Morris at padabog na umupo sa sofa. Agad naman akong tumabi sa kaniya na ngayon ay nakatitig sa gawi ni Athena.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Nothing. Just sorting things out.” Tugon ni Forrest at umupo sa tabi ng kaniyang Fiancee.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sorting things out, huh.” Ramdam ko ang pang-aasar sa boses ni Morris kaya tinignan ko ito na ngayon ay nakangisi na parang inaasar nga si Forrest at Athena. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Shut up.” Biglang tugon ni Athena.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oh? So you are not mute,”natatawang saad nito at tumingin sa akin sabay kindat. Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito at kung umasta ay parang may gustong ipahiwatig.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “What?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napa-irap sa kawalan ang bruha at muling ibinaling ang kaniyang paningin sa kanilang dalawa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “So kamusta?” Tanong nito, “Naging maayos ba ang pag-uusap niyo? Mukhang may na saktan yata dahil may pasa ka, Athena?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pasa? Gulat na napatingin ako kay Athena at nakita itong tinakpan agad ang kaniyang leeg. Paano magkakapasa si Athena? Akala ko ba ay hindi magagawa ni Forrest ang manakit ng babae pero bakit?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “I said, shut up!” Sigaw nito at padabog na tumayo saka pumasok sa isang pinto na nasa likod namin. “You are teasing her,”umiiling na sambit ni Forrest.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Well, you are having fun, aight?” Tanong ni Morris at tumawa nang malakas.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “More than fun.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ba ang pinagsasabi ng dalawang ito? Kung mag-usap sila ay parang wala ako rito. Hindi ko kamo sila maintindihan. Isa ba ito sa iba’t-ibang paraan ng pakikipag-usap? Kung ganoon naiintindihan ko na kung bakit wala akong ideya sa pinag-uusapan nila. “But do you know what’s more fun here?” Morris asked and looked at me, “That someone is too innocent to understand what we are talking about.” At bakit sa akin sila nakatingin habang sinasabihin ni Morris ‘yon? Hindi ko naman siguro kasalanan na baguhan lamang ako rito at wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari. Isa pa, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kay Athena. “Hey, Forrest!” Tawag pansin ko sa fiancée ng babaeng iyon. Hindi ko alam ang sagot sa aking katanungan kung hindi siya mismo ang aking tatanungin. “What’s up, Ana?” Tanong nito pabalik sa akin at kinuha ang isang makapal na papel sa gilid nito. “Bakit may pasa si Athena? Sinaktan mo ba siya?” Kunot-noong tanong ko. Mabait si Athena kaya hindi ko maisip na saktan ito ni Forrest, isa pa, alam kong mahal na mahal at alagang-alaga ni Forrest ang babaeng iyon. Bakit naman gagawa ng masama ang lalaking ito kung ganoon naman ang pakikitungo niya sa kaniyang fiancée? “Sinaktan?” Tanong pabalik sa akin ni Forrest at nagtatakang ibinaling ang kaniyang paningin sa akin. “Yes, obviously. May pasa siya sa leeg kaya ‘wag mo ng e-deny pa.” Sabi ko. “Oh, that,” he whispered and a smirk shaped his lips. “I told you, mas nakakatuwa talaga kapag may kasama tayong inosente. Iyong tipong walang kaalam-alam kung ano na ba ang pinag-uusapan natin dalawa,”wika ni Morris at tumayo na. Ano ba ang pinagsasabi ng isang iyon? Hindi ko kamo sila maintindihan dalawa. Napailing na lamang si Forrest at tumayo na rin. “Aren’t you guys supposed to answer me?” Tanong ko pero hindi lamang umimik ang mga ito. Kung ayaw nila, si Athena na lang tatanungin ko. Minsa talaga ay hindi ko sila maintindihan. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pinto at lumabas mula roon si Athena. Ang pas anito kanina ay hindi ko na mahagilap, mukhang gumaling na yata ito ng tuluyan. Mabuti naman kung ganoon. “Athena,”tawag ko rito. Napalingon naman si Athena sa akin at ngumiti. “Ano iyon, Ana?” Tanong nito. “May tanong lang ako kung ayos lang? Ayaw kasi ako sagutin ng dalawang ‘yon,”sabi ko. Mabilis naman itong tumabi sa akin sabay tango. “Oo naman, bakit? May problema ba o ano?” “Gusto ko lang sanang tanungin kung sinaktan ka ni Forrest.” Sabi ko. “uh- what?” Naguguluhan nitong tanong. “May pasa ka kasi kaya napa-isip ako kung sinaktan ka.” Dahil sa sinabi ko ay bigla na lamang namula ang pisngi ni Athena at tumalikod sa akin. Anong nangyari roon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD