University 66

2504 Words
“Huwag mo na lang kasi tanungin,”sabi ni Morris at tumawa nang mahina. Nagtataka man ay hinayaan ko na lamang ito at nanatiling tahimik dito sa isang tabi. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Abala sa pag-uusap ang dalawa, sina Morris at Forrest. Samantalang si Athena naman ay hindi ko na mahagilap. Inilibot ko ang aking paningin at inobserbahan ang paligid. Ito pa lang ang unang beses na pumasok ako sa silid na ito, ito rin ang unang beses na dinala nila ako rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Dito pala palaging naka-tambay ang dalawa, sa oras na may mga aktibidad sa paaralan ay dito pala nila ito pinagpa-planuhan. Ngunit, ang labis ko lamang ipinagtataka ay kung sila lang ba ang namamahala rito, wala kasi akong mahanap na ibang mga tao rito bukod sa amin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isa pa, nasaan kaya si Mark? Bakit hindi ko man lang siya nakita na pumasok dito. Baka inaakala pa nito na nasa hall kami at naghihintay.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Are you okay?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Labis ang aking pagkagulat nang biglang may bumulong sa aking tenga. Nang ibaling ko ang aking paningin sa taong ito ay nakita ko si Mark na bahagyang naka-ngiti sa akin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bakit hindi ko man lang na pansin ang kaniyang pagdating. Bakit parang humihina ang senses ko simula noong dumating ako rito, may inilagay ba silang spell na hindi ko alam? Baka alam na nila na nakapasok ang isang tao mula sa Kaharian ng Fiend? Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ngumiti sa kaniya pabalik.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayos lang naman ako, bakit mo naitanong?” Tanong ko sa kaniya at iniwas ang aking tingin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ayaw kong mahalata nito ang aking labis na pagtataka sa mga nangyayari.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Seems like you are thinking about something, do you mind spilling it? I mean, if you are not comfortable, I understand.” Saad nito at tumabi. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ibinaling ko ang aking paningin kay Forrest at Morris na ngayon ay abala pa rin sa pag-uusap. Hindi yata nila na pansin ang pagdating ng kanilang kaibigan dahil hindi man lang sila nag-abala na tumingin sa gawi namin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ah,”tanging na sabi ko at tumahimik na muna. Kailangan ko mag-isip ng magadang palusot, kung hindi ay baka pagdududahan ako ng mga ito na masiyado akong cautious sa paligid.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Why?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng lusot. Tamang-tama at pumasok si Athena.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Napa-isip lang ako kung sinasaktan ba ni Forrest si Athena, oo tama,”saad ko at ngumiti sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sinasaktan? What do you mean?” Naguguluhan na tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “I mean, look at her. Look at her neck. Kita mo ba ang pasa?” Tanong ko. Hindi ko na kasi masiyadong makita dahil parang tinatabunan na niya kapag napapatingin ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Umupo naman si Athena sa sofa na nasa harapan lamang namin kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya. Hindi ko maiwasan ang hindi tumitig dahil na rin sa medyo hindi na ganoon kamaga ang pasa nito kung ihahalintulad ko kanina. Labis ang aking gulat at pagtataka nang biglang tumawa nang malakas si Mark. Kahit sina Morris at Forrest na abala sa pag-uusap ay bigla na lang napatingin sa gawi namin. Nagtataka kung bakit tawang-tawa ang kaibigan nilang baliw.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “What are you laughing for?” Bulong ko rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Baka kasi isipin ng iba rito na may pinag-uusapan kami na hindi maganda o kaya ay isipin ni Athena na siya ang topic namin dalawa, which is tama nga naman.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “So, what you want to tell me is that you have been thinking about the bruise on Athena’s neck?” Tanong nito na patuloy pa rin sa pagtawa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “May mali ba?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction nila sa bawat tanong ko patungkol sa pasa ni Athena. Ano ba kasi ang meron doon? Isa pa, hindi naman siguro mahirap magpaliwanag. Ano?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Anong meron?” Tanong ni Morris at lumapit sa amin. Si Forrest naman ay tumabi kay Athena at inakbayan ito. Teka, sinaktan ni Forrest si Athena pero kung makaakbay ay parang wala lang?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Well, your innocent friend here,”pagsisimula ni Mark, “wants to know why does Athena have bruises on her neck. Care to explain, Forrest?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ang kaninang nagtatakang mukha nila Forrest at Morris ay bigla na lamang napalitan nang mapang-asar na ngiti. Sabay-sabay silang napatingin kay Athena na ngayon ay mas lalong namula.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Let me explain na nga lang,”sabi ni Morris at umupo sa single sofa sa tabi ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Well, as you can see. May mga bagay talagang nagagawa ng mag-jowa especially mag-fiancee. Alam mo naman siguro kung ano yung hickey, tama?” Tanong ni Morris.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hickey?” “Oh, no.” Bulong nilang lahat. “She really has no chance in this kind of conversation at all,”natatawang saad ni Forrest. “Hickey, as in, love bites. Gets?” Wait. Did she just say love bites? “What?!” Sigaw ko. “Oh, finally. She gets it.” Bulong ni Mark sa aking tabi. “Why would you bite her? And bago na ba ang panahon ngayon?” Tanong ko. Ano ba ang pinagsasabi ng mga ito? Bago na ba ang paraan ng pagpapakita kung mahal mo ang isang tao? Like seriously? A love bite? “Ayaw ko na talaga,”saad ni Morris at tumayo na. “Love bite, Ana. Love bite. Magagawa mo ‘yon in the middle of making out with your partner by sucking their skin. It will leave a mark and some of them say that it’s a symbol that someone owns you.” Paliwanag ni Mark. Sucking their skin? Hindi ba at ang dugyot naman pakinggan no’n? Why would they suck someone’s skin? Ay, ewan ko talaga sa mga love birds ngayon at bakit ganito na lang silang lahat. “Ah, okay. Now I get it. Thank you for explaining it to me.” Sabi ko at ngumiti sa kanila. Natawa na lamang silang lahat at iniba na ng mga ito ang usapan. “Oo ng apala, someone backed out sa dalawang contest.” Sabi ni Mark. “Ha? Bakit daw at sino?” Tanong naman ni Morris. Did someone back out? This means that I have the chance to enter a contest and win it so that I can meet the royalties? Mukhang masasagawa ko na nga ang aking pinaplano. Maipaghihigante ko na rin sa wakas ang aking mga magulang. Matatapos ko na rin sa wakas ang aking misyon sa lugar na ito. Ngunit, bakit parang bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bakit bigla na lamang bumigat ang puso ko? I don’t know and I don’t want to know. Baka kulang lang ako sa tulog. “Yes, and we need to replace her as soon as possible. Remember Chrisel?” Tanong ni Mark. “Yes, that oh-so serious girl from class B?” Tanong ni Forrest. “Yes. Her. Na aksidente kasi siya sa isang palaro and she couldn’t make it, so I’ve been thinking that since kinuha natin kay Ana ang sinalihan niyang contest. Let’s give her these two battles.” Suhestion ni Mark at tumingin sa akin. Sabi ko na nga ba at ibibigay din nila ito sa akin. Mabuti na lang talaga at na aksidente ka Chrisel. Isa kang hulog ng langit, nawa ay pagpalain ka pa ng magandang kalusugan. “Me?” Gulat na tanong ko. “Yes! That would be a great idea. Lahat tayo ay may sasalihang contest and that would be fun if tayong lahat ay mananalo.” Sigaw ni Athena. “Ops, hindi kasali ang kinagat dito,”natatawang tugon ni Morris. “Shut up!” Sigaw ni Athena at inirapan ito. Napapailing na lamang kaming tatlo sa dalawa. “So, are you in?” Tanong ni Mark. Hindi muna ako tumugon at umaktong tila ba ay nag-iisip. Gusto kong isipin nila na pinag-iisipan ko muna ang tungkol sa bagay na ito. “I mean, no rush, Ana. May hanggang 12 midnight ka pa para tanggapin ito.” Sabi ni Forrest. “Uhm, actually. I am fine. I will gladly accept the vacant slot since ayaw ko rin naman na maiwan mag-isa na walang ginagawa.” Nakangiti kong sabi. “Great! I’ll ready the papers na.” Sigaw ni Mark at umalis na. “Kita mo ‘yon? Siya pa excited kesa kay Ana. Ano ba ang nakain no’n at bigla na lang nagbago.” Umiiling na sabi ni Morris. “Nang dahil sa isang babaeng walang kaalam-alam sa buhay ay nagbago ang isang lalaking malamig pa sa yelo,”saad ni Athena. “Hayaan niyo na ‘yon, minsan lang naman eh.” Dugtong ni Forrest. Ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Bakit hindi ko man lang sila maintindihan. May mga nakikita nanaman ba sila na hindi ko nakikita o mga bagay na may alam sila pero ako ay wala? “Bakit daw?” Tanong ko. Napatingin silang lahat sa akin at sabay-sabay na umiling. Ano na naman ba ang ginawa ko? “Huwag na tayong umasa na maiintindihan tayo.” Sabi ni Morris at tumayo na saka nag-unat. Tamang-tama lang din ay tumunog na ang malaking kampana na nagpapahiwatig na oras na sa pagkain. Doon ko lang din na pansin na nakakaramdam na pala ako ng gutom. Masiyado kasi akong abala sa pag-iisip kung ano ang ibig sabihin sa pasa na nasa leeg ni Athena. Iyon pala ay dahil lang sa kanilang kalandian sa isa’t-isa. “Finally! Kainan na. Gutom na gutom na talaga ako,”sigaw ni Morris. “Kailan ka nga ba hindi gutom, Morissay?” Tanong ni Athena. “Oo nga naman, Athena. Ikaw ba? Bakit ka tumayo, hindi ba at busog ka na?” Tanong ni Morris at ngumiti nang mapang-asar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD