University 36

2500 Words
Nahihiyang kinagat ko ang maliit na kutsara sabay iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan na sobrang naparami na pala ang kain ko at aakalain mong isa akong patay gutom. Kung titignan ay parang hindi pa ako kumakain ng ilang araw. Huminga ako nang malalim at umayos ng upo. “Nahiya ka pa,”sabi ni Athena at tumawa silang lahat pwera na lang kay Mark na umiwas ng tingin. Hindi ko na pansin na nakabalik na pala ito. Bigla kasi siyang lumabas saglit. “Ngayon pa lang kasi ako nakakatikim ng ganitong klaseng pagkain. Pasensiya na kayo,”sabi ko. Muli na naman silang tumawa kaya mas lalo akong napayuko. Laking gulat ko nang biglang may humawak sa aking balikat at nakita si Mark na nakatingin sa akin. “Hayaan mo na sila,”saad nito at umalis na sa aking harapan. Doon ko lang din na pansin ang napakaraming dessert sa aking harapan. Halos lahat yata ng inorder namin ay nandito. “What?” Gulat na tanong ko. Ngunit, hindi na muling lumingon si Mark at nagpatuloy na sa paglalakad. Sina Athena at Morris ay gulat na gulat na nakatingin kay Mark dahil sa kaniyang ginawa. Kahit ako ay hindi ko rin inaasahan ang ginawa nito. “What was that?” Bulong ni Athena at tumingin kay Forrest. Nagkibit balikat lamang ito atsaka kumuha na rin ng dessert. Ano kaya ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa? Baka dahil alam niya na hindi pa ako nakakain ng ganito at nahihiya ako dahil sa naging reaksiyon nilang Athena. Baka iyon nga ang rason. Iniwas ko na lang ang aking paningin at nagpatuloy na sa pagkain. Sarap na sarap ako sa aking pagkain hanggang sa tuluyan ko ng maubos ang lahat ng ibinigay ni Mark sa akin. Ito ang unang beses na kumain ako nang sobrang daming pagkain. Ito rin ang unang beses na sobrang busog ko dahil hindi naman ako masiyadong kumakain sa aming kaharian. Bigla akong napahawak sa aking tiyan ng maramdaman ko ang pagsakit nito. Mukhang masiyadong naparami ang kain ko. “Ano na, Ana? Ayos pa ba tayo riyan?” Natatawang tanong ni Forrest. “Ang sakit ng tiyan ko,”nakangiwing sabi ko sabay haplos ng aking tiyan. Ang sakit talaga ng tiyan ko, na sobrahan yata ako sa matamis. “Sino ba naman ang hindi sasakit ang tiyan kung ganiyan naman karami ang kinain mo?” Tanong ni Forrest at tumawa, “Huwag kang mag-alala. Mawawala rin naman iyan.” Tumango lamang ako atsaka tumayo na. Kailangan ko yata mag-ehersisyo dahil sa laki ng tiyan ko ngayon. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ako nag-unat. Ano ba ang pwedeng gawin para mawala ang sakit ng aking tiyan. Abala sa pagkwe-kwentuhan ang aking mga kaibigan samantalang ako naman ay naglakad papalapit sa may bintana at tinignan ang labas. Ako lang ba ang nakakapansin o wala silang pakealam sa background ko? Para bang alam na alam na nila ang lahat tungkol sa akin. Bago pa lang nila akong kaibigan pero kung magtiwala sila sa akin ay parang kilala na nila ako. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko na ang laki ng tiwala nilang lahat. “Umuwi na tayo,”sabi ni Morris at tumayo na. Umikot ako at tinignan ang mga ito na ngayon ay nakatayo na, “Tara na, Ana.” Tumango lamang ako at sumunod na sa kanila. Na unang lumabas si Athena at sinundan naman ni Morris at Forrest. Kaming dalawa ni Mark ang nasa huli pero hindi kami nag-uusap. Tahimik lamang itong nakasunod sa akin at hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito. “Sasama ka ba bukas, Forrest?” Tanong ni Morris sa kaniyang kasama, “Sasama si Athena bukas.” “Hindi ako sigurado dahil baka uuwi ako bukas pero susubukan ko. Kung hindi naman, baka si Mark ang sasama sa inyo,”sabi ni Forrest. Isang marahas na hangin ang kaniyang pinakawalan bago ito lumingon sa likuran ko, “Kailangan ko kasi ibalita kay Mommy at Daddy ‘yong tungkol sa pagkapasa natin.” “Oo nga pala,”ani ni Morris, “Nangako tayo na kahit isa sa atin ay may magbabalita sa kung ano ang naging resulta. Ikaw na lang.” “Kapag talaga usapang ganito, lagi mo tinutulak sa akin. Ayaw mo ba makita ang parents mo?” Tanong ni Forrest at inilagay ang kaniyang mga kamay sa likod ng kaniyang ulo. “Gusto pero ayaw ko makita si Dra. Alam mo naman iyon. Baka hindi ako abutin ng isang araw ay mamamatay na ako,”nakangiwing sabi ni Morris. Dra? Sino kaya iyon. “Sabagay,”ani nito, “Basta, kapag hindi niyo ako nakita na kasama si Mark. Ibig sabihin no’n ay umuwi ako pero kung hindi ko feel bumyahe bukas, baka magpapadala na lang ako ng sulat para sa kanila.” “Magpadala ka na lang,”sabi ni Athena. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng nasa harapan ko dahil sa sinabi ni Athena. Sinubukan naman na habulin ni Forrest ang lakad ng kaniyang Fiancee. “Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo lang ako makasama bukas. Willing naman ako,”pang-aasar ni Forrest. Nang dahil do’n, nakatikim tuloy ito ng isang malakas na batok mula kay Athena. Inis siya nitong tinignan habang naka-kunot ang noo nito. Ayan kasi. Alam niyang pikunin ang kaniyang fiancee talagang inaasar pa nito. “Biro lang naman eh! Bakit kailangan mambatok!” Inis na sabi ni Forrest sabay kamot ng kaniyang ulo, “Hindi ka ba pwedeng mabiro? Aalis ako bukas, huwag kang mag-alala. Hindi ako magpapakita.” Inirapan lamang siya ni Athena at na una na itong naglakad. Bakas sa kaniyang kinikilos ang pagkainis. “Alam mo naman iyang si Athena. Hindi ka pa rin talaga na sanay,”sabi ni Morris, “Oo nga pala, sumama ka na lang bukas. Baka gusto mong mas lalong magalit ang babaeng iyan sa iyo. Alam mo naman kung anong klaseng babae iyan.” “Alam ko. Magpapadala na lang ako ng sulat.” Tumango lamang si Morris at tuluyan na kaming lumabas ng restaurant. Habang nakasunod sa kanila ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha sa aking nakikita rito sa labas. Ngayon ko lang na pansin na gabi na pala. Kung kaya ay ang mga ilaw na nakasabit sa mga lubid sa itaas ay nakasindi na. Sobrang ganda ng buong lugar. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mamangha sa sobrang peaceful ng lugar. Mga ganitong oras, sigurado akong magulo na sa amin. Wala kang makikita na hindi nag-aaway, dito, halos lahat ng tao ay nagtatawanan lamang habang nakikipag-usap sa isa’t-isa. Iba talaga ang lugar na ito. “Ang ganda ng bayan, ano?” Tanong ni Morris. Hindi ko na pansin na magkasabay na pala kami sa paglalakad. Mabilis ba ang lakad ko o hinihintay lamang niya ako? “Sobrang ganda. Ang saya tignan ng mga tao.” Sabi ko sabay ngiti sa kaniya. “Ganiyan talaga rito,”ani nito, “Ayaw na ayaw kasi ng hari at reyna ng Magiya ang magulong lugar. Isa pa, mababait ang mga tao rito.” “Aynan nga rin ang na pansin ko,”sabi ko at ngumiti sa kaniya, “Kung ganito lang sana sa lahat ng lugar baka maganda na ang pamumuhay ng lahat.” “Yeah.” Hindi na kami muling nag-usap pa hanggang sa makarating na kami sa isang napakalaking gusali. Sa sobrang laki ay hindi ko mapigilan ang tumingala. Sobrang laki talaga at sobrang ganda. “Dito tayo mananatili sa ngayon habang wala pa ang mga sulat at gamit mula sa university,”sabi ni Morris na naging dahilan ng paglaki ng aking mga mata ko. Ano ang ibig niyang sabihin na dito kami mananatili? Sa lugar na ito na sobrang laki at sobrang ganda? Dito? Talaga? Seryoso ba siya? Sa laki ng lugar na ito ay hindi ito isang kastilyo? Kung sabagay, iyong kastilyo nga na nakita ko ay paaralan pala ng kaharian na ito. “Huwag kang mag-alala, Ana. Hindi ka namin pagbabayarin,”sabi ni Morris sabay ngiti sa akin, “Iyong mga magulang na kasi namin ang nagbayad sa hotel na ito.” “Teka. Teka. Nakakahiya naman sa mga magulang niyo,”pagpipigil ko, “Magbabayad ako kahit kaunti.” “Hindi na. Huwag ka na mag-abala. Ayos lang talaga. Isa pa, alam naman namin na kaya mo talaga kaming bayaran pero ano naman paggagamitan namin sa pera mo? Itabi mo na lang iyan para bukas. May gala tayo at kakailangan mo ng pera,”paliwanag nito sabay akbay sa akin, “Alam kong nahihiya ka sa amin pero ‘wag mong kalimutan na kaibigan mo kami. Tangapin mo na lang ito bilang friendly gift.” “Friendly gift?” Tanong ko, “Nilibre niyo na nga ako sa hapunan tapos friendly gift pa rin?” Umiling si Athena at Morris sabay kindat sa akin, “Si Mark ang nanlibre no’n, si Forrest ang nagbayad sa dessert, which means ako at si Athena ay wala pa na ibibigay sa iyo.” “Kung ganoon, kailangan ko rin kayong bigyan ng kahit isang bagay,”sabi ko, “Ano ba ang pwede kong ibigay? Unfair naman kung kayo lang ang may ibibigay sa akin samantalang ako ay tanggap lang nang tanggap ng kung ano-ano.” “If you really insist, ikaw na lang ang magbayad ng breakfast natin bukas,”sabi nito, “Ayos ba iyon sa iyo?” “Deal.” Sabi ko. “Good, now let’s go!” Na una na silang pumasok at sumunod na ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging hitsura ko sa oras na makapasok na ako sa hotel na ito. Sana nga lang ay hindi ako mapahiya. Wala akong kaalam-alam sa kanilang paraan dito kaya malamang kailangan ko magtago sa kanilang likod at obserbahan ang gagawin nila. Naglakad na kami papasok hanggang sa bumungad sa amin ang isang napakalaking hagdan sa aming harapan. Patuloy lamang sa pag-uusap ang dalawa samantalang ako naman ay abala sa pagtingin sa paligid. Napakaraming kawal dito at marami ring mga katulong. Kung tutuusin, para itong sariling bahay at hindi hotel. Umakyat na kami sa itaas hanggang sa makarating na kami sa harap ng isang malaking pinto. “Dito na lang kami, boys. Salamat sa oras niyo, see you tomorrow!” Paalam ni Morris sabay bukas ng pinto. Tumango lamang ang mga lalaki at naglakad na rin paalis. Sumunod na ako sa kanila hanggang sa makapasok kami sa silid. Halos malaglag ang aking panga dahil sa laki ng tinutukoy nilang silid. Hindi ito silid, diyos ko. Isa itong bahay. Ang lawak ng buong lugar, may sofa at parang malaking screen pa. Ilang kagamitan na ngayon ko lang nakita at tatlong malalaking higaan na parang higaan ng mga prinsesa. Anong klaseng silid ito? Magkakasya yata ang limampung tao rito sa loob eh. Isa pa, iyong kama nila. Kasya iyong lima. Ano ang gagawin ko sa kama na iyan? Inakala ko pa naman ay simple lamang ang kanilang higaan o kaya ay inuupahan. Sa tingin ko ay hindi ko kaya ang bayarin kapag dito ako nanatili. “Diyan ang higaan mo, Ana,”sabi ni Athena at tinuro ang kulay pulang higaan na kasing laki lang din ng ibang higaan na naririto. Sa ibabaw nito ay isang tuwalya at isang parang roba. “Nakakapagod talaga ang araw na ito,”sabi ni Morris, “Maliligo muna ako.” “Sige, ako na iyong susunod sa iyo.” Tugon naman ni Athena, “Ikaw ba, Ana? Maliligo ka rin?” Tumango lamang ako bilang tugon. Ngumiti naman si Athena bago ito pumasok sa isang pinto na katabi lamang ng kaniyang higaan. Bawat higaan dito ay may katabing pinto na hindi ko alam kung ano. Gusto ko sana pasukin at tignan pero nahihiya ako. Sobrang laki ng lugar. Sobrang ganda. Halatang pangmayaman. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng paraan ng pamumuhay. Ibang-iba sa nakagisnan ko habang nandoon pa ako sa kaharian ng Fiend. Huminga ako nang malalim bago kinuha ang tuwalya at roba sa ibabaw ng aking higaan. Pagkatapos ay yinakap ko ito habang dahan-dahan na umupo sa kama. Sobrang lambot ng tela. Sobrang lambot ng kama. Para akong tinatawag ng aking higaan na humiga na at magpahinga pero kailangan ko muna maligo. Kung saan-saan ako napunta ngayon kaya kailangan ko magbihis. “Ang lambot ng higaan, ano?” Biglang tanong ni Athena na kakalabas lamang sa silid na iyon. May dala-dala na itong damit. “Sobra,”tugon ko, “Ngayon pa lang ako nakakahiga sa ganitong klaseng kama.” Totoo naman ang sinabi ko. Malambot din naman ang kama ko sa aming bahay pero hindi ito kasing lambot sa higaan na ito. Magigising kaya ako bukas? Mukhang impossible. Gusto ko na lang yata humilata sa higaan na ito buong araw.  Maari ba na e-postpone ang lakad namin bukas? Parang gusto ko na lang kasi humiga ngayon sa kama at huwag na bumangon pa. Gusto ko bumawi ng pahinga pagkatapos ng ilang araw kong pag-eensayo with my Father pero siyempre, hindi ko naman ito pwedeng sabihin sa mga bago kong kaibigan. "Masanay ka na. I heard, ganito rin ang higaan sa dormitory ng paaralan. Iyon nga lang at mas maganda pa ito rito, lalong-lalo na at nasa Upper Sect tayo." Paliwanag ni Athena. "Ganoon na lang ba kaganda ang Upper Sect?" Tanong ko. Dahan-dahan na naglakad papalapit sa akin si Athena at umupo na sa aking tabi. "Sobrang ganda ng Upper Sect, Ana. Isipin mo kung gaano karaming resources at priviledge ang mapupunta sa atin sa oras na nasa section na iyon tayo. Mas maraming masasarap na pagkain, magandang tirahan, magandang training, access sa mga prohibited na library at lalong-lalo na, makakapasok tayo sa kastilyo ng Kaharian ng Magiya." What? Kung totoo nga ang sinasabi ni Athena. Ibig sabihin makakapasok ako sa Kaharian ng Magiya? Well, I think I should thank my foster parents and Aris for training me. They paid off. "Iyon nga lang at mahirap na pasukin ang Kaharian ng Magiya, it is gone." Malungkot na sabi nito. "Gone?" Narinig ko na ang salitang iyan. Ano ba ang ibig nitong sabihin bakit hindi na lang nila ipaliwanag nila sa akin kung ano ang ibig nitong sabihin na gone. Gusto kong malaman ng sa ganoon ay may ideya naman ako kung saan ako magsisimula. "Gone. Wala na. Simula noong nawala ang Hari at Reyna,"paliwanag niya, "Anyway, you will learn the history of it once the class starts. Huwag kang mag-alala, I am pretty sure you will learn fast. History of this Kingdom is the most interesting among all the subjects, well, except for the battles and magic classes." "I am done! You are next!" Biglang sigaw ni Morris pagkatapos nitong makalabas sa banyo. Nakasuot na ito ng roba habang may tuwalya naman sa kaniyang ulo. "Chill. Just rest for now. Huwag mo na isipin ang tungkol sa mga bagay na iyan."                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD