University 37

2500 Words
Tuluyan ng pumasok si Athena sa loob ng banyo habang na iwan naman si Morris na nagtatakang nakatingin sa pinto. Hindi yata nito na intindihan ang ibig sabihin ni Athena. Hindi ko rin naman siya masisisi kasi kakalabas lang din naman nito mula sa banyo. “Ano ang ibig sabihin ni Athena?” Tanong nito at naglakad papalapit sa akin. Bigla itong umupo sa aking kama na naging dahilan ng pagtalon ko ng kaunti. Ipinatong nito ang kaniyang isang binti sa isa pa habang pinupunasan ang kaniyang buhok. Doon ko lang din na pansin ang dibdib nito na halos lumabas na. Ang laki. “Alam kong malaki ang dibdib ko. Hindi mo kailangan ipahalata iyan sa akin,”natatawang sabi nito, “So, ano pinag-uusapan niyo ni Athena habang naliligo ako?” Agad akong umiwas ng tingin dahil sa pagkahiya. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa kaniyang sinabi. Masiyado ba akong halata para mapansin niya ang aking pagtitig? Nakakahiya naman iyon. “T-tungkol lang sa higaan,”tugon ko at nagpakawala ng hininga. Habang tumatagal ako sa kaharian na ito, mas lalo akong naging expressive. Hindi ko alam kung ano ang rason pero ang dating kilalang cold princess ng aming paaralan ay nawawala dahil sa kanila. May mahika ba ang buong kaharian at bigla-bigla na lang nagbago ang aking pananaw? “Higaan? That’s weird. Ano naman ang pag-uusapan niyo tungkol sa higaan?” Ramdam ko ang pangungusisa nito sa kaniyang boses. Gustong-gusto talaga yata nito malaman ang buong pinag-usapan namin ni Athena. Hindi naman iyon masiyadong importante. Isa pa, nagsasabi rin naman ako ng totoo. “Oo,”tugon ko, “Ngayon pa lang kasi ako nakahiga sa ganitong klaseng kama. Sobrang lambot at komportable. Kwenento lamang ni Athena na maganda rin ang higaan ng dorm doon, lalong-lalo na at nasa upper sect tayo.” Ayaw kong magduda si Morris sa akin kung kaya ay kahit sobrang nonsense no’n, ipapaliwanag ko sa kaniya ang mga pinag-usapan namin ni Athena. Kailangan ko kunin ang tiwala nila para sa aking paghihiganti. “Oh,”bulong nito. Laking gulat ko nang bigla itong tumayo at naglakad papunta sa kaniyang higaan. Tahimik lamang ito na naging dahilan ng aking pagtataka. Bakit? Hindi ba ito naniniwala sa sinasabi ko? “That explains why. Magbibihis na muna ako, maiwan na muna kita r’yan.” Lumingon ito saglit sa akin bago ito kumindat. Tumango lamang ako sa kaniya bago ito tuluyang pumasok sa loob ng pinto na nasa tabi ng kaniyang higaan. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Akala ko ay pag-iisipan ako nito ng masama. Mabuti na lang at agad siyang naniwala ngunit, teka, totoo naman talaga ang sinabi ko. Ayon naman talaga ang sinabi ni Athena kanina, ayon lang naman ang pinag-usapan naming dalawa kanina. Wala akong dapat ikabahala dahil ayon naman ang totoo. Muli kong nilingon ang pinto na kung saan pumasok si Morris at bumuntong hininga. Masiyado akong halata sa aking mga kinikilos. Kailangan ko e-compose ang aking sarili at manatiling kalmado sa lahat ng bagay o sa kahit na anong gagawin nila sa akin. Inilabas ko ang ibinigay sa akin ni Aris bago ako pumunta sa kaharian na ito. Sinubukan kong tawagan ang aming kaharian ngunit walang lumalabas. Mukhang totoo nga ang sinabi nila Athena, mas lalong lumakas ang mga hari at reyna sa kaharian na ito. Hindi ko matawagan sina Aris o kahit ang aking mga magulang. Dapat na ba akong mabahala? Hindi ko alam. Wala na akong alam sa kung ano ang dapat kong gawin. Siguro ay itutuon ko muna ang aking atensiyon sa aking sarili. Kailangan kong manatiling ligtas hanggang sa makuha ko na ang mga impormasyon na aking dapat makuha. Hindi pwedeng malaman nila agad ang aking pagkatao sapagkat hindi na rin ako sigurado kung makakabalik ba ako nang basta-basta sa aming kaharian. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko itinago ang bagay na iyon. Tamang-tama lang din na biglang bumukas ang dalawang pinto sa silid. Lumabas na sa banyo si Athena habang suot-suot ang roba, samantalang nakapandamit pantulog naman itong si Morris. “Mabuti naman at tapos ka na. Kanina pa naghihintay si Ana sa iyo,”sabi ni Morris at umupo na sa kaniyang higaan. “May tinanggal pa kasi akong dumi sa aking paa. Hindi ko alam kung saan ko iyon nakuha pero ang tagal nitong nawala,”paliwanag nito. “Oo nga pala,”sambit ni Morris, “Ano pala ang pinagusapan niyo ni Ana kanina?” Hindi nga ito naniwala sa akin. Mukhang pinagdududahan na ako ni Morris ah? Kailangan ko na mag-ingat. Unang araw ko pa lang ay parang malalaman na yata ng buong kaharian na ang isang taong katulad ko ay nakapasok sa mundo nila. “Ah, ayon ba, tungkol lang ‘yon sa kama. Sabi niya ay ngayon pa lang daw siya nakakahiga sa ganitong klaseng higaan kaya pinaliwanag ko ang tungkol sa section natin,”tugon ni Athena at pumasok na sa pinto. Tumango-tango lamang si Morris bago nito kinuha ang isang libro na nasa maliit na lamesa, katabi lamang ng kaniyang kama. Hindi na lamang ako umimik at pumasok na sa loob ng banyo. Pagkatapos ay hinubad ko na ang aking damit at nagsimula ng maligo. Sa ngayon, mas mabuti sigurong kalimutan ko muna ang paghihiganti. Kailangan kong protektahan ang aking totoong pagkatao. Mukhang nagdududa na si Morris sa akin. Masiyado yatang halata ang aking gustong gawin. Hindi ko matawagan ang aking mga magulang. Hindi ko rin matatawagan si Aris at humingi ng advice sa kung ano ang aking gagawin. Kung kaya, tanging ang sarili ko na lamang ang aasahan ko. Ang una kong gagawin sa ngayon ay ang protektahan ang aking totoong pagkatao, pagkatapos ay kukunin ko muna ang kanilang tiwala bago ako magsimula sa pagkalap ng mga impormasyon patungkol sa kaharian na ito. Kung may isang tao sa mundo na ito ang dadalawang isip sa aking pagkatao, malamang, susunod na rin ang iba. Ilang taon na silang magkaibigan, sigurado akong mas pagkakatiwalaan nila ang mga iyon kumpara sa akin. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko hinarap ang aking sarili sa salamin. Nakatitig lamang ako sa aking mukha nang bigla na lamang nagbago ang kulay ng aking mga mata na naging dahilan ng pagsakit ng aking ulo. “Heto na naman,”bulong ko. Sa tuwing nagpapadaig ako sa galit, nagiging ganito ang aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi alam ng aking mga magulang ang tungkol dito. Ayaw ko rin ipaalam sa kanila dahil sigurado akong may gagawin na naman ang mga ito. Sa bawat oras na may nararamdaman ako ay lagi nila itong tinitignan kung bakit. Sobrang sakit ng kanilang eksperimento. Ayaw na ayaw ko na iyon maulit muli. Kung kaya, sa oras na may nararamdaman akong kakaiba sa aking katawan. Hindi ko na lang iyon sinasabi sa kanila at tinatago na lamang ito. Huminga ako nang malalim at sinubukan na itulak sa likod ng aking ulo ang sakit. Pagkatapos ay umayos ako ng tayo at mariin na pinikit ang aking mga mata bago nagsimulang magsabon. Lumipas ang ilang sandali at na tapos na rin ako. Kinuha ko ang aking damit na pantulog mula sa aking pinaglalagyan atsaka ito sinuot. Inayos ko na rin ang aking buhok. Gusto ko na matulog. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas ng banyo. Abala ang dalawa kong kasama sa kani-kanilang ginagawa. Si Athena ay abala sa pagko-crochet samantalang si Morris naman ay abala sa pagbabasa ng libro. Hindi yata nila na pansin ang paglabas ko kaya naglakad na ako patungo sa aking higaan. Agad kong itinapon ang aking sarili dito at halos lumubog ako sa ilalim. Sobrang lambot talaga ng kanilang kama para akong hinihila pababa. Gusto ko na matulog, sobrang komportable nito at ang sarap-sarap magpahinga. Kung may ganito lang sana sa aming kaharian ay baka hindi na ako lalabas pa sa aming bahay. Masiyado itong masarap higaan. “Masarap na matulog, ano?” Mabilis akong napabangon ng biglang nagsalita si Morris. Tinignan ko ito na ngayon ay naka-dapa na sa kaniyang kama at nakatingin sa akin. “Oo,”nakangiti kong tugon, “Kung pwede lang sana na matulog ako buong araw bukas ay gagawin ko.” Bigla akong napatakip sa aking bibig dahil sa aking sinabi. Bakit ang daldal ko na? Tumawa naman ng mahina itong si Morris at itinukod ang kaniyang dalawang kamay. Pagkatapos ay ipinatong nito ang kaniyang baba. “Kaso may lakad tayo bukas, tama ba?” Tanong nito. Tumango lamang ako sabay kamot ng aking ulo, “Maari naman natin iyon gawin sa susunod na araw kung gusto mo.” Mabilis akong umiling dahil dito. “Gusto kong makita ang buong bayan. Hindi ko sasayangin ang araw bukas. May ibang araw pa naman na pwede akong magpahinga kaya dapat ay aalis tayo bukas.” Alam kong nagmumukha akong desperada dahil sa sinabi ko ngunit, tumawa lamang si Morris sa aking sinabi. “Kung ganoon, matulog na tayo,”ani nito at umayos na ng higa, “Matulog ka na rin, Athena. Alam mong masama sa iyo ang magpuyat. Good night!” “Good night!” Bati ko pabalik at humiga na rin sabay patay ng ilaw. “Matutulog na rin ako. Hinihintay ko lang kayo,”sabi naman ni Athena, “Good night.” Sabay na pinatay nilang dalawa ang kanilang mga ilaw hanggang sa tuluyan na naging madilim ang buong paligid. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog.     “Gising!” Mabilis akong napabalikwas ng bangon dahil sa isang napakalakas na sigaw mula sa gilid ng tenga. Tinignan ko ang taong ito at nakita si Athena na nakahawak sa gilid ng kaniyang tiyan habang masama ang tingin sa akin. Sa likod nito ay ang tatlo pa namin na kaibigan na natatawang nakatingin sa akin. Oo nga pala. Hindi iyon panaginip. Nasa Kaharian na nga pala ako ng Magiya at enrolled na sa Blue Blood University. “A-ano meron?” Inosenteng tanong ko sabay kusot ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ang aga-aga nila akong ginising. Wala pa naman pasok ngayon, hindi ba? “Anong, anong meron? Hoy, Ana! Baka nakakalimutan mo na nangako ka kahapon na babawi ka sa breakfast?” Tanong ni Athena. “Shunga ka talaga! Sabi ko naman sa iyo na huwag na muna natin siyang gisingin. Alam naman natin na napagod iyan kahapon,”sabi ni Morris at bumuntong hininga, “Gusto mo pa ba matulog, Ana? Pwede naman na mamaya na tayo umalis.” Tila ba ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang bigla kong maalala ang agenda namin ngayong araw. Oo nga pala, igagala nila ako sa buong bayan at ito ay aking nakalimutan. Bakit ba masiyadong napasarap ang aking tulog? Sabi ko na nga ba, may downside rin itong malambot na kama na ito. Ang hirap na tuloy bumangon. Mabilis akong tumayo at tumakbo sa banyo, “Just give me ten minutes!” Sigaw ko. Rinig na rinig ko ang pagtawa nila mula sa labas hanggang dito sa banyo. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapasimangot dahil sa kanilang ginawa. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit na huli kami pero bakit kailangan pa nila ako pagtawanan. Hindi ba pwedeng pagod na pagod lamang ako kaya ako ganito. Kung tutuusin, ako nga ang laging pinakamaaga sa amin sa kaharian ng Fiend. Pagod lang talaga ako. Nagpatuloy na ako sa pagligo at pagkatapos ay pinunasan na ang aking sarili. Itinaas ko ang aking kamay atsaka ito ginalaw at ilang sandali pa ay nakasuot na ako ng damit. Naka-tshirt lamang ako at short. Lumabas na ako sa banyo habang tinatali ang aking buhok. Abala sa pag-uusap ang lahat ngunit agad din silang lumingon ng marinig ang pagsara ng pinto. “Wow! Exactly ten minutes. Impressive,”nakangising sabi ni Forrest at tumayo na. “I am really sorry,”paghihingi ko ng paumanhin sabay yuko sa kanilang harapan. Malalakas na tawa naman ang aking narinig mula sa mga ito. Bakit ba kailangan nila akong pagtawanan. "Ano ka ba, natural lang naman iyan. Alam namin kung gaano karaming enerhiya ang inilabas mo kahapon,"sabi ni Morris at lumapit sa akin sabay yakap sa aking braso, "Tara na. Medyo gutom na rin ako." Tumango lamang ako at na una na kaming lumabas. Sumunod naman si Forrest at Athena na ngayon ay abala sa pag-uusap. Hindi ko alam kung tungkol saan ito at wala akong planong alamin. Alam kong tungkol lang din naman ito sa relasyon nilang dalawa. Ano pa ba? Huminga ako nang malalim at nagpatuloy na sa paglalakad. Ibinaling ko ang aking tingin kay Morris na ngayon ay seryoso lamang na nakatingin sa daan. Ano ba ang nangyayari sa isang ito? Kagabi ay parang labis ang kaniyang pagdududa sa akin tapos ngayon ay parang bago na ang kaniyang paraan ng pakikitungo.  "What is wrong, Ana?" Tanong nito habang nakatingin pa rin sa daan, "Seems like you have been staring at me for this short period of time. May problema ka ba o may dumi ako sa mukha?" Mabilis kong iniwas ang aking paningin atsaka umiling, "Wala naman." "Hmmm." Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang sandali ay nakarating na rin kami sa tinatawag nilang morning restaurant. Tuwing umaga lang daw ito bukas at isa lang din ang masasabi nila. Sobrang sarap daw ng tinatawag nilang pancakes dito. "Gusto kong kumain ng waffles ngayon,"sabi ni Athena mula sa aking likuran. Tapos na ba sila? "Orderin mo,"ani ni Forrest, "Hindi naman masiyadong mahal ang kanilang mga paninda rito kaya ayos lang iyon kay Ana." "Sabagay." Na una kaming pumasok at bumungad sa akin ang isang babaeng nakangiti. Halos hindi ko na makita ang mata nito dahil sa sobrang singkit. Paano ba ito nakakakita? "Good Morning, Guest! Please follow me,"bati nito sabay talikod sa amin. Sumunod na lamang kami hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa restaurant. May ilang taong kumakain na rin dito. May mga taong walang kasama, may mga kasama ang kaibigan o pamilya. ang saya nila tignan. "This will be your seats,"sabi ng babae sabay turo sa isang pang-limahang mesa, "Just call me if you already has your order." Tumango lamang kami sa kaniya at umupo na. Kinuha ko ang isang parang libro na nasa tabi at binasa ang mga nakasulat sa loob. Panibagong pagkain na naman na bago sa aking paningin. I wonder kung ano ang lasa ng mga ito, ngunit, sabi nga ni Athena ay masasarap ang mga pagkain nila rito.  "I'll have this. How about you?" Tanong ni Morris sa akin. Sinuri ko muli ang buong pahina at hinanap ang pagkain na makakaagaw sa atensiyon ko, "Ano ba ang masarap?" "Lahat,"tugon ni Athena, "Pero hindi mo naman pwedeng orderin lahat. Siguro, ang marerekomenda namin sa iyo ay ito." Tinignan ko ang tinuro niya at nakita ang isang parang hugis bilog na tinapay na may tumutulong likido na kulay brown at isang hugis parihaba na kulay dilaw. Ano kaya ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD